week two update...

|

kamusta naman sa lahat? anong oras na ba? 11:52 pm US time. aun naman, my US time.. hahaha.. kasi nasa US nga di ba.. bakit gising pa ko? its all because kakadating lang namin galing ng mall, ay mali pala.. galing ng office dumiretso sa mall.. hahhaha.. mabuti ng malinaw.. actually di pa ko nakakaligo or shower man lang pagdating, nakatapis nga lang ako ng towel eh, hahhaa.. kasi maliligo na dapat ako, eh ang mga mahal na kaibigan nagparamdam bigla, naudlot ang aking paliligo.. tsktsk...

kamusta naman ang second week ng training? medyo madugo sa utak. i cant understand all the things that youre saying sir. hahhaha.. nag nonose bleed ako.. ang hirap.. ang hirap umintindi kapag ang bilis mo pong magsalita tapos antok ako.. my brain cannot process anything at that moment. pasensya na po talaga., di lang sanay kapag mabilis na. pedeng chat na lang? ehehe.. bobo na naman.. no ba yan..

musta ang office? ok naman, mejo maliit iyong building just like a small company but its not. hiwa hiwalay kasi ung mga offices nila and nandun lang kami sa isang office.

eh ang mga tao? kamusta naman sila? cyempre human nature. my mabaet my hindi. my anghel my demonyo. sabihan ka ba naman ng "i am at the wrong place at the wrong time".. kuya kamusta ka naman? nasa pantry lang tayo parehas.. ang arte mo.. diyos ka ba? hay..

ang lugar - walang snow pero umuusok ang bibig kapag nagsalita sa mga oras na sobrang lamig ng panahon.. miss ko lang ang snow..

public transportation - mejo mahirap. every hour ung dating ng bus, so medyo matagal maghintay. mahirap din sundan ang online route nila. hilo ako at sinukuan ko. buti na lang they gave me the brochure with information, kasi sinabi ko situation kong gusto kong magbus. :)

what else? ayun. ilang mall na rin napuntahan namin. parang awa nyo na, tantanan na ko ng gastos. dahil di ako lumalabas ng walang nabibili.. tsktsk.. nakabili ako ng 3 relo pala kagabi tapos mejo marami na rin ung chocolates na nabili ko. merong nakapack merong mga by plastic. hehehe..

food - puno na ung ref. wala ng space. hahaha.. sa sobrang takot ko magutom, inubos ko na laman ng grocery.. hhahahaa.. joke lang.. ung mga gusto ko lang kainin binili ko na, like fruits, fresh milk, softdrinks, yogurt, meat, ice cream at kung ano ano pa.. basta alam kong anytime my kakainin ako.. dahil walang mini stop at 7 eleven sa labas ng hotel.. ahahha..

update ko kayo ulit pag maayos na ko.. dami pa kasi gagawin eh.. tska maliligo pa pala ako.. hehehe.

byers!

0 comments: