natatakot...nagugulo..mataas na ba ako?

|

dati ko pa iniisip ito, since college pa, it all started when i transferred here in manila. dun nagsimula yung malaking pagbabago sa buhay ko. i admit it naman eh, na dahil kay ate kaya ako naging ganito. nakilala ko lalo ang sarili and nalaman ko ano ang mga kaya kong gawin, dun ko natutunan at nalaman kung ano ang ibig sabihin ng "self-confidence". inaamin ko naman na dati wala talaga ako nun, and nagkaroon lang ako while im studying at STI, unti unti nalaman ko ang mga kakayahan ko. at kung sino ba talga ako. dun din nabuo ang katanungang "mataas na ba ako?". i know before na im not living the same life before i transferred here in manila. and tinatanong ko sarili ko kung nagbago na ba ako. "oo" nagbago ako for the better. alam ko na wala akong tinatapakang tao, alam ng mga kaibigan ko na mahilig akong magbigay komento sa lahat ng bagay, ultimo sila hindi ligtas dito. ngunit ang laging tanong na gumugulo sa isipan ko, "mataas na nga ba ako?", kung ikukumpara nga naman ang edward noon sa edward ngayon, napakalaki ng pagbabago, physical and emotional. pati yung mga kaibigan ko nung high school parang ang layo na ng agwat namin, pero wala ito sa kin, basta ang alam ko, ayun pa rin ako,. ganun pa rin ako kung pano nila ako nakilala..and ako pa rin ang edward na kaibigan nila, sana nga kung minsan mejo nawawala ako sa lupa at umaangat, my mambatok sakin at sabihin na mejo tumataas na ko,. kasi ang alam eto ako at ganito ako dati pa..alam ko kung san ako nanggaling at ang pinagmulan ko. hindi takot magsabi ng kung ano ang gusto kong sabihin., alam ito lahat ng mga taong malapit sa kin. ngayon kung kilala mo ko, pakisabi nga kung nagbago na ko simula ng nakilala mo ko?

0 comments: