Grande Island - Summary

this is just a summary of our barkada outing last weekend.. okay - lets start!

Friday night - sa apartment natulog sina Ate Russ, Maybelle and Josche. late na rin natulog dahil nanood kami ng DVD (Caregiver). nice nung movie. natulog ng around past 2. or mag 3 am na ata un. nag empake na rin ng sobrang damit.

Saturday - last akong gumising.. i know. sabik ako sa tulog eh. un na un.. then after maghanda ng mga gamit at makaligo, kumain ng breakfast sa Jollibee. right after that bumalik ng apartment para kuhanin na lahat ng gamit. nagtaxi papunta sa terminal ng Victory Liner sa Pasay.

8:30 am umalis na ung bus going to Olongapo. 12:00 noon dumating ng Olongapo ung bus. Since dun naman ako nag college, alam ko ang papunta sa loob ng base. hahahah.. sumakay ng dilaw na jeep, kumain sa Greenwich, naghanap ng masasakyan na van papunta sa pier kung san sasakay kami ng yacht or bangka(?) papunta sa Island. kinuha ung food na dala namin kasi bwal daw. so nilagay sa locker nila.

past 3 pm dumaong na sa isla ung yate, nahilo ako sa byahe. nakakahilo ung 45 mins na ride. ang gulo gulo pa sa front desk. marami akong reklamo. nagkakagulo sila na parang walang concentrated na staff sa iyo. parang labo labo na..

nung nakuha na namin ung room key nagbihis na at naligo ako sa dagat. ako lang muna! hahaha.. excited eh. then naligo kami sa pool nila na malaki. daming koreano. hahaha..

after that naligo na sa dagat, naglaro ng sand castle. tapos naligo and nagdinner.

the following day:

morning - breakfast - solved.
nag ATV kami. twice ako umulit.. hahaha.. kasi merong sobrang ticket ginamit ko na. then after that nag banana boat kami. twice din ako sumakay dahil sobra ulit ng isa ung ticket namin.. hahaha.. lucky me.

after that ligo sa dagat and prepare na going back to Manila.

nagcheck out sa hotel na magulo na naman at nawawalan daw kami ng isang towel sa tatlong room namin. 600 daw ung bayad. nakipag usap pa ko in not so very good manner.

umalis ung yate pabalik ng olongapo 1:30 na ata.
nag lunch sa gerrys. then naglakad sa loob ng subic and then pumunta kami ng station ng bus para makabalik ng manila.

4 pm nakasakay na kami ng bus pabalik ng manila. 7:30 nasa manila na kami. :)

0 comments: