happy birthday..

|

it was my first day ng vacation ko (saturday, august 19) and i woke up at around 10:30, actually maaga cya sa usual na gising ko every saturday and sunday kasi normally i get out of bed around 12 or 1, so mejo maaga cya ng ilang oras din, kasi my tita ginising nya kami and tanghali na daw and kumain na kami ng almusal, so gumising na kami and took our breakfast. then after nun, birthday ng pinsan ko, so pupunta kami sa bahay ng lola ko, actually yung pinsan ko na yun, ilang beses ko pa lang nakita since di naman tlaga sila dun nakatira, kundi sa laguna and dun lang nila icecelebrate yung birthday ng anak nila. before nun, my dinaanan muna kami ng tita ko at mga pinsan ko, so nandun kami sa bahay ng lola ko around 12 noon. naisip ko nga dati, nung mga bata pa kami, ang bahay ng lola ko is gawa sa kahoy talga, yung bahay kubo, and parang ang luwang luwang nya kasi every bakasyon nandun kami and dun kami natutulog ng brother ko. kasi siguro maliliit pa kami nun, hehehe, tpos ngayon naging bato na yung dingding ng bahay and pati yung floor, parang square na lang cya, pero feeling ko ang liit nung bahay ng lola ko kasi parang ang hirap kumilos, siguro malalaki na kami and mejo hirap magsikilos. tapos nun, eh di kain, pero di ako kumain nung ulo ng baboy na nilitson kasi ewan ko, di ko cya gustong kainin eh, okay na ko sa adobo and ice cream, hati pa kami ng pinsan ko sa kinakain ko, hehehe...tapos yung tito ko, parinig ng parinig, hahaha...pinsan ko daw., alam ko daw ba na birthday nun? sabi ko naman oo,then sabi nya, oh tapos? sabi ko happy birthday! hahaha...wala talaga akong binigay, di ko nga dinala wallet ko eh, nagdala lang ako ng 50 pesos sa pocket ko, and yung cell ko lang yung dala ko. para siguradong wala akong gastos. kaya yun, tapos nun nung hapon na, nag aaya sa dagat. (sigaw ng isip ko, hindi ako handa! wala akong short na suot! naka jogging pants lang ako! tsk tsk)...so sama ako..lahat ata kami pupunta, and nagulat ako kasi parang ang daming bata! kasi dati (ulit, nung mga bata pa kami) pag pupunta kami ng dagat, konti lang kami, 2 kami ng kapatid ko, and yung 3 anak ng tita ko..so ang konti talga namin but that time, ang dami talgang bata na kasama and patunay na tumanda na nga kami and my mga pinsan kami na maliliit, and ang dami nila (waaaa!) i admit naman na minsan naiinis ako pag maraming bata, okay na yung isa, dalawa pero pag madami na,,,tsk tsk...so yun, pagdating namin sa dagat, sabi ko di na ko maliligo, (before kami nagpunta sa dagat, dumaan muna kami sa lolo ko sa sementeryo, so yun). when we arrived at the beach, parang ang sarap maligo. kasi i saw yung mga taong naliligo, they are too far from the shore pero ang baba pa rin ng tubig sa dagat and ang lakas ng waves..hahaha...so sabi ko maliligo ako..the problem na lang is pano yung pants ko? so nanghiram ako sa cousin ko, kahit maliit cya at my butas okay lang, basta makalusong lang ako sa dagat! hehehe...so iniwan ko jogging pants ko sa pinsan kong babae na di maliligo, tshirt, cell ko, and mga abubot ko sa katawan.
ang lakas ng alon ng dagat! ang layo na namin pero ang babaw pa rin ng tubig tapos enjoy yung mga alon..ang lakas nga ng alon and inenjoy ko talga..3 kami ng pinsan ko na puro lalaki na nandun, sabi ko wag lalayo kasi mabuti ng mag ingat and to be safe from danger, kasi kahit mababaw yung tubig, yung mga waves naman is malakas, pero sobrang enjoy talga. hahaha. i remember tuloy nung nasa zambales kami, malakas rin yung waves pero ang babaw ng tubig kahit malayo na kami sa shore. then after nun, umahon muna kami, mejo matagal din kaming nakababad sa tubig and nakakapagod din, pero wala akong nainom na tubig. so when we came back sa dagat for the second time, dun pa rin kami sa malakas ang waves, and sa sobrang lakas ng waves na humampas, nadala ako and lumubog sa tubig. and sakto! pag ahon ko para akong lumunok ng isang lagok sa isang basong tubig, ang alat! hindi pa ko nakakrecover sa pagkaka inom ko ng tubig alat eto pa ang isa! pinagtutulungan na ata ako,. and buti na lang di na ko nakainom ng tubig sa pangalawa pero di pa rin ako nakakarecover. hay naman! busog tuloy ako bigla sa sea water! tsk tsk...umalis kami ng beach magsisix na ata,. hindi naman ako masyadogn umitim kasi wala na naman si haring araw nung naligo kami. pero nangitim pa rin ako. tapos ang tagal naming naghintay, kasi umalis pala yung tita ko and tito ko, eh san kami sasakay? yun pala yung jeep yung kukunin, eh wala pa ata, kaya yun, pinapak kami ng lamok sa hintayan! tsk tsk..kulang 2 oras din kami naghintay, di ko na napanood yung posh and yung pinoy pop. waaaa!


ayan ang dagat! wala ng araw naliligo pa rin kami! we really enjoyed the sea kasi no sunburn...tapos ang lakas pa ng alon, hehehe..pina inom nga lang ako ng tubig..tsk tsk

0 comments: