MC for the first time

|

hindi ako nakapasok kagabi, why naman? kasi masakit ang utak ko. hapon pa lang masakit na cya. though hindi naman ung sakit na para kang my brain tumor, iyong tipong gumuguhit lang sa utak.

so ginawa ko, umidlip muna ko baka kasi mawala naman ung sakit paggising ko. eh potek, nung naka idlip ako ayaw na akong patayuin ng kama. so i decided not to go to the office na lang. ang ginawa ko? gising pa din.. standby lang if ever magka issue. nagchecheck din ako ng email from time to time and nangunguha ng ticket sa queue.

nakatulog ako ng mga 5 am na rin cguro, di na kaya ng powers ko. then nagising ako ng around 12 noon kasi nagugutom na naman ang bata.. hahaha.. so kumain lang ako ng bread and decided to go to the doctor para kumuha ng MC. kasi nauubos ang leave ko. para naman official na sick leave ako. dito kasi kahit one day ka lang absent need mo kumuha ng certificate para patunayan na my sakit ka unlike sa pinas na pag two consecutive days lang.

so nagpunta ako ng doctor. chinese si doc. ginawa sa akin. pagka upo check ng temperature sa tenga, wala daw akong lagnat. check ng blood pressure, mukha namang okay. tinanong ako anong problema. sabi ko headache, then he also asked where i am working and ano work ko. then huling tanong nya, late daw ba ako lagi natutulog? sabi ko im working night shift. ^_^

after that, tapos na. lumabas na ko. cguro ung check up ko na un tumagal lang ng around 2-3 mins and ang bayad ko? 22 RM. mga 300 pesos. hehehe

so ngaun, simula pagkagising ko ng 12 noon kahapon at pumasok ako d2 sa office gising pa rin ako. and its already 3 am. gising na ko ng 15 hrs officially.

uu nga pala, nagluto ako ng sinigang na hipon for our dinner and naubos namin ang kanin at ulam.. ahhaha.. hindi kami gutom.. HINDI.

0 comments: