the first Pinas trip..

|

i made my first ever balikbayan trip last week of October. anong feeling ng isang OFW na first time uuwi ng pinas? excited.. para mameet na rin ung mga damit imeet. gawin iyong mga dati mo ng ginagawa. mga ganung bagay. at dahil sa hindi ako excited at sa praktikal na rin, dinala ko na ung maleta ko gabi pa lang ng tuesday para diretso na ko sa airport. kasi naman baka maubos oras ko kung sa house pa ko manggagaling. anyways, i left the office around 7 am, so 7:30 nasa airport na ata ako and my flight is around 10 am sa Malaysia Airlines.

hindi ako maaga pero sakto lang ung pila para sa check in luggage. meron kasi silang allowed na 20 kilos every passenger pag going back to Manila even pabalik ng KL. so after ko mag check in, next stop is immigration. actually wala naman akong naging hassle sa pagpasok sa airport nila dito.

the immigration officer asked me pa nga if i wanted stamp sa passport ko kasi puedeng wala since i do have the card here. pero sabi ko "yes please". para alam pa ring lumabas ako at dumating ng malaysia.

mahigit one hour before my flight nasa boarding gate na ko. and since hindi pa ko nagbreakfast, naghanap ako ng coffee shop na malapit and napadpad ako sa coffee bean sa kabilang wing ng airport. ahaha.. talagang nilakad ko ung part na iyon till makakita ako ng makakainan.

sakto naman ung oras ng flight. at ung hinihintay ko na pag angat ng eroplano sa lupa is hindi naganap. dahil? nakatulog ako sa sobrang antok at pagod. nagising ako nakikita ko na lang ung lupa at mga building sa bintana. but okay lang naman. and i have a good seat na rin. 2 rows behind the business class. ^_^

so nung naka idlip ako ginising ako ng FA in a nice way dahil magseserve ng food. ano daw gusto ko. ang kinain ko ata is chicken curry na my rice. and i think naubos ko cya dahil gutom na naman ang bata.. ahahha..

lumapag iyong plane sa NAIA around 2 PM. at 2:30 PM nasa labas na ko ng NAIA papuntang makati. at nandun din ako naipit sa traffic sa my airport road. and it only means - nasa Pinas na nga ako..

Welcome Manila!

0 comments: