hindi ako PLASTIC!

at hindi ako marunong magpaka plastic! nakikita sa mukha ko kung inis na ko. ramdam sa bawat galaw ko kapag hindi ko gusto. oh eh ano naman ngaun? mundo ko ito eh. wala lang pakialamanan. lahat ng tao my sumpong meron din ako.

my kasama kami sa work, lately kasi parang nawiwili na cyang magpasa ng magpasa ng work. pagawa dito, pagawa kay ganyan, hanapin mo ung file na hinahanap nya ganito ganyan. alam naman natin na hindi ganyan magwork ang pinoy. siguro medyo nainis na lang ako sa ganung gawain. iyong tipong pasa ng pasa ng trabaho. walang masamang magtanong, pero iyong tipong iyong tao na un na ung naggagawa ng work, well iba na iyon di ba?

eto, my pinasa kasi cyang work sakin. my aattend-an na meeting then gagawin ung dapat gawin. magmomove ng bagong customer sa Production. so maraming dapat gawin. so cge lang! go! ako na daw gumawa kasi ako naman nag perform ng Technical Review. okay cge, so ibig sabihin tatlo RTP ko na hawak.

multi tasking ako along the way, wala pa namang meeting. so habang nagbabasa ako ng document para sa isa kong RTP, bigla cyang lumapit sa table ko. sabi nya sa akin "dial 1-800 balh blah" na medyo malapit sa phone ko na tipong gusto nya cya na magdial or maybe cya na nga ung pipindot. sabi ko "wait", my iniisip kasi ako sa binabasa ko at puno ang utak ko. sabi nya ulit "dial 1800 blah blah" at talagang cya na pipindot sa phone ko.

so dun na ko medyo nainis. naintindihan ko naman ano sinabi nya di ba. one is enough two is too much. grabedad naman. hindi naman ako bobo para di ko maintindihan ung sinabi nya, ultimo mga ordinaryong tao sa pinas alam ibig sabihin nun.

at dahil sa inis ko nga, napasabi ako ng "WAIT" as in CAPS lock! ramdam mo na my inis ako. ahahah.. so bigla cyang "oops, sorry". so umalis cya sa tabi ko at ginambala naman ung isang kasama ko. so nung dumaan ulit cya sa cube ko, well ganun na ulit, sinulat na lagn nya ung number sa document ko, and eto malupet, ako ung nasa last discussion! lolz.. excited to the maximum level kasi.

hindi naman sa nanghuhusga ako, pero cguro napuno na rin ako, at my mga bagay na kong hindi gusto na nakikita sa kanya. oo, marami cyang ginagawa. marami rin kaming ginagawa. buti nga cya isang application lang hawak nya. eh ako? ilan ba? 3 application ang sinusupport ko. pero narinig ba nya akong nagreklamo sa gawain ko? hindi naman di ba? naiinis ako sa mga problema ng application ko at sa mga tao na gumagawa ng problema ko, pero di ako nagrereklamo sa trabaho ko.

bad na ba ako? lolz

0 comments: