GXS Lunch

cyempre hindi mawawala ung team na ito.. hehehe
my former officemates and my friendly friends.. well, actually i saw them na when i visited the office the first day ko pa lang sa pinas. my halloween party pa nga sa office but then my appointment ako with other people.
konting harutan, landian at mga kwentuhan tungkol sa buhay buhay ng bawat isa..
grabe.. nakakamiss iyong ganun.. dati rati almost everyday that we see each other. isang ping lang sa MOC or tatayo ka lang ng cube mo at sisigaw ng pangalan ni ganito, magkakausap na kayo and lahat ng team nakikinig din.. lolz
they are the people and the reason why i stayed longer in GXS, less than 3 years din ako sa first company ko. sila ung mga taong tumulong at naging pamilya ko sa loob ng panahon na yan. at sila din ung tumulong sa kin nung panahon na sobrang down sa buhay ko, though ang isang rason din naman dun ay mga taga loob..
oh well, past is past, mas marami akong magandang memories sa loob kesa sa bad.. and sila nga iyong mga good memories..
anyways, marami pa ring kwento over lunch.. uu nga pala, had lunch sa North Park near RCBC.. hayz.. kakamiss talga kayo.. tsktsk

on this photo:
Ms Marj, Jaja, Edward, Pam/Mel, Leigh, Zel, Ms Thina, Karen, Rashid

konti na lang yan compared sa batch namin dati sa dev team na more than 100 kami. but still sabi ko nga part na rin sila ng life ko.. kaya i will always go back to them whenever im available. hehehe

saka nga pala, wag naman masyado lahat papuri.. ahahaha.. nakakalunod din minsan ang isang basong tubig.. lolz
saka iyong mukhang meron ako gawa sa syensya di ba? so dapat maganda talaga ang kinalabasan.. saka sabihin nyo rin pag panget, para for improvement.. lolz..

so pano? miss ko na ulit kayo pero mukhang matatagalan bago tayo magkita kita ulit.. ingats po palagi! ^_^

Racks / Icebergz


first people na ka appointment ko when i went back sa Pinas last week of October.
Dinner with Ms Thina kasama si Jo.
well, what i did is i went to my former office sa RCBC and sinundo si ms thina then sabay na kaming pumunta ng MOA para sunduin naman si ate. we had dinner sa Racks - sobra busog ko dun ah.. ahahah..
ang dami nating nakain.. nakapag take out pa tuloy na mga di natin naubos..
daming kwento.. nakakamiss din iyong ganung buhay sa pinas..
na everytime na libre puede kayong magkita kita.
its one of the things that i miss in Manila.
after our dinner sa Racks, we went ahead sa Icebergs for dessert.
i had halo halo kasi cyempre di naman ako madalas makakain nun dito.
and ang dami pa ring kwento.. ahahha.. nakakamiss ang mga laugh trip.
grabe.. i really miss this set up.
on my next uwi, kita kits po ulit..

mamamasko po.. ^_^

bored ^_o

dahil sa ako ay walang magawa dito sa office dahil na rin sa wala ng ticket at natapos ko na ang aking trabaho sa mas maagang oras, eto ako ngayon - hilo sa antok.. gising na ko 1:30 pa lang ng hapon and its almost 5 am in my ip phone. sana 8 na para makauwi na ko.. hahaha..gusto ko ng makabawi ng tulog eh.. one more thing pa pala, iniisip ko kung pupunta ako ng mall tomorrow and if im gonna buy the Nike Bag that i want.. what do you think?

and another thing that i did because of boredom, i read my previous entries on this blog. ang daming typo error pati grammar. ahahah.. hindi kasi ako nagproproof read ng mga entries ko dito. kung ano lang maisip ko iyon na iyon. minsan mali talaga..

naka past tense ung sentence dapat pero meron akong present tense na ginagamit. parang kahapon tapos ngaun.. oh di ba? ano pa ba? basta ang dami kong nabasang mga mali. kung puede nga lang ire-edit lahat ng iyon. hehehe

sa ngayon, meron palang on going renovation dito sa office. di ko alam ano at kung bakit ang dahilan ng biglang pagbabago. siguro dahil na rin sa laki ng populasyon ng kompanyang kinabibilangan ko, need na nilang magdagdag ng mga cube.. hehehe

so pano, idlip muna ko.. signing off...

the first Pinas trip..

i made my first ever balikbayan trip last week of October. anong feeling ng isang OFW na first time uuwi ng pinas? excited.. para mameet na rin ung mga damit imeet. gawin iyong mga dati mo ng ginagawa. mga ganung bagay. at dahil sa hindi ako excited at sa praktikal na rin, dinala ko na ung maleta ko gabi pa lang ng tuesday para diretso na ko sa airport. kasi naman baka maubos oras ko kung sa house pa ko manggagaling. anyways, i left the office around 7 am, so 7:30 nasa airport na ata ako and my flight is around 10 am sa Malaysia Airlines.

hindi ako maaga pero sakto lang ung pila para sa check in luggage. meron kasi silang allowed na 20 kilos every passenger pag going back to Manila even pabalik ng KL. so after ko mag check in, next stop is immigration. actually wala naman akong naging hassle sa pagpasok sa airport nila dito.

the immigration officer asked me pa nga if i wanted stamp sa passport ko kasi puedeng wala since i do have the card here. pero sabi ko "yes please". para alam pa ring lumabas ako at dumating ng malaysia.

mahigit one hour before my flight nasa boarding gate na ko. and since hindi pa ko nagbreakfast, naghanap ako ng coffee shop na malapit and napadpad ako sa coffee bean sa kabilang wing ng airport. ahaha.. talagang nilakad ko ung part na iyon till makakita ako ng makakainan.

sakto naman ung oras ng flight. at ung hinihintay ko na pag angat ng eroplano sa lupa is hindi naganap. dahil? nakatulog ako sa sobrang antok at pagod. nagising ako nakikita ko na lang ung lupa at mga building sa bintana. but okay lang naman. and i have a good seat na rin. 2 rows behind the business class. ^_^

so nung naka idlip ako ginising ako ng FA in a nice way dahil magseserve ng food. ano daw gusto ko. ang kinain ko ata is chicken curry na my rice. and i think naubos ko cya dahil gutom na naman ang bata.. ahahha..

lumapag iyong plane sa NAIA around 2 PM. at 2:30 PM nasa labas na ko ng NAIA papuntang makati. at nandun din ako naipit sa traffic sa my airport road. and it only means - nasa Pinas na nga ako..

Welcome Manila!