Sarah G

|

first time ito! hahaha.. first time kong pumila para magpa autograph... kanino? cyempre.. kay SARAH G lang naman.. hahahhaa.. bumili pa talaga ako ng dalawang cd para lang makapasok ako sa loob at makita ng malapitan si sarah,.

grabe! ang tagal maghintay. sabi sa advertisement 4 pm daw ang start, un pala 5 pm pa. kumain muna kami sa tapa king ni ate jaja.. tapos bumalik na kami sa music hall para maghintay na kay sarah. hintay hintay.. 5:30 na aba hindi pa nagsisimula.. kmusta naman! para na kaming nagsasayang ng oras. pero maya maya dumadagundong na. si howie dumating! ok fine.. haha.. di ako na-excite.. pero eto na nung dumating na si sarah.. wala na.. guguho na ang music hall.. bwahhaha..

kumanta si sarah ng 3 kasama na ung a very special love.. hahaha.. grabe! umuusog kami sa kinalalagyan namin dahil sa tulak sa likod.. after her last song ( a duet with Howie), it was announced na mag-aautograph signing na. so pumila na kami sa likod. pero ang haba ng pila! hay..

meron pang sumisingit! ang lakas ng loob eh naiinis na ko sa mga singit, nilapitan ko siya talaga.

me: papasok ka sa loob?
fan1: oo
me: nakapila kasi kami eh, tapos ikaw sisingit lang. my pila, aun ung dulo oh.
fan1: upo. sabay tingin na lang sa cd.

my isa pa nung time na malapit na kami sa gate papasok sa loob:
me: papasok ka sa loob
fan2: uu
me: my pila, aun oh.. ang dami pang nakapila bawal sumingit..
fan2: (nilabas ung cd), my pirma na kami oh papasok lang kami ulit.
me: my mga nakapila pa nga sa likod na gustong pumasok.
fan2: papasok lang kami hindi kami magpapa-autograph (sarcastic)

lumevel ka edward.. hahaha.. hindi mo ka-level wag mong patulan..

sa dalawang cd na meron ako, parehas na my autograph ni sarah. siya lang naman ang gusto ko sa mga singer natin eh, wala ng iba. hehehe..

ang tagal nun ah.. after that, nanood naman kami ng disaster movie..

Pero ang GANDA ni SARAH.. hahahaha


1 comments:

MakMak said...

High Five! Ahahaha.

I love SarahG din. LOL. Secret lang yun. Hahaha.