US Trip - Summary Edition

ill try to summarize ung mga places that weve been nung nasa US ako this year. iyong mga solo post, im not sure kung magagawa ko pa.. hehehe.. ill try.. so, lets start..


Wakulla Springs, Florida

From what our officemates told us (Tallhassee office), maganda daw itong place na ito. kasi its a natural park, close to nature and marami ka daw makikitang mga animals especially alligators. so kami, one weekend we went there to check the place. Public Park nga cya. you need to pay five dollars for entrance nung car with capacity of 8 people inside. when you enter the park, puedeng mag picnic. there are tables provided. then bumaba kami sa my bandang lake, you need to walk papunta sa lake kasi medyo malaki ung place, nung nakita na namin ung lake, the next thing na chineck namin is ung schedule ng boat tour. Yep. ito iyong sinasabi ng mga co-worker namin na itake namin, especially ung glass iyong bottom na boat. of course, when glass ung bottom nung boat we're going to see whats swimming under the boat and ano pa ung mga kahayupang nasa ilalim ng lake. Admission Fee for the boat ride is 6$ per person. Based sa mga kwento i already imagined what to expect. Kasi sabi nila you will closely encounter ung mga alligators, snakes and birds. eh im afraid sa snake, so i imagined na ung snake is bumababa from the roof nung boat and nakapark kami sa my gilid ng lake.. hehehe.. i expected the worst talga. but nung nagtotour na kami, hindi naman pla ganun kamorbid as what ive imagined. ok lang, tama lang. ano mga nakita ko? mga alligator, snakes sa tubig, different kind of bird species, turtles at kung ano ano pang uri ng halaman at bulaklak. So far, the boat ride was okay. the depth nung basin ng lake is 200 feet ata. And on the same place din shinooting daw ung Tarzan movie before. :D


NASA Visitor Complex, Orsin Florida

We went here when we had the long weekend kasi Memorial Day. Ang dapat gawin sa opisina ay pinapagpaliban para sa gala na ito. NASA was located in Cape Canaveral Island, mga more than an hour from Orlando. It is a huge place, you need to follow signs going to Visitor's Complex kasi if not you might end up one of the launch pad ng NASA but merong humahabol na patrol sa inyo kasi prohibited place na un.. hehehe.. and not to mention ung mga camera pa pala sa road. We spent 6 hours inside the Complex, kasi they have a tour once you ride the bus. they will bring you to different spot para makita mo ung most of the part ng place even not whole. ano nakita ko dito? alligator again sa daan, mga ibon sa puno. well aside from those things, cyempre nakita ko rin ung big building kung saan ang mga space shuttle is nanggagaling papuntang launch pad. Grabe! as in.. ang laki ng pinto nya. i cant imagine kung gano cya kataas. merong 2 flag sa building na un. Flag of US and NASA Flag. there are two big doors na parang roll-down (?). i also saw ung crawler na naghahatid sa space shuttle going sa launch pad. it takes 24 hours para mailipat ung space shuttle patungo sa kanyang launching site. kasi sobrang bagal talga ng crawler, eh imagine pag bumagsak ang shuttle sayang ang bilyones ng mundo. nakita rin namin ung launch pad but not closely kasi restricted and hindi kami bumili ng pass na mas malapitan, mauubos kasi ung time namin, ung launch pad meron ng space shuttle. May 30 kasi lilipad ang Discovery papunta sa Space Station para maghatid ng tubo ng sirang banyo. Yep. You heard it right. Ang gagawin nya lang dun is ihahatid ung parts ng sirang bathroom sa Space Station. Nagtagal cya sa Outer Space ng 2 weeks,. kasi the time i left Tallahasse that was the time na nagland naman ang Discovery sa Cape Canaveral. :)
Marami kang makikita sa tour nila. You will hear the different stories nung mga past explorations nila, ung mga sumabog na shuttle na nasa launch pad, ung nawalang shuttle sa Outer Space. different stories, different emotions. pero cyempre nandun din ung team ni Armstrong! hehehe.. Panalo! My picture din ako ng nakalutang sa shuttle, post ko one time. hehehe.. We also experienced ung Space Shuttle Simulation. So talgang nakaupo ka dun and para kang palabas ng earth going to Outer Space. You will see a lot dito sa Park na ito. Prang sasabihin mo na, i wanna go to Outer Space, Now NA!!! hehehe..





St Augustine, Florida

We went here twice. First was ung naka brown ako na long sleeve and naka formal ako. Nagpakamodelo kumbaga. Over dressed. hahahha.. I dont know naman kasi what to expect. So ako, yan ung naisipan kong isuot. Nag ikot kami sa St. Augustine. Oh nga pala, St Augustine is the oldest city in the United States. :D
A lot of people in the US like to spend time for their honeymoon in this old city. Kasi nga romantic iyong place and oldest city pa. Naakyat din namin ung light house ng walang bayad kasi merong activities that time, so libre ung entrance sa kanya. And nakakapagod cya, no joke!!! parang feeling mo matatanggal iyong mga stairs pag umaakyat ka and dirediretso ka pababa.
Isa pang nakakatakot is sa pinakataas na. Ung peak nya. Kasi ung railing butas butas. hindi cya solid railing na half body. Steel kasi ung gamit nila. Sobrang hangin sa taas, ang sarap sabihin nung famous line sa commercial na - "Mahangin ba sa labas?".. hahhaha.. naenjoy namin itong place na ito.



Tyndall Air Force Base, Panama City Florida

Sabi nung Indian na co-worker namin, my Air Show daw sa Panama nung weekend na un. And they asked if we already have a plan that coming weekend, and sabi namin wala pa. Nood daw kami kasi maganda ung air show. That was my first time na manood ng ganun. Advice ko lang, if ever you want to see a show like this, bring an umbrella and ear plug. Nakakabingi ang mga ugong ng eroplano.!!!.. pero superb ung mga moves nila. kahit malaking plane imagine napapaikot nila? kamusta naman un! basta, masasabi ko lang - "Magaling Magaling"...
Right after nito, mga 2 pm umalis na kami, we went naman sa beach to check out. pero wala kaming balak maligo, wala akong dalang extra shirt!!! bwiset.. naghubad ako ng shoes tapos naglakad lang sa baybayin ng Panama Beach..



Universal Studios, Orlando Florida

First time kong pumunta ng Universal, i dont have any idea kung ano ung makikita ko. hindi ko rin chineck ung website nila para wala akong expectation. mahirap na pag hindi nameet ung expectation mo. masakit. pero this time, sobrang okay ako!!! kakapagod nga lang.. kasi 2 parks 2 day ung ticket namin. then sa haba ng pila sa mga ride sa loob at wala kaming time maghintay, bumili pa kami ng express card worth 50$. pipila kami pero unti lang dahil hindi naman lahat merong ganung card. dun lang sa can afford. :)
nasakyan ko ung Hulk nilang rollercoaster na my 2 malaking ikot at matagal na roller coaster, even ung flying dragon na nakalaylay ang paa.. Sobrang saya. Alam kong my fear of height ako, pero bakit ko gustong sumakay sa mga ganito? HINDI ko rin alam.. hahaha.. dun nga sa Hulk na ride, napagod na kong sumigaw sa unang ikot pa lang, so nakatingin lang ako sa paligid ko at ineenjoy ang baligtad na mundo.. hahahhaa..
Ticket price is nasa 100$.



World of Coke Museum, Atlanta Georgia

Ang only park an napuntahan namin sa Atlanta aside sa Outlet Mall.. hahahhaa.. Cyempre una naming pinuntahan ang Coke. Ticket Price nasa 30$. Combo na un together dun sa Georgia Aquarium pero like what ive said hindi na rin namin napuntahan ung Aquarium. Alam ko maganda sabi nga nung mga nakapunta, wala na kasi kaming time. Weekend lang meron kami and 6 hours drive from Florida going to this place. My nabili akong mga souvenir, pati ung isang bote ng coke na free para sa mga bisita. At dito mo din matitikman ang ibat ibang lasa ng mga products ng Coca Cola. Free Taste kumbaga. uminom ka lang.. hehehe.. Merong softdrinks from Asia, Africa, North America at kung san san pa. pero walang Coke from Philippines or any soda na mula sa atin. :(



Disney World, Orlando Florida

Bumalik ako sa pagkabata. No joke!!! hahaha.. naalala ko si Mickey Mouse and Friends. iyong mga tipong movie nila na pinapanood namin sa mga VHS tapes (wala pang cable nun). natuwa talga ako. kaya lang rampa kung rampa dito. takbo dito takbo dun. kasi inikot lang naman namin sa isang araw ang tatlong Theme Park ng Disney World: Animal Kingdom, Epcot and Magic Kingdom. Buti na lang sa animal kingdom my kapit, salamat sa tito mo Kuya Glen. :)
ang nagagawa ng kapangyarihan nga naman minsan, hindi naman abuso un eh. once lang naman. Sinakyan namin ung parang roller coaster nila pero di bumabaligtad. And nasa front seat ako, seatbelt lang ang meron ang ung lubid(?) na nasa side mo para hawakan.. kmusta naman.. ang taas nya. Napuntahan din namin ang Saffari ng Disney, kumain sa Thai restaurant, at naglakad ng umuulan. Nagpunta sa Tree of Life. Then next stop is ung Epcot. 2 bagay di ko makakalimutan dito. Wala akong picture kay Mickey Mouse!!! kahit abot kamay ko na cya.. kasi ung time para sa picture taking is tapos na, no once can enter the premises.. hay talga.. as in hay.. second na di ko malilimutan is ung Trip to Mars na space shuttle ride. eto mafefeel mo talga na my pressure sa maliit na cabin. madilim sa loob at ramdam mong umiikot ka talga. my pressure sa loob, you can feel ung bigat and gaan mo. how i say this things? kasi lumaki ako ng unti, my excess fat ang aking stomach, nung nandun na kami sa loob at ung shuttle is palabas na ng earth ang bigat na ng pressure, ung tyan ko feeling ko pinupull ng gravity pababa.. hahahaha.. so iyon.. mas masaya itong ride na ito kesa ung sa NASA. kasi ito parang close encounter talga. nasa loob kayo ng cabin kasi. You have two choices sa ride na ito, yung Green Side and Orange Side. The Green Ride is just a minimal pressure, so-so lang kumbaga. The orange one ung extreme. Cyempre, sa Green kami.. Joke!!! hahaha.. We chose the Orange one para feel talga.. :)



Florida State University, Tallahassee Florida

Baseball game ito. First time to watch live baseball game and sa FSU pa. Maganda ung game na pinakita though nangagapa ako sa scoring. Im sorry, pero di ko talga alam pano scoring sa game na ito. How each team garner their score or points. My libreng cap pa.. Remembrance.. hahaha



Governors Square Mall, Tallahassee, Florida

Ang mall na marami kang mabibili. Kung sana ang mall sa Pilipinas ay kagaya ng mga mall sa kanila na hindi masyadong matao tulad nito. :D
Marami rin akong nabili sa mall na ito, mga pasalubong - Victoria Secret, Bath and Body, mga accessories ko and mga clothes and shoes.
Isa pang trademark pag napadpad ng Governors Square - Bourbon Chicken sa Cajun Cafe!!! hahahaha.. tutubuan na tayo ng balahibo kakakain ng bourbon chicken pero masarap cya. San kaya meron nun dito sa Pilipinas?

Lake Ella, Tallahassee Florida

Ang Lake Ella. Napaka silent na lugar nito. Pwede kang mag relax, magpakain ng mga bibe, humiga sa damuhan at tumingin sa langit habang papalubog ang araw, ung tipong my katabi ka at magka holding hands kayo. Sa atin ang tawag dito - Luneta.. joke lang.. hahaha..
Iyong park na ito, the usual park. you will see different kind of person. my bata, my matanda. pero napaka peaceful nya talga. kung gusto mo ng inner peace, dito ka dapat pumunta. para kang dinuduyan sa lamig ng hangin na dumadapo sa iyong mga pisngi. at sasabihin mong puede bang umidlip kahit sandali dito?. puede naman basta my dala kang blanket. okies?


That was the summary ng mga gala. I know meron pang hindi nakasama. I'll try to do it another time. :)

1 comments:

MakMak said...

Wow. Dami niyong napuntahan. Di bale paglipat ko din ng work. Lol. :P