An Open Letter to my Tatay

the ice is still there. the gap was never vanished. and the distance that we have is just the same. I'm dreaming of it some of the times, and even though that we talked about it and I am the one who initiated to talk with him and iron things out, it is still the same. I know it haunts me. That is part of my past. A part of my history. And i cannot pull back time to erase it. And the wounds that he created is still with me. Honestly speaking, I dont know how it will go away. Because the ice between the two of us is too wide to break apart so easily.

At the time we talked about our issues, I never said anything about my past. About my issue with him. I know he said "Sorry". what will I do? Shout at him? Talk to him in a loud manner and upbraid him for what he had done to me? Nope. I never said anything about our past.

So let me speak my heart out and I hope that by doing so it will lessen and will heal the wounds that i have part by part. And by the way, this will be the first time that I will do it, and obviously online.


Lumaki ako na walang ina. But hindi ko masyadong naramdaman iyon dahil nandyan naman si lola. Si lola ung naging bantay ko sa lahat. Sya ung laging nandyan para sa akin. Sya ung taong kahit magka away kami sa umaga or tanghali, magkatabi pa rin kaming matulog sa gabi. Si Lola na parating nandyan para sa akin. pero hindi ko naramdaman na meron akong ama. Ni hindi ko nga alam ano ang feeling ng niyayakap ng tatay. Aloof ako sa mga ganyang bagay pagdating sa pamilya, pero sa ibang tao kaya ko.

Lumaki ako ng my takot sa inyo. Takot na makagawa ng isang pagkakamali. Dahil nung maliit pa lang ako, lagi nyo na akong pinapagalitan. Grade 1 ako, si Auntie pa nagpasok sa akin sa school, pero hindi bilang ganap na grade 1 kundi saling-pusa lang. marunong na kong magsulat at the age of 5 dahil sa mga libro na nakikita ko sa bahay natuto akong magsulat sa murang edad. araw araw hindi ako puedeng maglaro kapag di ko pa tapos ang assignment ko. pag uwi ko sa bahay, assignment muna bago ang laro. pero hindi ako nagtatanong sa inyo. araw araw nyong chinecheck ang notebook ko, pati the way i write tinitignan mo pa rin. i remember nung one time, when you checked my notebook and nakita mo na magkakasunod ang numbers 1 to 5 ko, na which is item list, pinagalitan mo ako. sabi mo hindi dapat ganun ang tamang pagsulat nun. sabi mo dapat per line ung number dun. pinagalitan mo ko sa bagay na hindi ko alam kung ano ang tama at mali sa musmos na pag iisip. Natakot akong magkamali. Takot akong bumaba ang grades ko. Bawat exam ko chinecheck nyo. Ano naririnig ko kapag hindi ko naperfect ang exam? "Bakit my mali kang tatlo? Hindi mo pa ba alam ang sagot sa tatlo mong mali?" Ni hindi ako nakarinig ng appreciation sa nagagawa ko. Pero kapag si bebe dumating ang exam paper na halos bumagsak na, ano ang naririnig ko? "Ok lang yan, yan lang ang kaya ng utak nya". Naisip nyo man lang ba kahit minsan kung ano ang magiging epekto sa akin nun? One time, nainis na ko, sabi ko sa lola ko lalayas na ko ng bahay namin. Nilagay ko ung mga damit ko sa jollibee bag na maliit nung grade 1 ako, pero hindi ko alam kung san ako pupunta at tingin ko hindi naman ako sineseryoso ni lola ko sa banta kong paglayas, pero nung nalaman mo iyon, ano ang sabi mo? "Basta siguraduhin nya lang na pag umalis cya sa bahay na ito hindi na cya babalik". Narinig ko iyon. At tumanim sa isip ko iyon. Lumipas ang grade 1, nagawan ng paraan para maging officially enrolled ako that time kahit saling pusa lang sa simula, sayang naman daw dahil kung naka enroll ako second honor ako. Nagawan iyon ng paraan ni Auntie. My issue pa na ako daw dapat ang first honor pero dahil repeater daw ung 1st honor namin, naawa na lang daw. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon. Chineck ko ung mga test paper ko sa ilalim ng cabinet. Oo, sa ilalim ko ng cabinet tinatago ung mga quizzes kong hindi ko pinapakita sa inyo. At nakita ko nung time na iyon na meron akong isang malaking zero sa lahat ng quiz. Natakot ako para sa nag iisang zero na iyon. Anong ginawa ko sa lahat ng papel? Sinunog ko ng posporo. Para walang ebidensya ng pagiging bobo ko. One time, umakyat ka ng baguio at pag uwi mo my dala kang pasalubong sa amin nina bebe. Kuwintas at my ballpen ako. Nagtae ung ballpen na bigay mo, sa takot kong mapagalitan mo ako sa kasalanang di ko naman gawa, binaon ko ang ballpen sa ilalim ng puno ng buko. Takot ako dahil chinecheck mo iyong gamit ko araw araw pag uwi ako. Grade 2 ako, nakakapaglaro na ako after class. Bakit? Dahil walang assignment. Ano ginawa mo? Pumunta ka sa school, kinausap mo si Mrs Iguico. Sabi mo bakit iyong anak ko naglalaro lang? Bakit wala cyang assignment na ginagawa? Ano nangyari? The following day, back to old routine ako. Parang feeling ko, dahil sa akin nadamay ang buong klase. Ano nga naman ang nagagawa ng PTA President. Grade 3 vacation, 2 months kaming nasa Batangas nung hinatid mo, pag uwi namin bigla mong sabi na mag aasawa ka na. Dinala mo pa nga sa bahay at pinaglaba ng damit. Hiningan ko ng piso, tinarayan nya ako. At that very moment, the way she spoke to me, alam kong meron ng hindi tama. Pero pinilit kong wag isipin iyon, and i tried my very best to be close to you and to your new wife. My nangyari ba? Wala. Parang si bebe lang ang anak nyo. Pag my kailangan ako, hindi nyo binibigay. Ano sabi nyo? Matuto kang maghanap ng mga kailangan mo, wag kang umasa lang ng umasa. Minsan sumama ako kay Kuya Renan maglibot sa tabing ilog, sa kabilang kalye lang natin iyon, pag uwi ko pinagalitan nyo ko. Hindi ko alam bakit? Sinipa nyo pa ung mga binti ko dahil sabi nyo gala ako. Grade 6 came and ito na iyong graduation, sino nag ayos ng damit na isusuot ko? Si Tita Bebe, cya ang bumili ng damit at sapatos ko. Ilang medalya ang sinabit nyo sa akin sa gabi na iyon. Pero my narinig ba kong papuri? Wala. Siguro sanay na kayong umakyat ng stage mula Grade 1 at hanggang sa huling gabi ko sa elementarya. At un na din ang last term nyo bilang PTA president. Nung umalis ako ng elementary, hindi na kayo ang naging Pres ng PTA. Sumapit ang high school. Pinili kong sa public school pumasok kesa sa private.

Sa mga panahon na iyon, alam ko ng malayo tayo sa isa't isa. Natututo na kong tumayo sa sarili kong mga paa. Third year, sumali ako sa CAT/ROTC at kailangan ko ng riffle. Ano sabi nyo sa kin? Maghanap ako ng paraan para magkaroon. Ni hindi nyo ako tinulungan. Sino tumulong sa akin? Si lola. Pinuntahan nya ung kapatid nya at pinagawan ako ng riffle. Iyong damit ko sa CAT, nung sinabi kong kailangan ko iyon, ano sabi nyo? gumawa pa rin ako ng paraan, maghanap ng mahihiramanan. Nalibot ko na ung mga kamag anak natin hanggang sa nakahanap ako ng mahihiraman. Iyong combat shoes? Wala rin kayong pakialam. Lahat ng ginamit ko, ako ang naghanap. At nung natapos ako ng fourth year, binenta ko lahat ng gamit ko. Hinanap nyo sa akin kasi gagamitin daw ni bebe, sabi ko gamit ko naman iyon di ba? Kaya binenta ko. Maghanap din cya ng gagamitin nya.Pati ung sword ko na kailangang kailangan ko. Sabi ko sa inyo na need ko iyon, anong sabi nyo? Maghanap ka ng paraan. Sinabi ko kay lola iyon. Anong ginawa nya. Pinuntahan nya si Auntie, sabi nya ibenta ung isang kabang palay at pag uwi ko ng hapon kunin ung pera and then pumunta ng Olongapo at bilhin ang dapat kong bilhin. Ang bilin nila sa akin? Wag ko daw sabihin na nagbenta ng isang kabang palay mula sa bahay. Hindi ko alam kung nalaman nyo iyon.

Pag hihingi ako sa inyo ng pera, lagi nyong sinasabi wala kayong pera. Kahit na alam naman natin na kakasweldo mo pa lang kahapon. pero kapag si bebe nanghingi ng pera at the same day na nanghingi ako ng pera, my nabibigay kayo. Alam nyo bang alam ko itong mga bagay na ito? Naging ordinaryong estudyante na lang ako nung high school. Wala ng medalya kada taon pero proud akong nasa section 1 ako at ang average ko ay hindi bumababa ng 85. I graduated high school na my gap na tayo sa isat isa. Siguro one of the reasons why si bebe ang paborito nyong anak dahil kamukha nyo daw. Maging sa paglalakad parehas pa daw kayo. At dahil na rin cya nauutusan nyo kung saan san, pati sa bukid, samantalang ako gusto ko lang sa baryo at ayaw kong pumunta ng bukid at magbilad sa araw.

Nag enroll ako ng college. Naka scholarship pa din ako mula sa World Vision dahil dun ka nagwowork. Dahil sa average ko, puede akong mag enroll ng 4 year course, and i decided to take up CompSci. Nag enroll ako sa Columban, binabagsak ko na iyong exam para payagan nyo akong sa maynila mag aral. nung nakuha ko ung result ng exam pasado ako at pinapalipat pa ko ng engineering dahil puede daw ako dun. mas mataas ang passing rate ng eng'g kesa sa compsci. sabi ko ayoko. nawala ko ung picture sa mga requirements ko, at pag uwi ko sinabi kong need ko ulit magpapicture, ano ginawa nyo? pinagalitan nyo ako. bakit hindi ako marunong mag ingat. napaka burara ko. nag aral ako sa columban. ganun pa din ang sitwasyon natin. pag nanghingi ako ng kailangan ko, wala pa din. pag si bebe meron. iyon na rin ung time na hindi na ko sumasabay sa inyong kumain ng pamilya mo. tanging ako lang ang hindi nyo kasabay. si bebe, isa rin yan sa mga traydor. close close kami kapag magkakasama kami ni lola. at kahit pag kaming 2 lang. pero pag dumating na yang asawa mo, wala na rin cyang pakialam sa kin. para akong naiwanan sa ere. parang feeling ko, ako at si lola lang ang magkakampi. ung anak mo sa pangalawa na panganay, aaminin ko inaaway ko. kahit sa napakaliit na bagay, panoood ng tv. gusto ko ako lang manonood the whole day. at pag nagalit na yang asawa mo dahil magsusumbong yang anak mo wala akong pakialam. pero pagdating ng gabi pinapagalitan mo ako. ano sinasagot ko? wala. tahimik lang ako. madalas mo akong pagalitan. nung mga time na iyon, marunong pa kong umiyak. pag papagalitan mo ko, umiiyak ako. tumutulo luha ko. at pag tinatanong mo ko kung sarili ko lang ba iniisip ko, iba ang sagot ng bibig ko sa sagot ng puso ko. Sabi ko hindi. iniisip ko din mga kapatid ko. pero sa totoo lang, ano bang pakialam ko sa knila, ni kayo ngang sarili kong ama walang pakialam sa akin. nung college na ko natutong manggulang sa inyo. kahit wala akong project sasabihin ko meron para bigyan nyo ko ng pera. minsan binibigyan nyo ko, minsan naman hindi. so parang bahala na. and dun ko rin natry na dukutan kayo sa pantalon nyo. that was the first and the last time i did it. Dahil siguro napuno na ko. Pag hihingi ako ng pera, wala kayong mabigay. Pero kapag sa sugal meron kayo kahit magdamagan, sa pang inom meron kayo hanggang kinabukasan. Iyon ung time na nagrerebelde na ko. late na ko umuuwi ng bahay, 10 pm. iniiwan nyo na lang na bukas ung pinto para pagdating ko diretso na ko sa kwarto ko. aalis ako ng bahay ng 7 am. so madalang na tayong magkita. pero iyong gap at yelo sa pagitan natin nandun pa rin. dahil sinubukan ko ng lahat ng dapat kong gawin para mapalapit sa inyo pero wala akong napala. tinuruan nyo akong maging ganito. nakaalis ako ng olongapo at nakalipat sa maynila. i told myself na pag iigihan kong mag aral para magkaroon ako ng matinong trabaho.

i graduated with honors nung college. nalaman mo. at sabi pa nila, baka daw pumunta ka sa graduation day ko at ikaw ang magsabit ng medal ko. ano ang sagot ko? "Kung pupunta cya, di na ko papasok ng PICC. Di ako aattend ng graduation. Cya na lang kumuha ng medal ko sa stage ng mag isa". hindi ko nga alam kung nalaman mo iyon.

eto na ko ngayon. hindi na umaasa kahit kanino. im paying for my space, bills and food. malayo sa lahat ng kamag anak. tinulungan nga nila ko pero ginawan nila ko ng masama. cguro it is gods way na rin iyon para mangyari ang lahat ng ito. sa lahat ng pinagdaanan ko, si God lang ang naging strength ko. Si lola na umintindi sa akin. And do you even know na nung high school ako i tried to kill myself using a cutter? Oo. I already placed the cutter on top of my wrist. bago pa nga blade nun so for sure ill be dead and the blood will be scattered all over my room. pero hindi ko ginawa iyon. sabi ko, when i did that stupid thing, ako ung nagpatalo sa inyo. kasi mahina ako. kaya naging turning point ko iyon para pag igihan ko iyong ginagawa ko especially ung pag aaral ko.

and now eto ako, programmer sa madaling salita. at dahil sa trabaho kong ito, twice na kong nakarating ng amerika. wala sa pangarap ko pero binigay sa kin ni god. at dahil rin sa trabahong meron ako, unti unti kong nahubog kung ano man ako ngaun. marami akong natutunan dahil sa sarili kong pagsisikap.

hindi ko alam kung anong magandang epekto ng ginawa nyong pagpapalaki sa kin nung bata ako. lumaki akong independent. pero ung relasyon natin bilang mag ama ay nawala.Aaminin ko, HINDI KO ALAM ano ang feeling ng my AMA. ang my NANAY. ang alam ko lang, kaya ko ng MAG ISA. eto ang tinuro nyo sa kin. at natutunan ko na rin ang hindi gumamit ng emosyon.

ang alam kong pamilya ko ay ang mga KAIBIGAN ko. na hindi ako iniwan sa lahat ng pinagdaanan ko. SILA ang nakinig at nagpayo at TUMAYO sa tabi ko sa mga panahong wala na kong masandalan.

Lumipas na ang ilang taon, nakapag usap na tayo last year. Umiyak kayo sa harap ko. That was the second time na nakita ko kayong umiyak, first was nung namatay si nanay. hindi ko alam kung bakit di ako naantig sa mga luhang nilalabas nyo sa mata nyo. cguro bato na nga ako. sabi nyo nga, nag iba na ang anak nyo. hindi na ko ang katulad dati na mahina. Sabi nyo bato na ako ni hindi ako nakakaramdam ng kahit ano nung nag uusap tau. Nagsorry kayo sa pag aasawa nyo ulit dahil sa tingin nyo hindi nyo nagawa ung papel nyo bilang ama sa amin. Ako? Cerebral. Hindi emosyon ang umaandar kundi utak. wala akong sinumbat.

Hindi ko alam kung pano magrereach out sa inyo dahil ang layo na ng pagitan natin. Hindi ko alam kung san magsisimula dahil wala naman tayong nasimulan. Hindi ko nga alam kung pano, saan at ano. kaya kong magpatawad. pero ako ung taong pag ginawan ng masama, my pader na sa pagitan natin. at iyong pader na meron tayo sobrang laki na. mahirap ng gibain. kayo ang nagtayo ng pader na iyon sa mura kong isipan. lumaki na lang ng lumaki.

Hindi na tayo magiging isang buong pamilya. Dahil wala naman akong pamilya sa katauhan nyo simula pagkabata ko.

Para kay Lola, "La, salamat sa lahat. Salamat sa lahat ng pangaral at pagmamahal. Salamat at pinaramdam nyo sa kin kung pano ang merong nagmamahal. Gusto ko kayong yakapin ngaun ng mahigpit habang umiiyak. Pero hindi ko na magagawa iyon. Sana masaya ka kahit nasan ka man. Dont think of me anymore, i know how to take care of myself na. Salamat at nagpaalam ka sa akin sa panaginip ko before mo ko iniwan 5 years ago."


Hindi ko alam pano tatapusin ito. Ang plano ko sa ngayon, umalis ng Pilipinas. Lumayo ng malayong malayo. Maging successful sa ibang bansa na malayo sa pilipinas at babalik paglipas ng lima o higit pang taon.


Updates:

Grade 2 ako noon. nagpalit kami ni Bebe ng lapis. pinagpalit ko for a while ung lapis sa classmate ko ng ballpen. pag uwi ko ng tanghali hinanap mo sa akin iyong lapis ni bebe, sabi ko nasa classmate ko at magpapalit ulit kami ng hapon. anong sabi mo? bumalik ako ng school at kunin ung lapis ni bebe. hindi pa ko kumakain nun at kakauwi ko lang. ni hindi ko nga alam anong mali dun.

Nung grumadwate ng high school si bebe, my nakuhang cyang isang award. Isang medal. Ano ginawa nyo? Pinangalandakan nyo na merong isang medal ang paborito nyong anak!. Sa lahat ng tao, kaibigan, kapitbahay. Alam nila na very proud kayo sa nag iisang medalya nya. Nagawa nyo ba iyon sa mga medalyang inabot ko sa inyo? Or nagpakita ba kayo kahit maliit na appreciation sa mga nagawa ko? Sa bawat pag akyat ng stage, napakita nyo bang proud kayo sa mga medalya ko? HINDI ko naramdaman.

Dumating iyong pinaka magulong parte ng buhay ko 2007. iyon ung time na umalis na ko sa bahay ni ate. pagbalik ko ng US, umalis na ko ng bahay at namuhay ng solo, or kasama ng mga kaibigan ko. marami akong narinig sa pag alis kong iyon sa bahay na iyon. halos bumuhos ang pagsumpa sa akin sa text messages sa phone ko. my narinig ba sila kahit isang salita mula sa akin? wala. dahil hindi ko inexplain ung side ko. what for? papakinggan ba nila ako? will it still matter if i air my side? definitely not. iyon ung time na ultimo buhay ko pinagbabantaan na. and for sure, alam nyo iyong issue na iyon. sa time na iyon, tumayo ako sa sarili kong mga paa ulit. natuto akong magpaka ingat pagpasok at pag uwi mula sa opisina. natatakot na my makasalubong na tao na puedeng my gumawa ng masama sa akin. na hindi ko alam if ever mangyari iyon kung aabot pa ba ko sa hospital or worst hindi na. sino naging sandalan ko? PAMILYA ba? HINDI! mga kaibigan ko ang dumamay sa akin. mga kateam ko ang nagprotekta sa akin sa opisina. sinabi ko sa buong team na wag maglalabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa akin lalong lalo na ng mga lugar na pinupuntahan ko once na my magtanong sa knila na ibang tao. iyon ung time na parang nasa bingit ako ng kamatayan. hindi ko alam ano mangyayari sa akin bukas or sa susunod pa. Alam ng mga kaibigan ko kung sino ang mga taong involved sa kwento na iyon. Alam nila na kapag my nangyari sa aking hindi maganda, kung sino ang ituturo at paano ilalabas ang mga ebidensya laban sa mga taong iyon. Alam kung saan ituturo at alam kung ano ang mga ebidensya.

Nung mga panahon na iyon ko din nalaman through text na "TINAKWIL" nyo na daw ako bilang anak nyo. Gusto nyong malaman ano naramdaman ko? WALA. HINDI AKO APEKTADO. Dahil sa tanang buhay ko, parang wala naman akong ama. So whats new? Whats the difference? Ginagawa nyo lang ba yan para sa ibang tao? Masabi lang at mapatunayan na sobrang sama kong anak? Na ultimo tatay nya itinatakwil cya?. I dont care kung nagsama sama man kayo nung time na iyon. Dahil as far as i know, wala akong ginagawang masama. At wala akong tinatapakang tao. Tinakwil nyo man ako sa salita, para naman akong walang ama simula pagkabata. My pagkakaiba ba? Wala di ba? Its just a matter of using the word. Parang to make it official. Fine with me.

Nung nag usap tayo last year, klinaro ko mismo sa inyo kung totoo ngang ginawa nyo iyon? Ano una nyong sagot sa akin, IYAK! humingi kayo ng patawad dahil sa nagawa nyo. Sinabi nyo na hindi nyo sinasadya, na nadala lamang kayo ng emosyon nyo at galit dahil sa mga naririnig nyong kuwento. Ano sinagot ko sa inyo? Ok lang, hindi naman ako apektado nun. gusto ko lang marinig kung talagang sinabi nyo nga. Confirmed. Wala akong naramdaman na pagkakaiba simula nung anak nyo ko hanggang sa tinakwil nyo ko. Ganun pa din naman. Lumaki na parang walang tatay, so whats the use kung itakwil nyo man ako? wala namang pinagkaiba. Ah meron, opisyal ng hindi nyo ako anak.

Sabi nyo sa akin nung nag usap tayo, bakit ganun na ko? Bakit? Dahil hindi ako marunong umiyak? Dahil hindi ako apektado ng mga pinagsasabi nyo? Or parang wala na kong emosyon nung kaharap nyo ako? Ako na iyon, matibay matatag. Alam ko kung kelan ako magseseryoso. At kaya kong ikubli ang lahat ng lungkot na meron ako sa mga ngiting meron ako.

Malayo na ang pagitan natin bilang ama at anak. Dahil sa simula pa lang, mula pagkabata hindi ko naramdaman na meron akong isang ama. galit ba kayo sa akin? Dahil ako iyong panganay at nawala si nanay? Or dahil naman kamukha ko si nanay at iyon ang reason bakit kayo nagagalit sa akin?

Sabi nyo sa akin, sabihin ko bakit ako nagagalit sa inyo. Sabi ko no need kasi nangyari na. Kala ko as time goes by, mabubura cya ng isa isa. At dahil magkalayo tayo, maghihilom din ang sugat na meron ako. Pero hindi pa rin pala. Masyadong malalim. Ang hirap gamutin. Kaya ngayon eto, nilalabas ko. para sana makalimutan ko din ang lahat ng ito ng malayo sa inyo.

Balak kong magpakalayo layo ng Pilipinas. Kalimutan at magsimulang muli. Sa ngayon yan ang plano ko. Buti na lang si AJ, matatapos na sa course nya. Sarili ko na lang ang iintindihin ko at hindi na cya kasama. Wala na rin akong kailangang bayarang tuition fee dahil hindi kayang tustusan ng ama ang pag aaral ng kanyang anak. Buti na lang pala meron akong scholarship no? Dahil sabi nyo nga, kung wala iyon hindi nyo kami mapag aaral sa kolehiyo. Napaka huwarang ama.


6 comments:

Poipagong (toiletots) said...

Hmmmm... ang dami kong gustong sabihin... mga karanasang halos parehas pero hindi... mga natutunan ko sa buhay tama man o mali...

pero eto nalang muna magagawa ko...

*akapin muna kita*


kung kelangan mo ng taong di mo kakilala at ilabas ang mga hinaing sa buhay... eto e-mail at YM ko...
toxic.mind@yahoo.com

Anonymous said...

nice may pinaghuhugutan.

better and stronger ka na ngaun.

so touching *teary eyed*

grabe. sobrang strong mo. kudos. saludo ako ng bongang bongga.

sulit ang haba ng post. naiyak ako while reading. yes. pede na tong isubmit sa MMK. ^_^

RJ said...

Hanga akong naisulat mo itong lahat! Hindi ko pa tapos, kasi may pupuntahan ako. Pero babalik ako para basahin itong lahat, David Edward.

Sana mabasa ito ng Tatay mo.

RJ said...
This comment has been removed by the author.
RJ said...

[Natapos ko na ring basahin.]

Nagso-sorry naman pala ang tatay mo lately, umiiyak pa. Sa tingin mo ba sincere s'ya?

Nakikita ko sa iyong inaasam mo ring maramdaman ang pakiramdam ng isang anak na mayroong ama. Bakit hindi mo kayang subukang patawarin (sabi mo nga marunong ka namang magpatawad) si tatay mo, at simulang buo-in ang inyong relasyon. HINDI MO ALAM kung saan magsimula, kung ano, at paano? Sa tingin ko sanay ka nang makipagkaibigan di ba? Marami ka nang mga kaibigan 'ka mo...

Yon ang simula. Magsimula kayo bilang magkaibigan. Bata ka pa, at sa tingin ko bata pa rin naman ang iyong ama. Ibig sabihin niyan malakas pa kayo di ba? MALAKAS pa kayo para basagin ang makapal na yelo, at para wasakin ang di naman gaanong matibay na pader na nabuo sa pagitan ninyong dalawa.

Sa tingin ko may pag-asa pa ang lahat, kayang-kaya pa ninyong gumawa ng mas matibay na tulay ngayon habang malakas pa kayo. Huwag mong isiping dahil kaya mo nang makatayong mag-isa (independent) ay hindi mo na siya kailangan?! Kailangan mo pa naman siya. By the fact na isinulat mo itong liham na ito, alam ko, at alam mo na kailangan at gusto mo pa rin namang maayos ang lahat.

David Edward, marami ka na ngang kaibigan. Pero palagi mong alalahanin that at the end of the day your relationship with your father is still the most important. After all, BLOOD will always be thicker than water. [Figurative ba ito: "Ah meron, opisyal ng hindi nyo ako anak." Kung literal ito, IBANG USAPAN NA NAMAN IYON.]

Mac Callister said...

Oh mY GOD!I cant believed myself na tinapos kong basahin tong pagka haba haba mong story di ko mapigilang di tapusin!

I can relate to this,i felt the same way with my dad,pero di naman ganyan sa iyo over yang sa dad mo.pero un sakin enough to creat that kind of wall between us till now.plano ko pa nga non,pagtanda niya ipapadala ko siya sa home for the aged sa galit ko hehe

now he's not sorry,peo ramdam ko sa lahat ng ginagwa niya na he's making ammends sakin,nagpapakabait siya,i kinakausap ko siya pero wala emosyon,di n ko galit sa knya pero wala pa din ako pakialam na hehe