Puerto Galera - First Time

|

Nabawas na naman sa listahan ko ng mga lugar na di ko pa napupuntahan ang Galera. Ive been there last weekend with my team mates and officemates. And it was really an experience that i will treasure.! hehehe..cyempre, lahat ng gala ko dapat memorable eh. It all started on the eve of September 15, 2006..


Date: September 15, 2006
Pumasok kami sa office na dala na ang mga bagahe namin para sa Galera Escapade for Saturday and Sunday. Bkit? dahil maaga kami aalis, naka plano ng 4 am. So para hindi malate at sabay sabay na rin naman lahat na dito na sa office manggaling. Friday pa lang, sobrang excited na. First time ko yata makarating ng Galera..medyo nakakalungkot din kasi merong mga hindi nakasama due to health condition..sayang talga ate dana..pero marami naman kami pics eh..hehehe...Friday night came, parang masyado akong naeexcite. talgang di kami natulog the whole night, dahil ba sa excitement o dahil namimiss ko ang higaan ko sa bahay? di ko rin alam eh, or baka naman mahirao matulog dito sa office? first time kong nag overnight dito sa office..

Date: September 16, 2006
3:30 naliligo na yung ibang kasama namin, at ako? di ako makapaligo kasi naka lock yung liguan sa CR,. ano ba naman kasi yung nasira dun, i thought makakaligo talga ako, imagine di na ko nakapagpunas man lang last night, tapos di rin ako makakaligo papuntang Galera? tsk tsk, pero di naman ako amoy araw or what eh, di naman ako nagpawis. hehee..4:30 am nasa bus station na kami sa Buendia, JAM ang sinakyan naming bus patungong Batangas Port, kung saan naman sasakay kami ng bangka papuntang Galera. so ok ang byahe, pero umulan pagdating ng Sucat, ang lakas. medyo kinakabahan na baka malakas din ang ulan sa Galera., tsk tsk delikado..so wala talgang tulog kahit sa bus, pero nung nasa Batangas na, feeling ko bumibigat mata ko, so idlip naman ako kasi wala pa talga akong tulog, huli kong tulog last Thursday night is 7 hours lang, so pakiramdam ko naka idlip ako kahit sandali, pero nagising ako at hidni maganda ang gising ko. Bkit? tama ba naman na sa ganung oras ng umaga magpatugtog yung driver ng bus ng mga kanta ng "Bee Gees", di ko alam kung tama spelling. eh dapat that time yung mga nasa bus tulog, eh ang dali kong magising sa mga ganung ingay and to think na hindi ko talga kilala yung bandang yun, hindi ko nga alam kung inabutan ko yun.. so mejo namumuo na yung badtrip sa katawan ko, i admit naman na madali akong mabadtrip eh., so habang umaandar yung bus, maya maya nawala yung aircon, kasabay ng pagkamatay ng tv na nagpaptugtog ng mga kantang di ko gusto. parang ang tanong ko sa sarili ko, huh? ganito ba dito? once na nasa probinsya ka na, papatayin na yung aircon then sariwang hangin na lang and you need to open the window? hmm..parang mali, kasi you pay for the aircon bus, but when you arrived sa province (Batangas), papatayin yung aircon? so mejo nakadagdag na naman ito sa sama ng loob ko...mejo yung tenga ko is nag iinit na.tapos sabi ng conductor my nasira lang daw sa wiring kaya walang aircon (pakialam ko naman?) .so sige lang ang andar, di na ko makatulog. nung nakiniknita ko na ang pier, mejo nabuhayan ako ng loob at sa wakas malapit na rin kaming bumaba. maya maya, bumukas na yung aircon. hay naman talga di ba? so pagdating namin sa pier, pagbaba mo pa lang ng bus, ang dami ng "fixer", parang ang sarap sabihin na "layuan nyo nga ako at naaalibadbaran ako sa inyo"..parang nakakadagdag pa sa badtrip ko yun. daming lumalapit sa iyo para tanungin ka at sabihan na dun ka na lang sumakay sa bangka nila, etc etc.. tpos nung nakabili na kami ng ticket at nakapasok na sa loob ng pier papunta na sa bangka, my kasama kaming tumunog yung bag sa xray machine nung mga bagahe, bkit? kasi my pabangong nadetect..pero ang tanong, bkit yung iba naming kasama my pabango din sa bag pero di nadetect nung machine? hmm..whats wrong with the machine? pero di naman kinuha yung pabango, so medyo maluwag pa sa port, so nung malapit na kami sa bangka, kita na malakas ang alon..and it was my first time na sasakay ng bangka na tatawid ng dagat. hay...kabado si edward..
before 7 am nasa batangas port na kami and nakabili na rin ng ticket para sa bangka..



pagsakay ng bangka, san ang pwesto? cyempre sa unahan, dami kayang sakay, and ayoko naman sa gitna, at least yung percentage ng survival kapag lumubog ang bangka is mas malaki, dahil nasa unahan kami and madali kaming makatalon sa tubig, and kung lulubog man and mala Titanic yung paraan ng paglubog, huli kaming lulubog and makakalayo kami sa bangkang papalubog,..hehehe..hidni naman mga paranoid eh no? pasensya ah, kasi first time ko talga sumakay ng bangka eh..hehehe..

7:15 am
nagsimula ng umalis ang bangka sa pier, so umandar na ang makina at puno na rin ang bangka, mejo parang marami lang sakay, sabi naman nila chinecheck daw yun ng coast guard, but based on my memory wala akong nakitang nagbilang ng sakay ng bangka..pano kaya nila nalalaman yung capacity ng bangkang umaalis.?

cyempre kahit nasa gitna ng dagat, kailangan my remebrance! wahahaha..first time ko sumakay ng bangkang tumawid sa dagat..tapos ang lakas pa ng alon! alam mo yung parang matulis sa harapan ng bangka? yung tuntungan kapag bababa ka? nagpapantay sa sea level! eh ano ang reaction ko na first time sa ganun? cyempre (ehem,..kahihiyan ito) kundi sumigaw ng oh! haha..lakas ata ng boses ko at rinig ako ng mga taong sakay ng bangka. at pinagtatawanan nila ko,. eh pakialam ko naman,. at least meron silang napagkakatuwaan. wahahaha..




at ang tanong kung gano karami ang sakay ng bangka? ayan! tignan nyo..di ba sobra sa puno? hmm..ilan kaya capacity ng bangkang ito? sabi nung mama dun sa pier, 2 daw makina ng bangkang sinakyan namin, ewan ko lang kung totoo..baka nga...





pagdating namin ng galera after more than an hour sa gitna ng dagat, sa mismong town proper kami binaba nung bangka, so yung mga tao mejo naiinis kasi akala ng lahat sa white beach dadaong yung bangka, but sad to say guys, nasa town proper nga tayo..but meron naman daw maghaahtid satin sa white beach eh, libre naman daw. pero libre nga yung jeep, walang bayad, pagdating namin sa white beach, first stop? maghanap ng bahay..pero take note..pagdaong pa lang na pagdaong pa lang ng bangka, ang damim na namang fixer! hay naman talga...

so nung nasa white beach na kami and we're looking for a room or house to stay, ang dami pa ring lumalapit, imagine, kararating pa lang namin, my nag aalok na ng ticket pabalik ng Batangas port? hay..tapos meron na naman na nag ooffer ng masahe, but cyempre ano pa ang dapat isagot sa ganun? kundi ngiti..saying no thanks...hehehe...


then after naming makahanap ng bahay na tutuluyan, (time: 9:00 am) kailangan ng kumain..wahahaha..cyempre wala pang laman sikmura namin..so after mag ayos ng gamit at magpalit ng mga damit, hanap na kami ng makakainan. and ang lunch? for me, ok na ko sa porchop, mejo mahal lang yung pagkain dun, even yung sea foods, come to think na nasa tabing dagat na sila,..buhay naman talaga,..hehehe..pero ang nakakabigla is yung presyo ng coke na 1.5..how much? 2 bottles cost 140 pesos, 70 pesos each..double the price talga...

so medyo matagal din yung hinintay yung food dahil lulutuin pa lang. and solved na rin kami sa lunch, after ng lunch, balik sa kwarto and pahinga ng sandali, after lunch pa kasi ang punta namin sa Tamarraw Falls, and my nakakontrata na si ate m2 dun! wahahah..imagine, talgang sila lalapit sau, hehee..so sabi ko sa mga kasma ko sa kwarto, matutulog muna ko since kulang talga tulog ko, so nakatulog naman ako ng 1 hour and paggising is 12:30 na. and paggising ko, tulog din lahat ng kasama ko..gaya gaya..tsktsk..hehehe..

so after ng mag ayos ng mga sarili, ilagay ang sun block sa bag, ang pagkain, lahat na ng kailangan at higit sa lahat ang camera, naglakad na kami papunta dun sa cab na sasakyan namin papunta sa Tamarraw Falls. Ang sabi nila my isang oras daw ang byahe dun, and true enough., ang tagal nga ng byahe namin, kasi puro pataas yung daan, bundok kasi eh..maganda naman yung daan kasi sementado talga pero merong mga rough road..

after ng magandang daan na sementadong malinis, eto naman ang sumalubong samim dito..ang rough road..ang dami ko ring natanong kay manong driver, isa na rito ay kung bkit ganito ang daan since ang lugar nila ay isang tourist attraction, ang sagot naman nya ay ganito: "nung panahon ni pres. erap ginagawa yan, my pondo, pero nung nagpalit ng pangulo natigil at nawala ang pondo..pero my balita na sa susunod na buwan my pondo na"..ang tanong ko lang eh, ilang taon na bang wala sa pwesto si erap? tsk tsk.. ang iba ko pang natanong kay manong is yung crime rate sa isla, wala naman daw grabeng krimen na nagaganap sa kanila, bihira lang daw, lalo na yung my nanghahrang sa daa, wala daw insidente na ganun. ang problema nila ay yung drugs..eto na naman tayo, kahit dito meron, kasi meron daw nakakapasok sa isla nila, and yung mga gustong kumita agad ng malaki ay yun ang hanap buhay na ginagawa...kawawa naman yung mga gumagamit nito..tsk tsk..and another fact is yung isla nila ay my sariling planta ng kuryente, di sila umaasa sa meralco! wahahha..and my balak daw na magtayo ng windmill sa isla..sosyal nila di ba?



and after less than hour of travel, we reached our destination, Tamarraw Falls, and first thing we did was to took a picture on the place.

take note: 4 camera namin..wahaha..kaya we have lot of pictures...dami naming pictures dito sa taas pa lang and di pa kami naliligo ah.hehe..so nung naligo na kami ang lamig ng tubig, pero hidni kami sa mismong baba or yung tubig na binabagsakan ng falls naligo, dun lang sa parang pool na sumasalo ng tubig ng falls, ang lamig ng tubig sobra,.then yung tubig na nanggagaling sa falls is parang sinasahod ng mala banaue rice terraces na mga pool, after naman nun is mga bato na malalaki.

isang maling hakbang mo lang, wala ka ng buhay at ewan ko lang kung makuha pa katawan mo sa baba nyan,. hahaha..eh wala lang, para maiba naman yung mga kuha..yung medyo delikado lang ng konti..lang ah! hehehe





eto naman yung picture na parang sa my dam. eto yung first stop nung falls na nag iipon ng tubig, yung parang pool. sa baba nito yung pangalawa at huli..after nun eh mga bato na papunta sa bangin...konting tulak pa ni kuya glen dito bagsak ako, mataas din ito ah, eh puro bato pa ilalim..ano kaya mangyayari sakin after ko malalag? hmm. ayoko ng isipin..gross.sabi nga ni jp, ayaw daw nila mag uwi ng patay.wahaha..OA si JP no? hehehe..


after naman naming mag enoy sa parang dam, ninais naman namin na makita ng malapitan yung falls, hindi namin alam kung bawal, wala namang nakasulat na bwal akyatin yung falls eh, so we gave an effort to go there and akyatin yung mga bato..so talgang effort kung effort sa pag akyat..hehehe..mejo mataas din kasi and dadaan ka sa ilalim ng tulay,

and the effort we gave going to the falls is worth it. maganda yung falls and i cant say na malinaw yung tubig but maybe ganun na talga yung kulay ng tubig because sa mountain..and after less than 2 hours of swimming, we decided to go back na sa white beach. eh imagine na less than 1 hour yung travel time ulit, so okay naman kasi pababa na ata mostly yung daan unlike nung papunta na pataas. then nung nasa daan na kami, sabi ni manong idadaan nya kami sa madonna beach, yun naman yung beach na my rebulto ni mama mary na malaki, nakaharap sa dagat. so nung nakarating kami dun, cyempre picture picture muna.

after the picture taking session, its time to swin naman, hahaha...ang linaw ng tubig! green kung green! san ka pa di ba? first time kong nakakita ng tubig na kulay green, and it only means one thing, that the water is not that polluted. which is good naman..hehehe...so i think i am the second who swam in the sea, but unfortunately, i didnt mind the corals sa baba, so tendency natapakan ko cya and i just felt that something is like slicing in my left foot, and nung inalis ko yung paa ko kasi sumasakit din, natuklap yung first layer ng skin, mejo malalim cya, ang haba ng natuklap maybe 1 cm in length, so dugo cya ng dugo, and then i decided to wore my sandals na lang and to i swam sa water, but medyo malalim cya after 1 meter from shore, di ko na abot yung ilalim eh, but i know how to swim naman, kaya lang natatakot lang ako..whahaha...so after nun, next stop? sea water sa white beach! wahahah..

mejo malakas yung alon but i enjoyed it naman, talgang yun naman yung maganda, mas maganda naman kasi pag malakas dahil mejo tatangayin ka nung alon..hehehe...then after naming maligo ng ilang oras at magbabad sa tubig, kailangan ng maligo at magpalit ng damit, then kain,. this time iba naman yung kinainan namin, malapit na dun sa tinuluyan naming room,

but this time ang inorder na lang namin is yung food talga, dahil nga sa may kamahalan ang kanilang ginintuang pagkain, nung pabalik kami from Tamrraw Falls, bumili na kami ng mga drinks namin sa town proper and dun same lang price nya here sa Manila, so nakamura na kami dun, kung kaninang tanghali ang kinain ko ay porkchop, this time naman "tapsilog", natakam lang ako kasi, pero ang tigas ng tapa! hay...hindi ko cya na enjoy..tsk tsk..then after naming kumain, balik na sa room, and ako nanonood lang ng tv mag isa sa room, mga kasama ko nasa kabilang room kasi my session! wahahaha...pero hindi ito drugs...cyempre naman! tsk tsk..inuman lang yun, eh sad to say im not drinking alcoholic drinks, so i decided to watched tv na lang sa room but lumipat din ako sa kabilang room and nakigulo, ako ang naging tanging saksi sa lahat, wahahaha...natapos ang inuman nila ng mga 1, nakatikim din sila kuya glen at pao ng "mindoro sling", nakatulog ata ako 3 am na dahil hinintay ko pang bumalik ng room yung dalawang lasing na kasama ko, sina kuya glen at si pao, dahil naiwan sa my bar nung sinoli namin yung pitcher ng mindoro sling, tsktsk, hindi naman sugapa sa alak eh no? nag eenjoy lang! wahahah...the next morning ang target time namin sa snorkling ay 7:30 am. but what time kami nagising 8 am!

September 17, 2006
we woke up around 8 am, and nagulat talga ko kasi late na kami eh, so talagang gising na sa lahat, hehehe..nakapag ayos kami at saktong umalis ng room at exactly 9 am. then punta na kami sa bangka na maghahatid sa min sa site. pero ano ba gagawin namin? cyempre! snorkling! wahahaha...first time ko rin gagwin ito..naman!

after ilang minuto ng paglalakbay sa dagat, nakarating rin kami sa snorkling site, tumigil ang bangka sa gitna ng dagat, pinatay ang motor at pinagsuot kami ng life vest, pero hidni ko gusto yung life vest, ang hirap nya gamitin, hindi pantay pantay yung mga styro sa loob. (lesson learned - next time before kumuha ng bangka, icheck muna yung life vest kung maganda ba or hindi, hehehe)...then yung goggles naman ang next na inabot, so una medyo nangangapa ako pano ba gawin yung snorkling, kasi my pumapasok na konting tubig sa pipe nung goggles, but eventually ok naman, and dun ako nakakita ng mga ibat ibang kulay ng isda, hehehe,.ang cute nilang tignan, kaya lang yung mga corals hindi na gaanong buhay eh, or rather to say patay na ata talga, i dont know the reason, then triny ko ring lumangoy ng walang life vest and mas madali pang lumangoy, walang kahirap hirap, unlike pag my lifevest ka na feeling mo dapat mo pang aiskasuhin yun, tsk tsk...then after naman naming magsnorkling, dinala naman kami ni manong bangkero sa isang private beach, konti lang yung tao.



so next na dapat gawin? magpaitim..wahahaha..kailangan magpa araw, so ang ginawa ko, higa sa buhangin, higa kung higa, kaya lang yung panjama bumabakat sa legs and buong paa ko, para akong nakasuot ng pang dive na attire tuloy, hehehe...hindi naman ako ganung umitim kasi hindi pantay yung itim ko sa katawan, after ilang minuto ng pagtigil, pagbabad sa ilalim ng araw, umalis na rin kami dito, next stop namin? Banana Boat! wahahaha...


anim lang kaming sumakay ng banana boat, dahil merong takot sa tubig, di marunong lumangoy at meron namang dahil sa medyo lasing pa ata or dahil sa tinatawag na hang-over, hehehe...yung bilis ng motor boat is hindi naman ganun kabilis, parang wala lang, hehee..pero pag umikot cya ng mabagal wala pa rin, so hindi kami talga tataob, so nakaramdam ata si manong driver mejo binilisan yung pag turn ng motor boat and whoa! taob kami and talon sa dagat. hehehe..ganun pala yung feeling ng nasa gitna ka ng dagat and naka life vest ka lang, hirap nun ah. hehehe..kakatakot, bale apat na beses kaming tinaob ni manong, sabi nya after nung third turn, yun na daw yung last pero nagulat na lang kami bigla kaming tumaob habang nagkukwentuhan, whahaha..

natapos kami sa banana boat ng past 11 i think, eh my nabili ng ticket going back to Manila ng 1 pm yung alis, so mejo madali ng paliligo and sabi namin hindi kami aabot ng 1 pm sakto. eh namili pa kami ng mga pasalubong at tshirts.. kaya next na alis kami nakasakay sa bangka..

medyo matagal lang yung alis ng bangka and nadelay kasi malakas yung alon, kaya yung malakign bangka yung hinintay at pinaalis nila, past 4 pm na kami nakaalis ng Puerto, 5:30 kami nasa Batangas Port.


medyo matagal lang umalis yung bus sa port, pinuno as in sobrang pinuno ata yung bus, hehehe..

Summary:
I enjoyed my Puerto Galera escapade and i will not forget this. Thanks to my team mates and officemates na kasama ko sa galang ito.
Ate M2, Kuya Glen, Ate Yb, Ella, Alfin, JP, Tristan, Ate Tin, Mark..

and sa mga my dala ng camera, Ate M2, Tristan, Kuya Glen and Alfin, thanks sa mga pictures ko. sensya na kung puro pagmumukha ko yung nanjan, hehehe...

and sana sa uulitin! wahahaha...

ang nagastos namin dito? for me, P2300 na lahat pati pasalubong. pamasahe sa bangka is P180.00 one way, P154.00 sa bus one way, then yung room is 800 per day, then entrance sa Tamarraw Falls is P20, and yung bayad sa bangka, sa snorkling, sa cab na sinakyan namin papuntang falls, mas marami mas masaya, hehehe...

Kudos!

more pictures here : Puerto Galera

0 comments: