the Borough Scene

|

for two consecutive days, pabalik balik ako sa Borough Clinic, kasi nagpacheck up ako because of the chills i experience every night. so my main complain is fever. so when i went to the nurse station and got my bp, the guy there requested for a CBC. so punta naman ako, then i need to wait another hour for the result, so i said ill be back around 3 pm. cyempre i have some work to do, takas lang ako. hehehe.. so when i faced the doctor, sinabi nya na kung ano result ko. she told me na all of the results dun sa blood test ko is mababa. then she asked me kung kumakain ako ng gulay. so i said hindi po. hehehe.. then sabi nya balik daw ako the following day kasi kukunan daw ako ulit ng dugo and imomonitor dahil nga ang baba. tapos pinabili nya ko ng vitamin c. and told me to drink a lot of water and gatorade. as in gatorade. so ginawa ko lumaklak ako ng lumaklak ng gatorade.

so the following day ganun pa rin. balik ako ng lunch time to have my blood extracted, pero the second time wala ung medtech naglaunch daw. eh 1:30 na wala pa. so sabi itetext na daw. 1:40 pm came at pati rin cya. tapos nung nakaupo na ko dun tumingin ako sa watch ko, then she threw a question kung what time daw ako nandun. sabi ko 1:00 pm. hahaha.. sabi nya naglunch po kasi ako. fine. tapos sabi ko sa nurse station kung puedeng bumalilk ako the following day na, kasi i waited for 40 mins na eh, so feeling ko talaga nawaste ung time ko dun. then the nurse told me na hindi daw puede since under observation ung situation ko.

bumalik ako ng 4 pm and un nga sabi ni doktora, ung isang item na naman sa result ko is bumaba compared to yesterday. so binigyan nya ko ng request and pumunta daw ng hospital, sa Makati Med since un ung malapit sa kin na hospital. i asked her nga kung magpapa admit ba ko. hahaha.. sabi nya hindi daw. kasi nakakalakad naman ako. tapos un nga, ung request na binigay nya Typhidot and Dengue Test.

pero kung Dengue nga iyon, more than a week na kong nagchichill di pa rin ako matigok. hahhaa.. next scene. sa ER. lolz

0 comments: