D.E. for HIRE?

bkit my ganung title? bakit for hiRe? callboy ba ko? hindi naman ah. lolz!!! pero cyempre my kwento sa likod ng title na yan.. it happened last thursday..

i woke up past 9 am, wag ng kumontra - programmer at flexi ang oras sa work, so nagprepare na ko for my work. naka aalis ako ng house magte-10 am na.. mabilis pa rin akong kumilos kahit papano.. ahahaha.. since magteten na and marami akong gagawin sa office - BUSY and MAP DEV ngaun - sabi ko magcacab na lang ako. so punta ako sa kanto kung san daanan ng mga cab.

so eto na:
pagdating ko sa kanto, sakto my cab pero nilampasan ako. eh sa intersection before ng kantong kinatatayuan ko, traffic pa and ipit pa ung mga sasakyan.. take note at this time i have a earphone on my both ears, so medyo mahina at my sariling mundo ako. tapos biglang my mabagal na REVO na parating. next is huminto cya sa tapat ko.. akala ko naman magtatanong ng direction kasi baka nga naman nawawala. so binaba nya ng konti ung window sa my passenger seat and he was murmuring something, so i remove my earphone and said yes?.. lumapit na rin ako ng konti but not sa mismong tapat ng car nya para lang marinig ko ng maiigi ung sinasabi nya. so eto na sumagot na si manong, and he said "do you need a ride? ng padiretso?" so cyempre ako nagulat talaga di ba. so i quickly replied na "ay no, hindi po".. so umalis na cya and ang bagal pa din ng takbo nya..

and good thing nag go na ung mga car dun sa intersection and nakapara agad ako ng cab within one minute.

kamusta naman di ba? ano bang mali sa suot ko? naka slacks, naka leather shoes, naka long sleeves, mukha ba kong callboy na pinipick up lang? well, un lang naman naiisip ko at bakit ako hinintuan ni manong, unless mabuti talaga cyang tao at nag offer lang ng free ride. pero nah, hindi po ako sumasama ng basta basta.. my pambayad naman po ako ng cab that time. ^_^

nakakatawa kasi first time kong magawan ng ganun. i said nga dati pag mejo late na umuuwi and someone asks me kung pano ko uuwi, i replied na tatayo na lang ako sa kanto and maghihintay ng car na magbababa ng window and papahatid na lang ako.. lolz. but i never imagined that it will happened talaga..

so iyon.,. lastly - mali lang ng timing si manong.. kasi umaga un! ahahaha.. programmer po ako sa umaga.. baka sa gabi pa natapat un, puede.. lolz.. if the price is right.. half a million.. bwahahhaa

Lavandera

my nagcomment sa blog ko na anonymous at nag-iwan ng pangalan na -Lavandera Mo-. the comment has been made on my post about missing clothes times two.

here's the complete comment posted on my blog:

I don't think it's fair enough to judge a small business that they're getting clothes(expensive clothes)from customers. I've been in the laundry business for more than 3 years now and sometimes there are really cases that clients will look for their clothes even if they were delivered few weeks ago.
We do have a checklist and we list all the clothes that we received from a certain customer before we wash them, that is to be sure that we won't miss anything.

-Lavandera Mo-
just to make it clear, i never directly mentioned in my post na the laundry shop itself is the culprit of taking my clothes. ang sabi ko po dun, nawawalan na naman ako ng damit. and i dont know why it happened. as you've said nga po, yes there is a list and i am aware of that. i actually see that list. and when i made a report to the branch, the lady asked me if the piece that is missing is in the list. i said yes. nakita ko cya na nandun sa list. but dun sa mga damit, wala talaga. that is why i made a report and told them about what happened. i also described the cardigan, how it looks like, the color and the brand itself. ang sabi nung una, take note that they told me this, naalala daw nung girl na my inalis na damit sa plastic ng mga damit ko kasi "medyo basa" pa daw - which is ung cardigan nga dahil medyo makapal ung damit na un. tapos nung bumalik na ko sa branch para itanong kung nasan na ung damit (the time that they told me na inalis daw sa plastic ung damit is wala daw dun ung taong nag alis, tatanungin pa daw), sabi daw nung tao is binalik na daw sa plastic ko ung damit na iyon. but wala nga talaga.

unang una, hindi po ako mageeffort magpunta sa branch na iyon at maglakad para lang magreklamo ng hindi naman totoo. and secondly, im not that type of person po. i will gain nothing if i do that. and hindi ko ugaling magsuot ng damit ng ibang tao. its never been a practice of me. iyong mga damit ko is pinapa-pick up ko sa kanila, so there is really no reason para pumunta ako sa branch na iyon ng wala talagang importanteng gagawin.

the lady got my cell number, sabi nya bibigyan daw nya ko ng update sa nangyari sa damit ko. so i waited and waited. ayoko ng tumawag kasi i will get nothing naman sa pakikipag usap sa kanya at mapipikon lang ako. wala rin namang resulta lagi - based sa mga dumaan na araw.

first week of december 2009 when it happened. march 2009 na. my nakuha ba kong text or tawag from Lavadera Mo kahit isa? WALA po. sabi ko nga sa girl, kahit ung Cardigan na lang ung ibalik, wag na ung boxer shorts. kahit hidni na makita iyon, pero wala na talaga akong nakuhang response from them. and i know si ate na nagpipick up ng damit ko, hindi na ganon ka-accomodating and based sa facial expression nya parang napipikon cya at naiinis. ako din naiinis but im trying to control it. bilang pag respeto sa nakatatanda sa akin. i never shouted kahit sino sa staff. maayos akong nakipag usap. iyon nga lang, wala talaga akong nakuhang response mula sa kanila. at hindi na bumalik iyong damit na hinahanap ko.

puedeng napasama sa ibang customer ung damit ko. there is a possibility. hindi ko alam. and for now, ayun po ung sagot ko sa comment na nasa itaas.

cafe

sobrang busy sa work kaya pumasok ako ng sabado para gawin ung mga naiwan kong gawain last week, pero sad to say hindi ko pa rin nagawa dahil hindi ko alam anong mali sa mga files na pinaprocess ko dahil as far as i know they are valid inputs, and i should be expecting an output on that folder. pero after dropping nga the test files, ni wala na kong nakitang bakas ng anino nila sa alinmang folder sa buong system at hindi ko rin cya makita kung nastuck lang ba cya somewhere so that i can do adjustments if ever, pero wala talaga. so no choice ako kundi mag wait till next week and i will send an email to our counterparts and ask what seems to be the problem on my testing.

tapos ung isa namang SA, grabe! as in sobra na cya. i know naman na we need to process all the test files that you have but it doesnt mean that i need to edit that and put some valid values to make that input file work. sobra naman kasi. dinebug ko na ung input mo, nirun ako na. i already made some adjustments to the system to accomodate your ids, still it produced an invalid output and you want me to debug why it generated an invalid output? why dont you try compare your input to the mapping rules so that you will know what to expect and if ever find a need to do some modification to the map. hay naku. sobra na kasi. dapat work nya un, i wanted to help pero wag naman exploitation. lolz.. kung kelan resigned na ko saka naman nagaganap ang mga bagay bagay. tsktsk..

im done na rin with my medical, but i still need clearance from a derma kasi i have some problem with my skin. alam nyo naman na hiram sa science ang katawan at mukhang meron ako, so i need to go to the derma pa to get that clearance and make sure that i am fit to work abroad. ang hirap no? kasi my mga ganun ganun pa pala. ahahaha.. dapat perfect ang ating mga magigiting na OFW. hehehe

busy as ever

yep. busy as ever ako ngayon. pero still can blog, lolz....what really happened for the past few days na ba? eto po:

saturday - went to Makati Med for the findings ng sakit ko - which is kung meron man - but then the doctor told me what i had daw is viral infection lang. konting explain explain.. ganyan ganyan.. tapos i also told him about the condition of my tooth for root canal, he also checked that and he told me that the tooth looks okay. then after that, pina xray nya ako. he asked me when was the last time i had my chest xray and told him that it was last year pa. so he gave me a request and went down to the Radiology section of Makati Med. i waited din ng mga more than 10 minutes.

after ko sa MMC, i went naman sa Medical Plaza, the one in Amorsolo, yes, iyong malapit sa MMC. actually nilakad ko lang cya. then i went sa information and looked for a dentist na covered ng medicard. then when i went upstairs afternoon na raw ung next schedule, so i asked kung okay lang bang dun na lang ako magpapa-appointment for the afternoon sched, she said okay lang naman daw. so i went home, bought my lunch and kumain na rin ako sa house. after that, antok pa ko so naka idlip ako sa sofa ng mga 20 minutes or less. nung chineck ko ung watch ko magtwo-2 pm na almost. so nagpalit na ko ng damit kasi i felt na amoy pawis na ko dahil nga naglakad ako. then nagcab na rin ako going to the place kasi sobrang init.

so nung nasa clinic na ko, binigay ko ung card and vinerify nila sa Medicard what are the services that i can avail. so after nun pumasok na ko sa loob, at humiga sa dental chair. when i say higa, nakahiga talaga ung chair. lolz. so chineck ni mr dentist ung ngipin ko and nilinis na rin nya, tapos meron rin cyang pinasta na cguro mga 4 teeth iyon. medyo mahal nga lang iyong pasta kasi nasa 1200. pero wala naman akong pain na naramdaman even though walang anesthesia. ang nakakatawa lang, si doc sobrang close ng mukha nya sa mukha ko. natatawa talaga ko deep inside. eh kasi naman hello sobrang close. parang intimate moment. so nakatingin na lang ako sa my ilaw. after ko dun, nagbayad na ko ng more than 3k, hindi kasama dun ugn mga benefits na na-avail ko. so after ng nakakapagod na araw na iyon, i went home but dumaan muna ko ng grocery kasi nagugutom ako at bumili ako ng 3 pint na ice cream. hehehe.. ayan ung weekend..

sa work naman, busy.. maraming dapat gawin pa. kanina nga ang aga ko eh, 8 AM pa lang nasa office na ko kasi my call sa US people. hehehe.. tapos meron na rin kaming bagong team member, at ako ang naatasang magturo. sana bago ako umalis he can work and help na rin the team. actually, pinagmamap ko na cya. hahahaha.. and marunong naman na kasi. senior naman kasi cya and tagalog naman kasi ang turo ko so madali naman intindihin di ba. tapos next week ko ididiscuss sa kanya ung mga ginawa nyang map.

lastly, hindi pa ko nakakapagpamedical. waaa.. eh kasi naman.. basta busy ako.. at ayan, sige aaminin ko na..


------------ R E S I G N E D -----------------

na po ako.. nagfile na ko ng resignation ko.. and actually ayoko pang magbilang ng araw. hahahaha.. kasi cyempre ibig sabihin nun iiwan ko na itong team ko.. hay.. nakakalungkot.. mamimiss ko ung barahan natin.. lolz.. basta mamimiss ko sila. cyempre di ba.. as ive said ibang level na rin naman ung bonding namin. so iyong mga makakating dila, wala ng makukuhang tsismis kasi sinabi ko ng resigned na ko. and ung mga nasa US nageemail na. dahil sa inyo kaya ako magreresign! lolz... dahil sa mga taong katulad nyo.. bwahahahaha.. actually di lang naman dun un lahat.. gagawan ko ng ibang entry ito bakit nagreresign ang isang tao.

so ngayon, busy-busyhan muna pero busy talaga. hahahaha... so yan.. di na pala ko susweldo so need ko ng income kaya im selling my phone. sana my makabili na. lolz.

Still SICK

yeah, im still sick and i really dont know why but of course i have an idea where it is all coming from. i experience chills in the morning usually 3 am and 6 am. but then in the morning im back to normal and i take biogesic for this chills for the past days.

i already went to the doctor yesterday and i waited so long cause she's late - more than an hour. and then when i came back today for the results of my blood test and urine, the lady told me that the doctor is late again and that i will be accommodated in the afternoon. but i have some work to do so i headed towards the office to do my task. and i do have lot of things to do. sigh.

i had a blood extraction and urinalysis yesterday. i really do hope that i can go back to the dentist as soon as i can and have the root canal be performed. why is it so mahal kasi? grrrr!!

w960 phone for SALE

im selling my phone na.. 6 months used. leave a message if you are interested and you're price. i just need the money at this moment.

at mga kuya na nagtatanong pano ung number ko? im still gonna use it. kasi i have my p9 pa naman eh, and also i have a spare nokia phone - ung luma.. hehehe

my SAKIT

my sakit ako!! waaa... bumalik ung lagnat ko last month(?).. ayoko ng ganito.. waaa.. as in ayoko.. ngayon lang ako nagkakasakit ng ganito ah.. ibig sabihin my root cause talaga ito na hindi lang basta basta..

eh sa friday my importante pa naman akong gagawin na bagay, kaya di ako puedeng magkasakit.. huhu

Eheads Concert Live

ayan, ang daming tao sa baba ng building dahil nga sa concert ng Eheads later d2 sa MOA. bakit ko alam? nand2 ako sa office dahil my inayos at tinignan akong files. parang maintenance lang eh no? hehehe.. well ayun nga.. ang daming tao then cguro later makikinig na lang kmi d2 sa building since kita rin naman ung concert mismo eh. hehehe.

ayun.. ang aking suot for today? na hindi ko na masyadong magamit na mga damit dahil formal-formalan sa opisina ngaun..

thank you daw sa mga "sponsor" ko?hahaha

Banana Rep for my Shirt
Lee for my Pants
People R People for my Sandals
Adidas for my Jacket

pero bakit mukha pa rin akong mahirap? Joke lang! hahaha.. nagtitrip na naman ako.. hahaha.. makinis pala face ko ngaun dahil nagshave ako.. hehehe.. my gusto akong sabihin kaya lang bad.. hahahha


balita balita

well, meron pa kong natitirang ilang space dito sa aking blog para akoy makapagpost kahit papano before ang totally shutdown nito.. so gagamitin ko iyon sa mga balita sa ngayon...

9:30 PM - laptop time. nasa office pa ko.. huwat? korek! nasa office pa ko.. 12 hours na ko dito. kaya pa naman ng powers ko. kaya lang ang bagal kasi ng connection sa US, ang dami kong inupload na test files at ngaun naman im downloading all the outputs and then another files related dun sa mga drinopped kong files. i think 150 files iyon. so my pc now is kinda slow. ive already opened a lot of windows so that the downloads will be done simultaneously but im not sure if its affecting the download speed since they came from the same server. hehehe.. does it make sense? hahaha.. medyo windang na ko..

so iyon.. tapos kaninang morning naman, tinapos ko ung testing nung isang map. ang daming dapat irecode dun sa kinode ng US PPROGRAMMER. kamusta naman? palagay lagay ka pa ng incompetent and young counterparts sa RISK ah!.. well, im not saying anything bad pa naman, so im still a good boy! hahahaha... nahilo lang ako kasi ang dami nya talaga, imagine of checking an excel file with 2000 lines.. yep.. 2000 lines.. and hindi lang iyon, kasi minsan sa isang line there are two fields for the output, so parang double checking iyon. sumakit ang mata ko dun ah.. kaya im wearing my eyeglass now..

medyo busy sa work ngayon cause we have a deadline on friday. we need to finished all the task for that project. hindi naman cya PRESSURE! HINDI!!! at HINDIIIII!!!!!! hahaha..

and ano pa ba? ayun, nasabi na rin ng manager ko sa kataas taasan iyong plano kong magresign. sinabi na rin nila officially para hindi na manggaling kung kani-kaninong nilalang sa paligid. and they said na im looking at it for consideration and medyo looking forward to it. and nagbigay nga ng advise si kataas taasan na if ever nga daw mangingibang bayan ako, mag ingat daw ako.. well, thanks dun sa advise na iyon.

magreresign na ba ko? hindi ko pa alam. pinag iisipan ko pa kung kelan ako magpapasa. magpapasa nga ba talaga ako? hay.. nalungkot naman ako dun.. imagine, 7 na lang kami sa team, eh di ba ung closeness nun sobra na. as in everyday mula umaga till night kami magkakasama.. mula sa trip namin sa US at kung sang sang lupalop ng estados unidos kami napadpad at sino sino ang nakilala namin, till sa pagbalik namin dito sa pilipinas, iba na talga ung bond di ba.. my ganun daw?! hahaha.. cyempre for sure ill miss them. ^_^ hugz.. hehehe

ano pa ba? wala na.. nakakatamad na rin kasi ung issue ng mga epal.. hahaha.. i said the word daw dito sa blog ko.. hahaha..

so iyon na muna cguro for now.. dito pa rin ako sa office.. kagabi nga sa sakit ng ulo ko, 10 PM pa lang tulog na ko, and i woke up around 8 AM this morning.. sarap matulog.. hahaha

hala, nagugutom na pala ko, 5 pa ko nagmeryenda ng shawarma at siomai with palitaw and tinapay.. ang takaw ko noh? hahaha..

cge na.. un na lang muna ngayon.. iwan ka na lang ng comment mo.. hehehe

and lastly, if ever magreresign ako, sino puede magpautang sa aking mga dear readers? lolz..