Salamat

|

alam naman natin na ako iyong nagbabayad ng tuition ng kapatid ko, and humihingi pa cya ng mga pang extra curricular activities like ung pang date nya sa girlfriend nya (joke!) hahaha.. ung mga need lang nya sa school like pambili ng books, my babayaran na ganito ganyan..

pinagtripan ko nga iyon last sem eh, kasi di naman kami nagkikita and im living on my own and cya naman sa relatives ko. ang gulo ng set up naming magkakapatid. hahaha.. ako kasi ung lumayo. so iyon. back to regular programming. nagtatanong cya kung ieenroll ko daw ba cya. sabi ko titignan ko muna kung my pera ako. pero cyempre ieenroll ko pa din naman un. ganito ung tipo ng palitan ng text message namin:

bunso: kuya, eenroll mo ba ko next sem?
ako: di ko pa alam, tignan ko pa.
bunso: hanggang ganitong date na lang ung enrollment
ako: oo. cge. titignan ko.
bunso: basta ah.. text ulit kita.

hahaha.. ganyan kami mag usap. tapos itetext ko yan, sabihin ko:

ako: nahulog ko na sa account ni bebe ung pang-enroll mo.
bunso: NR (walang reply)

wala akong nakukuhang pang reply. basta alam ko binabayad nya yan. un ang pagkakaalam ko. dahil pag yang perang binibigay ko ay ginamit nya sa ibang bagay, wala na kong pakialam sa kanya. basta ako nagbigay. at alam ko kung hanggang kelan ako magbibigay. kasi last sem nya na.. buti naman! hahaha..

and sa mga times na nagbigay ako ng pera sa kanya, how many times he said thank you? twice.. uu dalawang beses lang.. hehehe.. ewan ko ah. tsaka ako din naman kasi di umaasa na magsasabi ng thank you iyong kapatid ko. nagugulat pa ko pag nag thank you. ^_^ hehehe..

last night lang pala ung thank you nya simula years ago. hahahha

7 comments:

MakMak said...

Eh ako Kuya, kailan mo ako ieenroll? Hehehe. :)

Ang bait mo namang kapatid. IDOL!

RJ said...

Ganu'n ba?! Actions speak louder than words. Hindi nga nagsasabi pero ipinapakita niya naman siguro sa 'yong nagti-thank you siya.

Ang bait mong Kuya. o",)

David Edward said...

@kuya mak mak - mas malaki sweldo mo sa akin eh. hahahha.. ako na lang pag aralin mo.. gusto kong course journalism.. hehehe

@kuya rj - last kaming nagkita last year pa. hehehe.. di kami nagkikita regular.

South Park said...

at times it is always best not to expect. i'd feel bad if i were in your shoes. s simple gesture showing appreciation isn't really a big thing but means a lot for the recipient.

in my case, i just treat it as the giver is just too shy to say a word. and probably, his/her appreciation will be shown in some other way.

South Park said...

erratum: the RECEIVER is just too shy.....(not giver)

sowee

Mac Callister said...

minsan kasi sa magkapatid nagkakahiyaan pa e like samin ng kapatid ko i seldom say thank you para kasing kakailang wala lang

pero ramdam mo namn na thankful siya lalot masaya siya s nagawa mo

dean said...

wow isa kang ulirang kuya... naka-relate naman ako (pero hindi dun sa pagpapaaral part pero dun sa bigay part)... pag lalaki kapatid, ganyan talaga. walang tenk u man lang. batok pa baka meron. ganyan naman talaga pag mag-bro... di na sinasabi yun. alam mo na yun na thankful yun.