iskedyul..MTR..OT..blog

|

potek! after so many days and weeks na sobrang busy! eto nakapag post din.. hahaha.. ano ba kasi naganap? ayun, dahil sa problemang pampamilya (naiisip ko na naman di ba? hindi kasi ako manhid) ginawa kong abala ang sarili ko sa trabaho.. tama.. pumapasok ako ultimo holiday.. hahaha.. barangay elections.. nasa opisina ako.. Nov 1 and Nov 2. nasa opisina pa rin ako.. kusa akong nag volunteer na ako na lang ung papasok sa araw na iyon para mag dev support sa client na maggogolive.. or ung mga nagtetest na client.. basta un na un.. dev support sa holiday..

cyempre wala akong uuwian di ba? hahaha.. pero baka this weekend dalawin ko nanay ko sa sementeryo pati lola ko.. dun na lang ako iiyak.. wahaha... tapos so un nga di ba, nagpaka busy ako sa trabaho at saktong konti na lang ang mga developers.. 13 na lang sa ilang project na hawak(?) mahigit 10 ata un.. 13 developers divide mo sa project na hawak.. tapos meron pang mga deadline di ba? so ang ginawa late na umuuwi lahat.. 10 pm kumpleto pa ang team.. 11 pm.. aba kumpleto pa rin.. ang iba dito na natutulog.. tsk tsk.. ako hindi ko pa naman ginawa.. iba pa rin pag sa sarili mong higaan ka natutulog.. i love my pillows.. sarap kaya my kayakap pag natutulog.. bwahahaha.. ok naiiba na ung usapan.. so un nga.. pero since late na umuuwi lahat, at ako ay sabik sa tulog, nung one time ung project ko na new map is dapat ng isend sa QA for functional testing aba 4 am na ko natapos mag unit testing sa part ko.. at before pa nun feeling ko sobrang pagod ko na.. masyado ko ng binubugbog ang sarili ko (para lang di mag isip sa pamilya.. hahaha) sa trabaho.. and i didnt recognize those facts even though my close friend tell me that many times before.. dun ko lang napagtanto na sobra sobra na ang ginagawa ko..

so umuwi kami ng 4:00 am ng kasama ko.. nag breakfast sa chowking.. pagka uwi nagpahinga pa ko.. tapos naligo.. nakatulog ata ako mga 6 am na.. desidido na kong wag pumasok.. dahil geez naman.. kape na lang ng starbucks ang bumubuhay sa kin araw araw. at hindi po ko taga call center.. potek!

so un nga.. di ko talga kaya pag kulang tulog ko.. pare you know that.. 8 hours minimum per day.. at pag rest day (sat and sun) 12 hours per day or more pa.. sabi nga ng dati kong team leader, para ko daw sinsayang one third ng life ko kasi puro tulog inaatupag ko.. sir pasensya naman po.. libangan ko na po un pagbigyan nyo na.. so un na! hahaha

hidni ako pumasok ng tuesday dahil tulog ako the whole day, nagising ako ng 4 pm.. tapos kumain lang.. then natulog na ulit ng 6 pm. hataw kung hataw sa tulog ito.. ang problema ko lang talga sa pagtulog is ito:

1. pag nakatulog na ko at maganda ang tulog, kahit pumasok ka pa sa kwarto at ibukas-sara mo ang pinto hindi ako magigising.. pede mo na akong marape nugn mga panahon na un.. :p
2. pangalawa, pag nakatulog ako at nagising ako (dahil sa init or ingay sa labas ng unit-sobrang lakas talga and mababaw pa lang tulog ko) hirap na kong bumalik sa pagtulog.. kahit salpakan mo pa ng mp3 player yang tenga ko, aabutin ako ng oras before makabalik sa aking mahimbing na pagtulog.. ang problema pa, pag 4 am ako nagising.. potek! goodluck sa mata ko the next day..
3. at pag nakatulog na ko, pahirapan na yan sa paggising.. sobrang mahal ko na ang mga unan ko.. or my sumpa na ang higaan ko? na mahihirapan ka ng bumangon kapag nahiga ka? tama ba pare? hahaha.

so un nga.. ung mga pinasok kong araw.. ngaun ko binabawi ang tulog.. at salamat sa bitamina.. pero ang panget ko na.. masyado na kong haggard... potek naman! wala na kasing tao ang dami pang trabaho.. WANTED: EDI MAP DEVELOPER - with or without experience.. hahaha..

so un, kanina nagsubmit na ko ng form para sa mga pinasok kong araw.. 8 days lahat un.. eto ang malupit:

1. No OT pay
2. MTR lang (Meal and Transpo Allowance - ang meal potek kulang pa sa kinakain ko, eh kape pa lang para manatiling gising utak ko kulang na kulang)
3. CTO kapag naka 9 hours ka per week.. (eto ung pede kang mag leave pero walang bawas sa official leaves mo)

ayan lang.. imaginine mo kung my OT Pay yan, ang laki ng pera ko.. hahaha.. pero ngaun, un nga lang.. dun na lang ako sa kung anong ibibigay.. alam ko bilang na rin ang araw ko sa opisinang ito dahil hindi na ko masaya, deep inside.. kaya ko nasasabi ng diretso itong mga ito..

at ang latest, my team meeting kami sa VP ng Manila office next week.,. and blunt na naman ako sa pagsasabi ng mga saloobin ko nito.. uu nga pala, mejo close kami.. kasi ung cube ko katapat na katapat ng office nya.. kita nya kung ano ang ginagawa ko.. at alam rin nyang lagi akong wala sa cube ko.. hahaha... pero ngaun, wala na cya,. umuwi na.. imagine nakapag blog ako today? Geez!~

6 comments:

rowjie said...

always have time to rest and for yourself, oki? :)

Bonbon'ito said...

give yourself a break! Face what you need to face!

aCey said...

hope all is better now. god bless! :)

Anino said...

Wow! Parang napakaganda ng trabaho mo!!!

Anything goes... said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

sherma said...

hala! OT, walang bayad?! nakakaiyak naman yun...

Merry Christmas po! :D