tears and tears...

luha kung tawagin sa tagalog, tears naman sa salitang ingles. ito ang ginawa ko sa araw na ito. ang maglabas ng luha mula sa aking dalawang mata.

finally, its over. tapos na ang aking pamamalagi sa kompanyang ito ng mahigit dalawang taon. hindi ko mapigilan ang maging emosyonal sa aking pag alis. lumuha ako sa umaga. luhang totoo at iyak na totoo. my kasamang hikbi sa bawat pag iyak.

naiiyak ako sa ideya na hindi ko na makakasama sa araw araw ang mga nakasama ko dito sa loob ng team ng mahigit dalawang taon.

sobra na ang nailuha ko. kahit ayaw kong umiyak, pilit na tumutulo ang aking mga luha.. sobrang sakit na ng ilong ko kapupunas sa bawat hikbi.

PAALAM aking mga kaibigan.

1 comments:

Lazarus said...

as long as you did not burn bridges, nor bore grudges, moving on is very easy.

God bless you David! May the Lord give you more wisdom.