paglisan.. at iba pa.

nararamdaman ko na ako ay aalis na sa lugar na kung saan ay naging aking tahanan sa loob ng mahigit tatlong buwan. oo, mamimiss ko itong lugar na ito. hindi dahil puro mall ang paligid kung hindi dahil sa payapa ang paligid ngunit masasabi mo rin naman na asensado. hindi pa naman kasi siya ung mismong probinsya na my dessert tapos walang masyadong sasakyan.

sa paglalakbay kong ito, my mga bagay akong natutunan. dagdag aral sa aking pagkatao. merong leksyon para sa sarili at meron din naman na obserbasyon para sa ibang tao.

hindi ako perpekto. pero sa mga panahon na ako ay may hindi magandang nararamdaman, pipiliin ko na lang ang manahimik. sa puntong ganito ako, mabuti pang huwag mo akong kausapin. sa mga panahon na ganito, self centered ako. nasa loob lamang ako ng sarili kong mundo.

ang aking pananahimik ay hindi dahil laging may masama akong nararamdaman. minsan, kailangan ko ring manahimik pag pakiramdam ko sobra na ung energy na nailabas ko sa mga nakalipas na araw. sabi nga "i need to recharge". i need to be silent for few days.

sa aking pagbabalik, hindi ko alam anong mangyayari. as always, i lift it up to Him. sabi ko naman di ba, hindi ako nagpaplano ng buhay ko. i gave it to Him. May His will be done. tanggap ko kung anuman ang mangyayari, pero nandun pa rin kung anong choice ang gusto kong piliin.

babalik ulit ako ng pilipinas na meron pang mga hindi ayos sa buhay ko. PRIDE. marami akong naipon nyan. minsan hirap akong ibaba ang sarili ko dahil na rin sa salitang iyan.

sana sa aking pagbabalik, maayos ko na rin kung ano ung dapat kong ayusin sa buhay ko, sa pamilya ko. sino ba naman ang my gusto ng walang pamilya di ba? pero aaminin ko, hindi ko alam ang pakiramdam ng my tunay na pamilya, ng buo ang pamilya. hindi rin naman ako lumaki na nanjan ang nanay ko sa tabi ko, dahil limang taon pa lang ako nung kinuha na cya ni Lord God. iyong tatay ko, may asawa at anak na cya sa bago nyang pamilya.

salamat sa mga tita ko na tinatanggap ako sa bahay nila. tinuturing na parang anak. pero kahit ganun pa rin, hindi pa rin naman maaalis ang fact na hindi naman talga ako parte ng pamilya na iyon. singit pa rin ako. and hindi ko ugali na ipagpilitan or isiksik ang sarili ko sa mga lugar at taong hindi naman ako gusto. kaya ko ang sarili ko. i can do this on my own.

sa paglalakbay na ito, may mga aral na nadagdag. my mga taong nakita ang tunay na ugali. kilala ko ang sarili ko. i need a new environment and i need new people around me. im getting sick with the same people. with the same environment. wala ng bago dun. simula dati pa, ganyan na ko. i always make it a point na pag nabobored na ko, my ginagawa akong kakaiba or bago. but this time, ewan ko. pag bored ako dati, papakulay ako ng buhok, papagupit ng ganitong gupit, bibili ng ganito, papa-peel ng mukha. para lang my bago. gusto ko ng adventure. adventure na kung saan iba ibang tao ang nami-meet ko.

hindi lively itong entry na ito dahil ito ako ngaun. eto ang nararamdaman ko. sana. sana lang. maging maayos ang lahat, at wag ng maipon ang mga inis ko sa ibang tao. kaya kong magpasensya pero kung sobra na, ayoko na.

sabi ko dati bawal gumamit ng emosyon. bawal makipag usap ng seryoso. pero sa blog ko, eto ako ngaun, seryoso. ilan na ba ang iniyakan kong babae? hindi ko rin naman alam kung seryoso ako. basta ang alam ko, masaya akong mag isa. nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. i dont need to ask permission pa sa ibang tao.

takot ako sa relasyon? siguro. hindi ko alam. ayoko. umiiwas ako sa mga bagay bagay. sabi nga nila, you cant have it all. masaya naman ako sa buhay ko ngaun. iyon lang naman ang kulang sa isang ordinaryong tao na ka-edad ko - ang my karelasyon. pero im so thankful for all the blessings na binigay ni God. in the right time, kung meron cyang plano darating din iyong hinihintay ko.

pero hindi ako naiinggit. bakit naman? walang dahilan. masaya ako sa mga kaibigan ko na nahanap na nila iyong soulmate nila. nagpakasal. bubuo ng isang pamilya.

hindi ko rin naiisip ung sarili ko na tatanda. hindi ko alam. hindi ko nga alam kung aabot ako ng 50 or what. wala sa hinagap ko iyon. hindi ko rin alam kung bakit. sa ngayon go with the flow. kaya kong sumabay sa agos ng buhay.

ang sarap maging emo minsan. iyong tipong nasa kama ka lang, nakaboxers ka lang, then ung comforter or kumot mo lang ang yumayakap sa katawan mo, tahimik ang paligid. napaka peaceful. mga unan lang din ang nasa paligid mo. sana i can spend more time doing that. walang ibang iniisip. Lord, gusto ko na bang maglaho sa mundo? bakit naging ganito na entry ko. hindi ko rin alam. sigh.

ang daming sana. pero nasa tao pa rin ang desisyon.

tatlong araw pa at akoy nasa pilipinas na muli. i dont need to speak english anymore and argue with the call center agent just to rebook our flights. THANK GOD for this. see you all.

1 comments:

Anonymous said...

hmmm, huwag kang matakot na harapin yung mga bagay na pilit mo tinatalikuran.kapag naharap mo na yon yung mga missing link and question sa puso at buhay mo everything will follow.Sabi nga things happens for a reason.Just have faith in God...Kaya mo yan...at mararamdaman mo yung true meaning of happiness at fulfillment kapag nagawa mo na yon.
Godbless