batangas here i come...

|

i went to batangas right after office hours last friday night and i can say na mahaba ang pilahan ng bus sa lawton.. tapos itong cousin ko ang kulit pa, text ng text kung nasan na daw ako and to think na it was only 3 pm. my nag-o-out ba ng ganung oras? i told him naman the night before if he wanted to go first he can go, and i can bring myself on their doorstep. eh ayaw nya, tapos nangungulit, hay...so yun nga. tapos eh sa taft ako sasakay papunta sa lawton, eh hindi ako masyadong sanay sa lugar so naghanap pa ko ng kasabay talga papunta dun, hehehe...buti na lang my kasabay na ako, so nasa bus station ako around 7:30 i think. pero yung cousin ko mineet ko pa sa SM Manila, kaya yun. ang kinain ko lang nun is 1 large fries from potato corner and yung grande size ng zagu na chocolate with extra crystal. pero ok na ko dun, im not complaining naman kasi mejo busog pa ko that time, gusto ko lang talga kumain (ang takaw ko!)..so my planned is to sleep sa biyahe, pero my tv so i watched na rin ng news, (nasa channel 7 yung station nung tv and mejo malabo cyempre antenna lang gamit nung bus), after the news, followed by captain barbell, hindi pa rin ako makatulog kaya nood pa rin, tapos ang kwento pa nya is like sa superman, sana pala sinabi na lang nila na "Superman, Pinoy Version". kasi ganun din yung story eh, sinugod sa hospital, my parang krypton sa katawan, the same talaga, ( wala akong magawa kundi pumuna eh no?) hehehe...tapos mejo nakatulog tulog ata ako ng di ko namamalayan, pero sandali lang..then when i woke up, i saw na sa tv is yung koreanovela na "Love Story in Harvard", hindi ako masyadong nakakapanood ng tv so wala akong alam masyado sa mga kwento. and take note sa bidang babae, lagi cyang nakasmile kahit hindi dapat or kailangan sa scene, ano yun? nagpapacute ka? nagbibigay cya ng emosyon na hindi bagay sa eksena. i dont know the name of that girl eh, sorry. so after nun, nakatulog ulit ako, mejo mahaba haba na tulog yun, since mejo konti na lang kami sa bus since yung mga sumakay is sa cavite lang mostly bumaba, so yun. nakarating kami sa tita ko ng 10:30 pm. and mejo umaambon that time eh. then pinakain kami and ako after nun is naligo muna. ok naman yung byahe, walang masyadong traffic. :)

0 comments: