ang pag uusap...

tinext ko rin si "k" last night. actually sa office pa lang magkatext na kami. so una, inaya ko kumain. then nung nakapaligo na ko, nakahiga na sa higaan, tinext ko ulit cya. actually, the purpose of that text is to make kulit lang to her. but then it went on some serious talk. naungkat na naman yung gusto ko cyang makita. ayaw nya talaga. sinabi ko rin sa kanya na kung hindi naman ako seryoso sa kanya, matagal ko na cyang tinigilan. but then, sa May, it is one year already that i know a person that makes me happy. i admit it. iba yung feeling. and then, as our texting went on, she told me to find another that will love me back. but then, i cant. di ba? hope you understand my situation and what i feel. ang tagal kong iningatan yung damdamin na meron ako sa kanya. it come from the bottom of my heart. seryoso ako dun. but then, nung nareceived ko yung isang text nya, hindi ko na alam alin dun, parang shes telling me na to stop. and i told her to meet me and tell it directly to my face and i will accept your decision. hindi raw niya kaya. alam mo yung feeling na ganun? ang bigat! sobra! madilim yung kwarto, nakahiga ka tapos ganun yung situation. parang gusto kong iiyak yun at that moment. ung iyak na coming from the bottom of my heart. ung sobrang lalim ung panggagalingan. 4 na unan nakapaligid sa kin at pede ko mamili ng kahit alin dun para iyakan, pero pinigil ko. pero masakit. then, i asked her if we can talk. and for the first time she accepted my offer to talk to her.

but later daw, for some reason. so ako, lumabas ako ng bahay, (imagine matutulog na lang ako, lumabas ako ng bahay) at nagpunta sa my atm machine and nagload ng phone ko (pero my load naman ako, more than hundred pa). sabi ko kasi kahit magubos ako ng maraming load ok lang. ( cguro nagtataka yung mga guard sa gate bkit ganun yung hitsura ko, hehehe).

nung pabalik na ko and nasa bahay na, i texted her and asked buti pumayag cya na makipag usap sa kin (that will be the first time na mag uusap kami). and then she answered "naaawa na kasi ako sa iyo eh". and that word hit me. iba yung impact sa kin nun, i dont know if my pride was hit by those words. but im sure it made an impact to myself. a big impact. so para akong natulala.

so ginawa ko, naglinis muna ako ng paa, then went straight to the room and nahiga. ano anong idea at isipin ang pumapasok sa king isipan. hindi ko na mawari. tinulog ko yung bigat ng loob na yun. almost one hour din yung tinulog ko, then after na magising ako, ayun na naman. yung pinag usapan na naman namin yung pumapasok sa kukote ko. at hirap na kong makatulog. nagtext oa cya sa kin pero hindi ko na nakuhang magreply, ang tagal ko ding nakatunganga dun at nag iisip ng kung ano ano.

ano nga ba ginagawa ko sa sarili ko? mahigit isang oras akong nakatunganga at hindi ko na namalayang nakatulog na din ako sa wakas. at hindi naging maganda ang aking pagtulog. sobrang babaw.

nakita ko msg nya sakin kaninang madaling araw. tinawagan nya ko ng 3:30 am. nakatulog na ko ng mga oras na iyon.

sa ngayon, cguro tama nga cya. na tumigil na ko. at sana maka move on ako kaagad at makawala sa anumang pinasukan ko.

you entered my system "k". karamihan sa mga text msg mo, nakasave sa phone ko. from the first text that you sent to me, my copy pa ko, and alam mo rin kung gano ako kadepressed when i accidentally deleted our conversation folder in my pc at the office. you know that that messages are important to me.

Ngayon, ganun pa rin yung buhay ko. magpapatuloy. life must go on, di ba? and i just hope that i can get over with the feelings that i have for you. and i know that you read this blog..

magpagaling ka na lang po and wag masyado magpuyat.

Tanong ko lang: Masama ba magmahal? Sobra ba kung magmahal ako?

David Edward signing off.. iiyak muna.. :p

0 comments: