nag ayos ako ng laman ng cabinet ko. dahil hindi na puede ang mga tshirts, kundi need ng mag business/casual clothes sa office, inayos ko na ang laman ng cabinet ko. naglipat ako ng damit from one space to another.
meron kasi akong cabinet talaga, as in iyong three door cabinet. tapos sa room merong cabinet na permanent na dun. so ginawa ko, tinanggal ko na sa main cabinet ko ung mga tshirts and ang nilagay ko is ung mga pang office na lang na damit and ilang jackets. last count ko 18 ung jacket ko, lahat lahat.
eto na ung mga tshirts. pinagsama sama ko na dyan. ang hilig kong bumili ng tshirt/longsleeves eh, lalo na nung nasa US ako. hindi ako ung mahilig bumili ng pang opisinang damit. hehehe
eto naman ung lower part nung sa taas. and ang nandito naman is ung mga jacket ko and ung ibang long sleeves. ung long sleeves na hindi pang opisina. long sleeves na tshirt.
and the cabinet. eto na lang ung laman ngayon. hahaha.. dati kasi mga tshirts ko ung nandyan. inayos ko na yan dati eh. then inayos ko ulit ngayon. i think i need to invest more sa mga pang opisinang damit. ^_^
tapos, cyempre ung mga damit ko na nasa laundry, ung ginamit ko for the past month. opo. tama. every month lang ako nagpapalaba. imagine, nasa laundry shop na ung one month kong ginamit, so meaning mabubuhay pa ko ng another one month sa mga damit ko sa cabinet ko, need ko lang ng mga undergarments. hehehe.
baka my gustong mag sponsor ng office clothes? hehehe.. tatanggapin ko po ng maluwag sa puso. okay na ko sa Pierre, Memo, Van, Izod. ako na po mamimili ng design. hehehe
2 comments:
WOw! 'YOn lang. Wow! o",) [Hindi ganyan karami ang mga damit ko.]
kuya rj - gusto ko lang ng maraming choices.. and mostly sa mga iyan sa US ko binili, kasi kahit branded ung shirt iyong price nya is not the same price here in the Philippines.
Post a Comment