T'eksi and Drivers

ang kwentong ito ay ang pakikipagsapalaran ko sa mga teksi ng Malaysia at sa mga driver nito

sa totoo lang, mas better pa ang taxi service sa pinas compared dito. alam mo ng mahal ang ibabayad mo pero ung mga ugali talaga nila napipikon ako.

90% ng mga taxi dito pag ung pinara mo lang, pepresyuhan ka. oo, though my meter naman sila. presyo na times 3 or 2 ng ordinary meter charge. ang nakakainis pa, hirap ka na ngang makipag usap sa kanila, sila pa ang maarte.. grrrr!

eto pa, pag morning kumuha kami ng taxi sa my bus stop, sasabihin nila 5 RM na agad, mga 65 pesos na un, para sa 2-3 kilometers na takbo. at ang malupet sa bus stop ka rin ibaba!! naka naman oh! kaya nga nagtaxi di ba? ayaw ko ng maglakad papasok sa loob ng compound ng condo dahil sa puyat ako. kaya nga taxi is para ihahatid ka san mo gustong pumunta. katamaran nga naman!

tapos sasabihan ka pa, when you take the bus you will pay 1 RM, so i will just drop you at the bus stop. kainis di ba? GAHAMAN mga taxi driver dito. gahaman na kung sa gahaman. at ang pinaka mahirap my ATTITUDE problem. sinabayan pa ko.. bwiset!


0 comments: