im bored...im sinful...im nothing...

|

tahimik ang agos ng buhay ko, sumusunod sa tamang landas at sa tamang patutunguhan. di ko na rin maalala kung kailan nagkaroon ng konting aberya sa aking pag-agos. basta ang alam ko nasa tamang daan ako at tamang lugar na dapat mapuntahan. sa haba at medyo tingal tagal ng pag agos ng aking buhay, masasabi kong wala na kong dapat intindihin at problemaghin. i can say that my prayers have been answered by my Lord, that through all this time im safe in His hands, telling me not to worry about anything. ganun nga ang nangyari..maayos ang agos, walang problema, malinis ang pag-agos, walang sagabal sa aking daraanan. ngunit, dumating sa punto na nagsawa ako sa uri ng pag-agos sa buhay ko. nalaman ko na naman ang ibig sabihin ng salitang "bored". ayoko man, ngunit nararamdaman ko cya. pilit winawaksi ngunit pilit bumabalik. di ko alam kung ano gagawin ko, di ko alam anong kailangan ko. ang alam ko problema na ito ng sarili ko. at ayokong maka apekto ng ibang tao. kilala ko ang sarili ko, pag dumating ako sa ganitong punto ng buhay ko, kailangan ko ng konting espasyo, espasyo para pag aralan ang aking sarili, alamin anong kulang anong sobra. kung tutuusin, wala namang problema, dumating lang sa panahon na parang walang bago sa buhay ko at masyadong tahimik, kung sa artista, my panahon na nanamlay ang career nila, eto naman ang bersyon nuon sa buhay ko. pinilit kong tanungin ang sarili ko, "ano nga bang kulang sa akin?".."ano bang gusto ko?".."maayos naman buhay ko di ba?"..sa unang dalawang katanungan, ang alam kong sagot ay ewan ko..at oo naman ang sagot ko sa ikahuli..ngunit ano nga bang problema ng sarili ko?

pilit kong iniisip, pero walang pumapasok na idea sa aking utak. hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagkakagnito. kailangan ko muna ng espasyo mula sa lahat ng tao sa paligid ko, kailangan kong pag isipan ng maiigi bakit ako nagkakaganito. ngunit sa bawat pag isip ko, iisang katanungan lamang ang bumabalik, "bakit nga ba ako nagkakaganito?"...hindi ko alam ang kasagutan...binabalot ng lungkot ang buong pagkatao ko..hindi ko mapigilan, ayaw man tanggapin ng utak ko ang ideyang iyon, ang katawan ko naman ay sumusunod, nawawala ang sigla ng aking damdamin...nagpaalam muna ako sa mga taong araw araw kong "tinetext" na hindi muna ako magpaparamdam ng ilang araw o marahil linggo. hindi ko din alam, my nagtanong, "ano raw ba ang problema ko?" maski ako hindi ko alam..salamat sa pag aalala..sarili ko lamang naman ang apektado ng epidemyang bumabalot sa aking pagkatao. kailangan ko ng bago..kailangan ko ng magbibigay sigla ulit sa aking pagkatao. bkit nga ba? wala naman..hindi ko pa rin maisip ang kasagutan..

at isa lamang ang sigurado. if i keep doing and feeling this way, im commiting a sin to my Lord and to my Creator. and that is so uinfair to His side. He is doing His part in my life but i am not. hay,.i really dont know the reason why i feel this way.

sana mahanap ko na ang gamot sa epidemya..sana magbalik sigla na ang aking pagkatao.

0 comments: