Time check: 3:44 pm [business laptop system time]
Location: my cube in the office
Current situation: antok, gutom, parang lalagnatin
antok - dahil from 8 am yesterday Saturday 3 hrs pa lang ang natutulog ko.. why oh why? nagwork nga ako kagabi di ba? anong petsa na ko nakauwi? 9:30 am ako umalis ng opisina (kanina un), dumaan ako ng mcdo para bumili ng longanisa breakfast meal dahil mukha na kong patay gutom.. pag uwi ko ng bahay, magtwe-twelve na ko nakatulog dahil cyempre bawal matulog agad pagkakain.. nagpahinga muna ako at nanood ng tv. so nakatulog ako ng before 12. ang dapat na sanay 30 minutes na tulog/idlip ay naging kulang kulang tatlong oras.. tsktsk.. 2:50 pm na ko nagising... sabi na eh.. problema ko na yan, pag kulang ako sa tulog at sinet ko na 30 mins or 1 hour lang ako matutulog hindi nangyayri.. dahil ang katawang lupa ko ay nagpapahinga ng lubusan at ayaw bumangon sa itinakdang oras..
gutom - since nand2 na ko sa office, hindi pa ko kumakain simula breakfast kanina.. gutom na ko as in... hindi na ko nagkape pa sa starbucks dahil kanin at sustensya ang kailangan ng katawan ko.. kahit mejo antok antok...
parang lalagnatin - dahil sa mga pangyayaring naganap, feeling ko hindi na kaya ng katawan ko ang mapagod mastress lahat lahat na ngaung araw na ito.. alam kong meron akong nararamdamang kakaiba sa loob ng katawan ko.. para akong may init sa loob ng katawan at parang hapong hapo. pero pinipilit ko pa ring tumayo at gawin ang mga dapat gawin.
bukas, hindi ko alam kung makakapasok ako.. tingin ko hindi na.. unang una - dahil last day na ng enrollment ng kapatid ko sa college.. sasamahan ko cyang magbayad ng tuition fee (hindi naman sa wala akong tiwala sa kapatid ko - pero naganap na ang naganap.. at mahirap kitain ang pera sa panahon na ito)..
at tingin ko, magkakasakit ako.. kailangan kong ipahinga ang katawan ko..
1 comments:
Napansin ko talagang conscious ka sa pagbibilang ng sleeping time mo, sa mga dati mong posts nababasa ko rin. Ayos yan, ako talagang target ko pa rin ang 8hrs of sleep each day.
Tama, kung naganap na ang naganap, samahan mo ang kapatid mo, baka yan pa ang mag-a-aggravate ng masamang karamdaman mo ngayon.
Post a Comment