4k in two days = magtipid ka na

|

napa oh my god talga ako nung nalaman ko na yan ang gastos ko within two days.. parang hello.. im not in the US anymore na ok lang kung gumastos ka ng 100$ in two days dahil my allowance ka naman. parang okay, biglang tipid mode na dapat. pano ko nalaman yang gastos ko? usually naman kasi i dont compute iyong mga expenses ko. eh im maintaining 2 accounts, chineck ko iyong balance. sabi ko bakit parang ang baba na. so gawa ako ngaun ng computation.

yesterday, pumasok na iyong sweldo. last wednesday nagclear na rin ung last pay check ko. so divided sa dalawang account ung halaga ng kayamanan ko. then withdraw withdraw. so ngaun nga, nagulat ako kasi nung nagbayad ako ng CC bills ko, talgang nagulat ako sa balance ko. eh di lagay sa mahiwagang notebook ng mga details ng account. compute compute ulit. pati pera ko sa wallet binilang ko na, ilang hundreds and thousand ang nandun. tapos addition na ng mga available balance. then inadd ko na din ung pumasok na pera.

so total income - available balance. kaboom! ang laki ng difference. less than 10k. imagine in three days time lang.. my god talga. so compute compute, alin ung mga nagastos para sa new place then nung na ok ko na ung computation ang suma total - 4k in two days. food or what ever man yan hindi ko alam. nagugulat ako sa mga pangyayari. hindi naman ako anak mayaman. kamusta naman iyon. hindi rin naman ako sustentado ng aking mga magulang dahil nga nagpatakwil na ko sa kanya (patay na pala nanay ko so no need ng gamitin ang word na mga magulang) and hindi rin naman mayaman tatay ko.

dahil sa mga naganap, hindi na ko bibili ng pantalon ngayon. my nakasakay kasi ako sa jeep na parang ang ganda ng pantalon, so parang it hit me na i want a new pants today. SALE pa naman sa MOA. pero hindi ko pa naikot. so dahil nga sa mga pangyayari, hindi na ko bibili sa mga kadahilanang:

una kailangan ko ng magtipid dahil sobrang gastos ko na at hindi naman ako anak mayaman. sariling pera ko ang ginagastos ko. dugo't pawis sa aking pang gabing trabaho. joke!. / :p

pangalawa, marami na akong damit (ayokong magsound na mayabang dito clear ko lang). Marami in a sense na pwede akong hindi magpalaba ng damit ko in more than one month. meron akong damit na nasa isang bagahe ko pa, meron pa sa isang malaking storage box, and lastly, meron pa kong darating na dalawang shipping box ng damit mula sa aking pagsstay sa amerika ngayong taon na ito.

at higit sa lahat, nagtitipid ako.. hahaha



so ngayon, tigil muna sana sa mga gastos.. bukas, bibili ako ng sofa and dining table. :D
iyon lang sa ngayon. sana matapos na itong mga gastos na ito. tsktsk

0 comments: