its been ages!!

|

oo, tama. dekada na yata ang lumipas simula ng huli akong magkwento dito sa blog ko.. why oh why? kasi di ba, matakaw ako sa tulog. gusto ko pag wala akong ginagawa is either matulog or maggala.. pero iyon nga, and another factor is sa panggabi ako.. why? busy sa work. ganito kasi yan.
my everyday routine. 
* gigising ng around 9:30 para kumain ng breakfast (unang kain)
* around 10 im taking a bath na to prepare for work.
* 10:30 prep na para umalis ng house (kasama ang aking mga friends / housemate din)
* around 10:50, nag aabang na ng bus sa my train station papasok sa office.
* 11:35/11:40 arrival at the office.
* start of work
* 3:00 to 4:00 or 4:00 to 5:00 lunch time
* 9:00 alis na ng office..
sometimes, even sa house i am working. depende sa load and kung gusto ko talaga matapos iyong work agad. minsan kasi ang hirap. mahirap maghanap ng nawawalang file sa environment. goodluck naman di ba?
so yan ung everyday routine ko. and upon arrival sa house ng morning, magsasaing na kami ang magpeprepare na ng food for dinner. gahaman ako sa kanin ngayon. gusto ko kumakain ako lagi ng kanin at gusto ko rin marami. ^_^ minsan naman pag morning bumababa kami sa old town para bumili ng noodles or ng sandwich. depende sa mood. 
what time ako natutulog? around 12:30. at gusto kong natutulog iyong busog ako. why? for sure hindi ako magigising ng dahil sa gutom ako and dire diretso ang tulog ko. before kasi nagigising ako pag nagugutom ako. kahit anong antok ko basta nagutom ako nagigising ako. 
yan ang mga usually na nagaganap sa aking buhay ngayon. and iyon pa pala, i bring my laptop everyday. para akong pumapasok sa school na dala lagi ang laptop - pag uwi at pagpasok. and medyo mabigat cya. hehee.. i need a new bag na nga. and nagsscout na ko ng design. although my nakita na rin naman ako sa samsonite website, hindi ko sure kung mabibili ko pa iyon. need ko munang unahin bayaran ung aking credit card. lolz.. kasi hindi lang isa ang gusto kong bilhin sa site. hehehe. 
so yan.. yan ang aking buhay dito ngayon. though hindi pa naman ako nabobore. okay pa naman ako and im still enjoying my work. mahirap kasi pag nabore na ung isang tao di ba? hehe.. 
question: pag nag "po" ba ako sa isang pinoy meaning ba hindi ko cya ginagalang? though it happened sa office. i said "hello po". unprofessional ba iyon? leave your comments ah.. ;)

1 comments:

RJ said...

12nn pala nagsisimula ang trabaho mo, David Edward? Uhmn.

Siguro kung mas bata sa iyo at dalaga ang sinasabihan mo ng "Hello po" parang hindi nga maganda.

Pero kung nakakatanda naman sa iyo, ginagalang mo siya. Ayos yun.