Phuket 2009 - First Day

first official day ng Phuket Tour.. so where ang first stop? island hopping.. geared with all the swimming stuff we headed to Marina Bay. nandito iyong boat na gagamitin sa pag island hopping. from Patong Beach to Marina, it took mga 30 minutes drive cguro before we reached ung Marina Bay. pagbaba pa lang ng van, sumalubong na agad sina kuya. akala ko nga bisita din sila pero un pala cya ung tour guide. nagpalit ng sched because of the weather kasi medyo maulan and the plan to go to phi phi island didnt push through. instead island hopping na lang. ung itenerary ng 2nd day naging first day. all in all, 11 kami sa boat. 7 pinoys, 2 taga UK, 2 indian from singapore. ang dami naming napuntahan na island.
my mga napuntahan din kami na mga cave sa ibat ibang island. napuntahan din namin ung sinasabi nilang James Bond na island. the name was derived from the James Bond movie, kasi they shot daw some parts of the movie on that island.
maraming island na napuntahan and na enjoy ko ung canoe. :D
i said kay kuya if i can try na ako mag-paddle and he agreed. from start to finish ako ung nagpaddle. nagpunta pa kami sa parang cave na nasa gitna ng mga bundok na bato. then nagswim din kami sa isang island before going home.
umuwi kami from that island hopping ng around 4 pm. kahit maulan, maaraw, maulan at umaraw ulit, SOLVED ung trip na un. sobrang saya. ang baet pa nina manang and nung crew. mga british ata sila. hehhee..
so were gonna see them again in Monda para sa Phi phi island naman and we hope na sana maaraw na that time.. ehehe
so pano un na muna.. ^_^

stress free


ang sarap magtrabaho kapag stress free ka no? iyong tipong, okay ito iyong mga work ko. then ayun un ung gagawin ko within the day. tipong walang mang aasaar sa iyo. and speaking of, hindi kami stress this week (thanks God!!!) kasi eto pa, hindi namin kasi nakikita si senior boss amo.. ewan ko lang ah, napapansin na din kasi namin, iyong tipong ang lakas nya magbigay ng stress.. iyong tipong kakausapin ka lang nya stress to the maximum level na.. hayness..

at buti na lang thursday na!! why oh why??? last day of the week ko na po!! hehehe.. kasi naka day off ako ng friday.. parang boy lang eh no, day off... lolz.. where im heading? san pa san pa??? tanungin mo dali.. ahahaha..

cyempre mag uunwind ang modelo.. pero saan nga???? cge na nga sasabihin ko na.. magbebeach ako.. ayan sinabi ko na.. :) so pano? sana maaraw sa beach na pupuntahan ko.. hehehe..


Phuket here i come!!! ^_^

missing the housemates

usually hindi naman ako ung tipong nakakaramdam ng homesickness. especially pag napadpad ako sa malayong lugar and for months ako nag stay dun. like for example, i went to US twice and i stayed there for 3 months or so. pero wala akong homesickness na naramdaman, maybe because i know that i will go back to manila in due time.

this time, while working here in malaysia, more than once na ko nahomesick. kanino? hindi sa family ko. hindi sa relatives ko. but dun sa mga kaibigan ko. sa mga housemates ko. for the past two years sila ung kasama ko sa house. sila ung family ko na. papasok ng sabay, uuwi, gagala, lalabas. mag aaya ng movie, dinner, whatever, nanjan lang.

i miss them. i miss the apartment. i miss the kulitan. i know that i cant bring it back anymore. all i can do is to treasure those memories that i had with them. times when we are staying at one unit and sharing each others life. nakakatuwa lang isipin na dahil sa first US trip ko, nagulo ung relasyon ko sa pamilya ko but then i found these real friends of mine. new set of friends ika nga. pag tinignan mo iyong mga pictures, ung mga gala, nakakatuwa and nakakaiyak. sana meron pang susunod na mga gala. and i hope na kahit di na tau housemates and officemates, we can still communicate pag my bagong happening sa bawat isa. hehehe..

isa lang ibig sabihin ng entry na ito. homesick ako sa mga housemates ko..

Josh, Jo, Ja, Ms. Goldie, Albert and Vic, thanks for the memories..

david.edward senti mode.. signing off.. ^_^

Jogoya

dahil feeling deprived and need ng stress buster sa work, i decided na kumain kami sa eat all you can na resto na ito. umalis kami ng house ng around 6 pm and nandun na kami sa bukit bintang ng mga 7 pm.

so far so good. we had a good food last night. a good laugh.. a good company. at dahil sa lakas nating tumawa, ung mga tao sa paligid napapalingon. ahhaha.. at sinisipat ano ba ung mga kinain natin.. hehehe.. mga inggitero.. lolz.. joke lang..

check out Jogoya's site.

ang price? nasa 100 RM per head for two hours. so mga 1300++ per person in Philippine peso. ^_^

stress to the maximum level

kainis!! my office day started at sunday again.. kasi naman my prod physical server move sa US. so need kong isupport ung application ko, to make sure to shut it down properly and to bring it back online. actually, dapat stand by lang naman ako, meaning nakatengga lang sa office, in any case that they might need my help, they can call me. eh potek! nasa bus pa lang ako, tinatawagan na ko. where are you? are you in the office? do you have the access to this box? can you shut it down.

ang sagot ng modelo? please give me 5-10 minutes to walk going to the office. i do have the access and i will shut it down once i reach my desk. so ginawa ko? hindi pa ko naglalakad talaga at nasa bus pa nga ako.. ahaha.. so ginawa ko? paghinto ng bus tumbling ng 100 times.. OA ... ahahha.. tumakbo ko papunta ng office.. at pagbabang pagbaba ng laptop ko at pag open, di ko pa makita ung email na instructions para sa pagshutdown. eh well, basta i did what i know. lolz.. shinutdown ko ung apps pero kusang nag-u-up. aahahah.. so ang ginawa ng modelo? force shut down!!! lolz... hahha.. so iyon nga.. nagulat kasi ako na ako pala ung gagawa ng mga bagay na iyon though sa plan na sinend nila is wala naman ung name ko sa mga my gagawin.. okay, cge na.. ako na.. so ginawa ko na.. nasa call ako.. wait na malipat ung server sa kabilang building within two hours.. so i stayed in the office ng mga 6 to 7 hours.. then hindi na ko nakatulog ng matino ng monday.. goodluck naman... so gising ako ng mga 2 pm pa lang ng monday and ang pasok ko is 11:30 pm pa.. hindi na talga ako nakatulog.. naka naman!

so pumasok ng Monday. my issue. hindi ko alam gawin.. investigate to the max effort! boom! my error sa database connection.... pano gawin un? tawag ng DB admin.. adivise.. gawin ung inadvise.. boom! ibang error na naman.. pano na ito? hindi ko na alam!!! tanong sa senior wala din daw alam.. so what now? effort na naman.. tanong sa taga US... bakit naka down ung ganito.. hinalughog ko ung buong admin page ng site, at my nakita ako na un ung cause ng error.. so sabi ko, this is it.. pag inopen ko ito at boom! tama nga! p*tang*na.. nakakainis.. alam mo ung feeling na alam mo ung error pero di mo alam pano isosolve? un un eh.. ang bigat.. feel so bobo.. badtrip!

tapos nagpameeting pa ung mga taga palasyo,. ang oras? 10:00 - 11:30? naka naman! panggabi po kami.. hello.. wala pang tulog? dapat my 8:30 am umuuwi na kami though dahil my issue na naman, late na kmi nakauwi.. anong oras? 3 PM... so taxi na pauwi.. bayad ng mga 500 pesos.. pag uwi.. sa sobrang pagod nakatulog ako ng 8 hrs!!! nagising ako ng 12:30 am!! LATE... LATE!!

ang sagot ko.. i know.. so pasok na sa office at taxi na ulit.. work work work.. the following day my issue na naman.. naka naman oh! hay nku.. kahapon umuwi kami ng 2 pm pero my binantayan ako.. kasi my minigrate akong client.. so bantay sa message kung successful ung migration.. hayness.. ang tulog ko? 2 oras na sobrang babaw.. ny*ta.. hindi naman sa nagpapakamatay ako pero kailangan kasi..

wala naman akong reklamo sa trabaho ko, pero ung tipong appreciation lang ng sobra na kmi sa oras, thank you man lang.. mga ganun sana.. ewan ko.. minsan kasi parang tap your own shoulder na lang.. pero gaya nga ng sabi ko, sa lahat ng obstacles na dinadaanan ko ngaun, i will gain from it.. mas natututo ako at mas nahahasa ang pagiging modelo ko. ay mali pala.. ang pagiging support ko..

buti pa ang mga kamahalan sa estados unidos, ung mga nasa palasyo, nagpasalamat sa ginawa naming migration. special mentioned ang mga names.. kakatuwa kasi.. ung tipong kahit pagod ka na, pero alam mong na appreciate ka at nagpasalamat - nakakagaan pa din ng feeling di ba? so un..

kanina sa training feeling my sakit na ko.. hindi ko na kaya talga ung antok.. pumipikit na ko.. what to do.. stress to the maximum level at wala pang matinong tulog this week.. sigh..

at nung isang gabi, nag defense ako kay sr boss amo.. dahil daw ung sa issue ng db ko at kung ano ano pa.. bakit daw di ko nasolve ng apat na oras..blah blah.. i feel na ako ung may kasalanan.. pero ano nga gagawin ko, i did what i think is alam ko na.. ni wala ngang tumulong di ba? alam ko naka up naman ung mga application ko..

panget lang cguro ung choice of words and the delivery. kasi laging nasa isip BONUS.. kainis.. milyones ba ang bonus? aba'y kung oo.. cge pag iigihan ko lalo para ung BONUS natin milyonaryo na ko kaagad.. ^_^

kala ko "nap" lang "tulog" na pala..

it happened yesterday.. the schedule that i had kasi is after office uwi muna sa house then punta ng mall to watch nga ng GI Joe. since night shift, umalis kami ng office ng around 9 am then pumunta kmi ng mall ng mga 11:30 pm cause the showing time is 12 noon. after movie late lunch na sa Chilis. so konting ikot lang sa mall. then my event pala ung isang application an hawak ko, so need ng umuwi, mga 5 pm na un. so from Friday night ng 10 pm up to that time wala pa kong tulog.
so uwi sa house, bukas ng office laptop, connect sa VPN. naayos naman cya in less than 5 minutes.. aahaha..
so un, tapos pumunta kami sa malapit na mall dito kasi kukunin ko dapat ung contacts kong inorder. well wala pa rin daw. so nabadtrip na ko dun, kaya nagswimming na lang kami sa pool. natapos ata kami ng mga 9 pm na. so dinner tapos pahinga ng unti..
eto na, sabi ko magfoformat na ko ng laptop ko.. para naman marelax ako from all the stress that i have from work. so i went inside of my room and made the back up for my files, since Vista OS ung laptop, you know naman how kupad ung pagcocopy sa Vista right? so nakasulat sa screen mga 4 hrs, so i decided to take a nap muna... so the light in the room is still open same with the aircon. ung pag idlip ko na un ng around 11 pm i think is nagdire diretso na till ngaung morning.
nagising ako ng 8:30 am.. so mga 9 hrs na kong tulog nun.. i think binawi na ng katawan ko ung pagod at puyat ko. tapos nag CR lang ako sandali and i went back to my room, sabi ko nahihilo pa ko sa antok and i think i really need to take a rest. so i switched off the light and natulog ulit ako..
nagising na ko ng mga 11:30 ulit. parang nap lang pero super tulog na pala ung ginawa ko. hehehe

the birthday week

that week was my birthday.. and that week also is my duty for being the on-call person.. cyempre patayan na naman.. wala na naman akong matinong tulog.. my mga issue'ng dumarating na hindi ko alam.. hahaha.. okay, first thing kasi hindi naman ako full-pledge na umattend ng training para dun. kumbaga, sariling sikap lang ang mga alam ko.. hehhehe.. pero iyon nga, ung mga issue na dumarating kasi sa akin - sabi nga nila - bonggang bongga.. iniisip ko na lang mas matututo ako sa mga pinagdaraanan ko ngaun para sa aking kinabukasan..
okay, medyo marami ang issue that week. ewan ko ba.. pag ako ung on-call talagang blockbuster. my pinakialamanan ako sa prod server na naka apekto ata sa ibang cliente. then nag meeting kami at kinausap ung buong team ni senior boss amo regarding sa nagawa ko. actually, nagsample pa cya na pag my gagalawin daw na ganito ganyan sa prod eto ang mga dapat na meron at forms. actually, i feel bad na nga eh.. that time kasi parang wala naman cyang tulong na naextend. he is not the type of boss you will look up to. first thing, he doesnt care so much about his people. his magic word? BONUS. if we did not do our best sa work daw, walang bonus.
more effort and more effort pa daw. eh halos hindi na nga kami natutulog pag on-call. well, un nga.. that time ang sarap ng sumagot na sabihin na lang nya na example ung nangyari sa kin that time, kasi iyon din naman ung tinutumbok nya 100 percent. after that meeting, pinaiwan nya kami together with the other people who help me. so explain to the maximum levelness. nag explain talga ako kahit hindi na maganda ang nakikitang hitsura ko. naiinis na kasi ako eh.. so iyon.
maraming naganap nung week na iyon. low self esteem. lahat lahat na.. wala kang nakikitang appreciation sa ginagawa mo pero feeling mo sobrang exhausted ka na, hindi lang physically and mentally pero emotionally. one good thing is mga pinoy kasama ko at mga friendly friends.. nababawasan ang bigat ng nararamdaman sa mga binibigay na hassle ni lolo.. ahhaha