first thing, i just got back here in Malaysia less than 2 hours ago and i can say na medyo pagod ang katawang lupa ko.. need ko magrecharge ng lakas tomorrow.
so what happened sa aking last weekend? nasa Manila po ako.. nag enjoy kasama ang mga kaibigan.
Friday - christmas day.. the day na dumating ako ng pinas, ang ginawa ko muna is natulog para mabawasan ng konti ang jet lag then diretso sa mall, pero sarado ang salon na maggugupit sana sa buhok ko (i mean ung tao sa salon na iyon ung maggugupit) then i had my diamond peel na rin at ang dami na namang nakuha ni ate, nakakahiya talaga. third, nakabili ako ng mga susuotin sa party (isa para sa annual dinner ng company next year then ung isa para sa kasal ni aimee).. after that nakipag kwentuhan / telebabad muna sa mga barkada ko nung high school... nagpaphinga sandali.. tapos nagpa hot oil na rin ako ng buhok.. and last is nagdinner kasama si jo .. :p
so after that uwi ng bahay dahil maaga pa para sa kinabukasan.. pero late na rin naman ako nakauwi.. hehehe
the following day, im on my way sa laguna kasama ng mga kaopisina ko dati para sa kasal naman ng isang kaibigan. bwahhaah.. so that day was dedicated to Aimee.. we wish her goodluck and best wishes.. hindi ka na dalaga ate.. ikaw ang unang nag-asawa sa lahat.. ahahhaa..
then nung nakabalik na kami ng manila, that night naman is also for another set ng barkada para sa comedy bar.. ahahha.. pero sad thing is punuan na sa punch line.. ang nandun is si vice ganda and si anton diva.. i know sayang pero come to think of it, minsan din naman paulit ulit na lang din ung mga spiel nila.. hehehe.. pero sa laffline kami napadpad at tumawa ng tumawa dun sa mga bagong stand up comedian.. at least natawa kami to the highest level sa knila.. and i can say na naenjoy namin cya dahil sa kanila.. boring na ung medyo matanda na comedian and si chocoleit.. yep.. si chocoleit na nanalo daw ng award for this year as a comedian ata.. not sure.. pero nabore na ko sa spiel na.. hindi ko na cya naappreciate.. mas naappreciate ko pa ung mga bago.. at alam mo kay chocoleit na pilit na ung ginagawa nya.. and ang masama pa dun pinapahaba pa nya ung segment nya.. so sa mga napanood namin, ung performer before him and cya ung mga boring na segment but the others are great. so un..
after that, uwian na.. pagod na rin naman ang katawang lupa. umuwi an at natulog..
ang tulog na sobrang tagal at himbing dahil magaalas tres na ko ng hapon nagising.. kamusta naman.. dapat magpapagupit ako ng before lunch pero wala na.. hindi na umabot.. and nakipag meet na lang ako sa friend ko and had early dinner sa my glorietta then bumili na rin ako ng magic sing.. para sa new year hindi kami boring dito sa bahay.. hahaha.. kahit wala kami sa pinas this is it.. masaya pa rin kami.. bwahahhaa..
i was at the airport ng 7 pm and my flight is 8:55.. bwhahaha.. ako ung last na nagcheck in tapos nagclose na ung counter.. fine with me.. hahaha.. and pagdating ko sa loob nagboboard na.. pero okay lang as i was seated on the first row.. :)
so the trip was very much comfortable compared nugn pauwi.. maluwag cya and comfortable.. epal lang ung nasa likod ko kasi sabi nung FA lagay ko daw ung bag ko sa ilalim ng upuan ko but then ung nasa likod talagang nilipat nya sa katabing upuan basta basta.. kainis.. sana man lang nagsabi.. bara bara talaga nyang siniksik sa kabila.. hay.. ewan ko na lang..
pagdating sa airport dito i think im the one who went out of the airport, una kasi nasa front row ako and mabilis ako maglakad kahit my nauna sa kin.. then pumila ako sa MY passport holder na booth kasi my visa naman ako, then nakuha ko agad ung maleta ko sa carousel... hehehe..
so iyon.. :)
so now im back here in KL.. im checking my mails lang.. hehehe.. so pano goodnight everyone!! ^_^
written by David Edward at Sunday, December 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment