my lola..

today, March 27 is the same date that my grandmother died. i dont know whats with the number 27. parang ang daming pangyayaring tumatapat sa date na ito.
una, elementary graduation ko is 27. and umakyat ako with medals. ( dapat my ganun).
second, namatay nga ang lola ko last March 27 - 2 years ago. i am a fourth year college student then.
third, 27 din namantay ung mother ko, May naman. 1989.

this entry will be for my grandmother muna.

cya ung nakamulatan ko na nanjan para samin. ung everytime we go to the school everyday (nilalakad lang cya) hahanapin muna namin cya sa bakuran at magpapaalam na papasok na. nagaganap ang ganung pangyayari hanggang high school ako. well, elementary public school ako. dahil isang kanto lang ang layo ng school sa bahay namin. hehehe.. high school naman - public pa rin. sinundan ko ung pinsan ko kasi natakot ako dun sa mga estudyante dun sa private school and thank god di ko dala ung card ko nun kaya di ako nakapag enroll..

name ng lola ko - maria. she was born on the year 1920. i can say na sa ming 2 magkapatid na inalagaan nya, mas close ako sa kanya. plus the fact na im not close to my father - ilang taon ko na ring hindi nakikita and wala pa akogn balak magpakita. ung lola ko ung katabi ko sa pagtulog simula bata pa ko. cya ung "kumakamot" ng likod ko nung bata ako pag magkatabi kami sa higaan at nakakatulog ako dahil dun. at sa kanya ko rin nalaman na dapat hindi kapantay ng unan ko ang unan nya - the reason? kasi mas matanda cya sa kin.

cya ung maagang gumisgising sa bahay. dahil bahay nya nga kung san kami nakatira. hindi lang kami ang inaalagaan ng lola ko. ung mga nauna ko pang pinsan pero dahil bunso nga ang tatay ko kami ng ung huling batch ng apo na inalagaan nya. i can say na sometimes masungit ang lola ko. sabi rin ng iba. ayaw na ayaw nyang nakakakita ng babaeng nagbibike for some obvious reason. mahal ko ung lola ko. kasi dahil sa kanya kaya ako nandito.

pag nagbigay yan ng pera sa min dati once dumating ung pension nya, bibigyan nya ko ng doble sa binibigay sa kapatid ko. at wag ko daw sabihin na ganun ung binigay nya sa kin. eh di cyempre tuwang tuwa naman ako, kunbg binigyan ung kapatid ko ng isang daan, two hundred naman ung for me.

meron pang one time, hindi ako binigyan ng tatay ko ng pambili ng sword ko na gagamitin ko sa CAT. ( hindi ko alam bkit pag ako humihingi ng pera lagi cyang walang pera - kahit kasusweldo lang nya - hay ewan ko sa kanya!) - so i told my lola about it, eh kaka-ani lang nun sa bukid and my mga palay sa bahay ng lola ko (dun din pala nakatira yung father ko and ung second family nya) - so sabi nya sa kin pumunta daw ako sa tita ko ng tanghali at ipapabenta daw nya ung isang kaban ng palay para my pambili ako ng sword. so nung hapon na un pag uwi ko pinuntahan ko ung tita ko, kinuha ko ung pera and punta agad ako ng olongapo. naghanap ako ng sword at nilagyan ko pa ng ilang pirasong tussel. hindi un alam ng tatay ko. wag ko daw sabihin and hindi rin pinsabi sa tita ko. from that experience alam ko na mahal ako ng lola ko. kahit minsan nag aaway kami at minumura nya ko. -lol- tapos sasabihin pa nun na wag daw akong tumabi sa kanya sa pagtulog - eh wala ka, hindi pa cya humihiga nandun na ko sa kwarto! hahaha. so tabi pa rin kami.

hanggang sa naging ulyanin na ung lola ko. kasi cyempre matanda na cya. umalis ako ng province and went here sa manila 2001. nagcollege na ko nun sa olongapo. so everytime na umuuwi tita ko sa province sumasama ako para makita ko lola ko. ang kulit pa nga eh, lahat daw ng bata pangalan edward! hahaha.. everytime na my tatawagin cyang bata - sasabihin nun "ayan si edward oh! ung apo ko!".. (tutulo na luha ko waaa..) parang lahat ng bata edward ung pangalan sa lugar na un and alam ng mga tita ko un.

one night nanaginip ako, magkayakap daw kami ng lola ko and umiiyak ako and she was also crying. ayoko raw cyang bitawan, prang nagpapaalam cya. pero binitawan ko din cya and iyak ako ng iyak. the following day, nagising ako ng umiiyak and my luha sa mga mata ko. the same night while doing thesis docu, my cousin called the house here in manila and ako pa nakasagot, and told me na wala na raw si "inang" ( thats what they called her). so ako parang natulala. bkit naman ganun di ba? bakit ako pa ung kailangan at unang maka alam? so i tell my housemates what is about that call and sila na kumausap. and they told us na ang peaceful daw namatay ng lola ko. nagpa alam lang cyang magpapahinga na, and they thought na matutulog lang kasi gabi na rin naman, but hindi na raw nagising.

at least, kahit hindi ko nakita sa huling sandali ung lola ko ng buhay at my malay pa, alam namin sa isat isa na nakapag paalam kami ng maayos. utang ko sa kanya kung ano at nasaan man ako ngaun,. kung my isang taong pag aalayan ko ng lahat ng ito, sa kanya ko iyon iaalay. cya ung taong tumayong magulang ko. ama at ina. lumaki ako sa piling nya. mas pipiliin ko pa cya kaysa sa tatay ko. totoo un, sabihin na nilang masama akong anak pero mas pipiliin ko talaga ung lola ko over my father even mismo sa harapan nya.

ang dami kong memories sa lola ko. ung biruan namin nung ulyanin na cya. na ang kulit kulit pakainin. hehee.. tawa lang ng tawa and nakangiti. pero hindi ako napipikon.

how i miss my lola. she is the only reason why i keep coming back sa province dati. cya ung main reason. but now na wala na cya, its been years the last time na nagpunta ako dun.

kung nasan ka man "la", miss na po kita. and sana maayos ka po sa kinalalagyan mo. sana bantayan mo pa rin ako kahit wala ka na dito. un lang po. thanks po sa lahat ng ginwa mo para sakin. sobrang thankful ako na nandun ka lagi sa tabi ko. ung panyong gamit ko nung elementary ikaw pa ung nagtahi nun. thanks thanks talaga. sana mayakap kita sa oras na ito.

Miss na po kita "la".

1 comments:

Kyels said...

I do understand your feelings.

I miss my grandpa too ... ):