encounter

|

sa aking pagtatago, ang pinaka iiwasan ko ay ang may makasalubong na dati kong kakilala na may koneksyon sa mga taong hindi ko pa gustong makita. kung ikaw, gugustuhin mo rin ba silang makita at maisumbong ka kung sang lugar ka napapadpad?
cyempre hindi! pero nangyari na ang nangyari.. my nakakita sa kin ng di ko inaasahan.. pano? ganito...
bumili kami ng food sa jollibee last night, akala ko take out kami then dine-in na pala. so ok lang. then nung papunta na ko sa table namin ni ate jaja, biglang my tumili sa pangalan ko at bigla kong naramdaman my humawak sa kin, biglang lingon sa taong nakahawak sa kamay ko. "ah hello po" sagot ko naman, konting usap usap. ganito ganyan.. tinanong din nya ko kung kilala ko pa cya, sagot ko naman is oo. after that kumain na kami nina ate ja, at nag isip na pano aalis sa lugar na un ng hindi nasusundan kung san man kami pupunta. 
and im sure, nasabi na sa mga taong ayaw kong makita na my nakakita na sa akin sa my cash and carry. im not sure what will happen next. pero higit sa lahat, ayoko ng eskandalo.

3 comments:

dean said...

naku, goodluck na lang kuya!

RJ said...

ngayon lang ako napadpad dito kaya di ko alam ang story mo, kung may prequel ito, aalamin ko pa.

Di ko talaga mapigilan ang sarili kong di mag-comment dahil sa words mong 'take-out.' Nami-miss ko na tLg gamitin ito. "Take-away" kasi ang gamit ng mga Australians dito.

abe mulong caracas said...

sana mabasa mo...walang taong dating kakilala...abangan mo na lang sa caracasniabe.blogspot.com