isa pa rin pala akong anak.,.

|

kampante akogn nakaupo sa harap ng computer ng walang ano ano'y nag beep ang cellphone ko..ninang ko, pero tita ko rin cya, kapatid cya ng ina ko..tinatanong kung ano daw balita sa bataan? sa bayan namin sa dinalupihan..sabi ko hindi ko alam..wala akong balita..sabi nya baha na daw and lubog na yung mga bahay...all of a sudden, mejo kinabahan ako,,i admit it..di ko alam kung para saan and for wat reason..nandun pala yung tatay ko, yung pamilya nya at yung mga kapatid ko sa pangalawang asawa nya..hindi ko alam kung yun yung dahilan kung bakit ako biglang kinabahan..inaamin ko na hindi maganda yung relasyon namin ng aking ama, kahit na ako ang panganay, hindi pa rin kami ganun ka-close..it just happen na naging anak nya ko and naging father ko cya,, di ko alam kung my bigat pa rin sa dibdib ko, but i always pray to God na alisin nya unti unti kung meron pa mang natitira..
bigla bigla nagworry ako, apekatado nga ba sila? pano na sila? nasaan sila sa mga oras na ito? pano yung mga kapatid ko sa pangalawa?
hindi ako mapakali at tinawagan ko ang kaibigan ko na taga dinalupihan din,. she answered to me na okay naman situation dun, sa ibang lugar baha "oo". tska usually bumabaha din sa min dahil malapit kami sa ilog.. and she assured me na mejo malayo yung sinasabing lubog na mga bahay sa amin,.thanks god. na relief yung pakiramdam ko..
tinawagan ko rin yung ninang ko and told her the information that i got from a friend..
all of a sudden, concern pa rin pala ako? na isang anak pa rin pala ang pakiramdam ko..na kapag my nangyari sa magulang mo, mag-aalala ka pa rin. well sana nasa maayos silang kalagayan ngayon pati na yung mga anak nya sa asawa nya..kawawa naman yung mga yun dahil maliliit pa sila..mahigit isang taon na kming di nagkikita ng aking ama..hindi ko alam kung kelan kami ulit magkikita at alam kong aloof ako sa kanya..
pero ngayon, alam kong anak pa rin pala ako na my magulang...

0 comments: