An Open Letter to my Tatay

the ice is still there. the gap was never vanished. and the distance that we have is just the same. I'm dreaming of it some of the times, and even though that we talked about it and I am the one who initiated to talk with him and iron things out, it is still the same. I know it haunts me. That is part of my past. A part of my history. And i cannot pull back time to erase it. And the wounds that he created is still with me. Honestly speaking, I dont know how it will go away. Because the ice between the two of us is too wide to break apart so easily.

At the time we talked about our issues, I never said anything about my past. About my issue with him. I know he said "Sorry". what will I do? Shout at him? Talk to him in a loud manner and upbraid him for what he had done to me? Nope. I never said anything about our past.

So let me speak my heart out and I hope that by doing so it will lessen and will heal the wounds that i have part by part. And by the way, this will be the first time that I will do it, and obviously online.


Lumaki ako na walang ina. But hindi ko masyadong naramdaman iyon dahil nandyan naman si lola. Si lola ung naging bantay ko sa lahat. Sya ung laging nandyan para sa akin. Sya ung taong kahit magka away kami sa umaga or tanghali, magkatabi pa rin kaming matulog sa gabi. Si Lola na parating nandyan para sa akin. pero hindi ko naramdaman na meron akong ama. Ni hindi ko nga alam ano ang feeling ng niyayakap ng tatay. Aloof ako sa mga ganyang bagay pagdating sa pamilya, pero sa ibang tao kaya ko.

Lumaki ako ng my takot sa inyo. Takot na makagawa ng isang pagkakamali. Dahil nung maliit pa lang ako, lagi nyo na akong pinapagalitan. Grade 1 ako, si Auntie pa nagpasok sa akin sa school, pero hindi bilang ganap na grade 1 kundi saling-pusa lang. marunong na kong magsulat at the age of 5 dahil sa mga libro na nakikita ko sa bahay natuto akong magsulat sa murang edad. araw araw hindi ako puedeng maglaro kapag di ko pa tapos ang assignment ko. pag uwi ko sa bahay, assignment muna bago ang laro. pero hindi ako nagtatanong sa inyo. araw araw nyong chinecheck ang notebook ko, pati the way i write tinitignan mo pa rin. i remember nung one time, when you checked my notebook and nakita mo na magkakasunod ang numbers 1 to 5 ko, na which is item list, pinagalitan mo ako. sabi mo hindi dapat ganun ang tamang pagsulat nun. sabi mo dapat per line ung number dun. pinagalitan mo ko sa bagay na hindi ko alam kung ano ang tama at mali sa musmos na pag iisip. Natakot akong magkamali. Takot akong bumaba ang grades ko. Bawat exam ko chinecheck nyo. Ano naririnig ko kapag hindi ko naperfect ang exam? "Bakit my mali kang tatlo? Hindi mo pa ba alam ang sagot sa tatlo mong mali?" Ni hindi ako nakarinig ng appreciation sa nagagawa ko. Pero kapag si bebe dumating ang exam paper na halos bumagsak na, ano ang naririnig ko? "Ok lang yan, yan lang ang kaya ng utak nya". Naisip nyo man lang ba kahit minsan kung ano ang magiging epekto sa akin nun? One time, nainis na ko, sabi ko sa lola ko lalayas na ko ng bahay namin. Nilagay ko ung mga damit ko sa jollibee bag na maliit nung grade 1 ako, pero hindi ko alam kung san ako pupunta at tingin ko hindi naman ako sineseryoso ni lola ko sa banta kong paglayas, pero nung nalaman mo iyon, ano ang sabi mo? "Basta siguraduhin nya lang na pag umalis cya sa bahay na ito hindi na cya babalik". Narinig ko iyon. At tumanim sa isip ko iyon. Lumipas ang grade 1, nagawan ng paraan para maging officially enrolled ako that time kahit saling pusa lang sa simula, sayang naman daw dahil kung naka enroll ako second honor ako. Nagawan iyon ng paraan ni Auntie. My issue pa na ako daw dapat ang first honor pero dahil repeater daw ung 1st honor namin, naawa na lang daw. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon. Chineck ko ung mga test paper ko sa ilalim ng cabinet. Oo, sa ilalim ko ng cabinet tinatago ung mga quizzes kong hindi ko pinapakita sa inyo. At nakita ko nung time na iyon na meron akong isang malaking zero sa lahat ng quiz. Natakot ako para sa nag iisang zero na iyon. Anong ginawa ko sa lahat ng papel? Sinunog ko ng posporo. Para walang ebidensya ng pagiging bobo ko. One time, umakyat ka ng baguio at pag uwi mo my dala kang pasalubong sa amin nina bebe. Kuwintas at my ballpen ako. Nagtae ung ballpen na bigay mo, sa takot kong mapagalitan mo ako sa kasalanang di ko naman gawa, binaon ko ang ballpen sa ilalim ng puno ng buko. Takot ako dahil chinecheck mo iyong gamit ko araw araw pag uwi ako. Grade 2 ako, nakakapaglaro na ako after class. Bakit? Dahil walang assignment. Ano ginawa mo? Pumunta ka sa school, kinausap mo si Mrs Iguico. Sabi mo bakit iyong anak ko naglalaro lang? Bakit wala cyang assignment na ginagawa? Ano nangyari? The following day, back to old routine ako. Parang feeling ko, dahil sa akin nadamay ang buong klase. Ano nga naman ang nagagawa ng PTA President. Grade 3 vacation, 2 months kaming nasa Batangas nung hinatid mo, pag uwi namin bigla mong sabi na mag aasawa ka na. Dinala mo pa nga sa bahay at pinaglaba ng damit. Hiningan ko ng piso, tinarayan nya ako. At that very moment, the way she spoke to me, alam kong meron ng hindi tama. Pero pinilit kong wag isipin iyon, and i tried my very best to be close to you and to your new wife. My nangyari ba? Wala. Parang si bebe lang ang anak nyo. Pag my kailangan ako, hindi nyo binibigay. Ano sabi nyo? Matuto kang maghanap ng mga kailangan mo, wag kang umasa lang ng umasa. Minsan sumama ako kay Kuya Renan maglibot sa tabing ilog, sa kabilang kalye lang natin iyon, pag uwi ko pinagalitan nyo ko. Hindi ko alam bakit? Sinipa nyo pa ung mga binti ko dahil sabi nyo gala ako. Grade 6 came and ito na iyong graduation, sino nag ayos ng damit na isusuot ko? Si Tita Bebe, cya ang bumili ng damit at sapatos ko. Ilang medalya ang sinabit nyo sa akin sa gabi na iyon. Pero my narinig ba kong papuri? Wala. Siguro sanay na kayong umakyat ng stage mula Grade 1 at hanggang sa huling gabi ko sa elementarya. At un na din ang last term nyo bilang PTA president. Nung umalis ako ng elementary, hindi na kayo ang naging Pres ng PTA. Sumapit ang high school. Pinili kong sa public school pumasok kesa sa private.

Sa mga panahon na iyon, alam ko ng malayo tayo sa isa't isa. Natututo na kong tumayo sa sarili kong mga paa. Third year, sumali ako sa CAT/ROTC at kailangan ko ng riffle. Ano sabi nyo sa kin? Maghanap ako ng paraan para magkaroon. Ni hindi nyo ako tinulungan. Sino tumulong sa akin? Si lola. Pinuntahan nya ung kapatid nya at pinagawan ako ng riffle. Iyong damit ko sa CAT, nung sinabi kong kailangan ko iyon, ano sabi nyo? gumawa pa rin ako ng paraan, maghanap ng mahihiramanan. Nalibot ko na ung mga kamag anak natin hanggang sa nakahanap ako ng mahihiraman. Iyong combat shoes? Wala rin kayong pakialam. Lahat ng ginamit ko, ako ang naghanap. At nung natapos ako ng fourth year, binenta ko lahat ng gamit ko. Hinanap nyo sa akin kasi gagamitin daw ni bebe, sabi ko gamit ko naman iyon di ba? Kaya binenta ko. Maghanap din cya ng gagamitin nya.Pati ung sword ko na kailangang kailangan ko. Sabi ko sa inyo na need ko iyon, anong sabi nyo? Maghanap ka ng paraan. Sinabi ko kay lola iyon. Anong ginawa nya. Pinuntahan nya si Auntie, sabi nya ibenta ung isang kabang palay at pag uwi ko ng hapon kunin ung pera and then pumunta ng Olongapo at bilhin ang dapat kong bilhin. Ang bilin nila sa akin? Wag ko daw sabihin na nagbenta ng isang kabang palay mula sa bahay. Hindi ko alam kung nalaman nyo iyon.

Pag hihingi ako sa inyo ng pera, lagi nyong sinasabi wala kayong pera. Kahit na alam naman natin na kakasweldo mo pa lang kahapon. pero kapag si bebe nanghingi ng pera at the same day na nanghingi ako ng pera, my nabibigay kayo. Alam nyo bang alam ko itong mga bagay na ito? Naging ordinaryong estudyante na lang ako nung high school. Wala ng medalya kada taon pero proud akong nasa section 1 ako at ang average ko ay hindi bumababa ng 85. I graduated high school na my gap na tayo sa isat isa. Siguro one of the reasons why si bebe ang paborito nyong anak dahil kamukha nyo daw. Maging sa paglalakad parehas pa daw kayo. At dahil na rin cya nauutusan nyo kung saan san, pati sa bukid, samantalang ako gusto ko lang sa baryo at ayaw kong pumunta ng bukid at magbilad sa araw.

Nag enroll ako ng college. Naka scholarship pa din ako mula sa World Vision dahil dun ka nagwowork. Dahil sa average ko, puede akong mag enroll ng 4 year course, and i decided to take up CompSci. Nag enroll ako sa Columban, binabagsak ko na iyong exam para payagan nyo akong sa maynila mag aral. nung nakuha ko ung result ng exam pasado ako at pinapalipat pa ko ng engineering dahil puede daw ako dun. mas mataas ang passing rate ng eng'g kesa sa compsci. sabi ko ayoko. nawala ko ung picture sa mga requirements ko, at pag uwi ko sinabi kong need ko ulit magpapicture, ano ginawa nyo? pinagalitan nyo ako. bakit hindi ako marunong mag ingat. napaka burara ko. nag aral ako sa columban. ganun pa din ang sitwasyon natin. pag nanghingi ako ng kailangan ko, wala pa din. pag si bebe meron. iyon na rin ung time na hindi na ko sumasabay sa inyong kumain ng pamilya mo. tanging ako lang ang hindi nyo kasabay. si bebe, isa rin yan sa mga traydor. close close kami kapag magkakasama kami ni lola. at kahit pag kaming 2 lang. pero pag dumating na yang asawa mo, wala na rin cyang pakialam sa kin. para akong naiwanan sa ere. parang feeling ko, ako at si lola lang ang magkakampi. ung anak mo sa pangalawa na panganay, aaminin ko inaaway ko. kahit sa napakaliit na bagay, panoood ng tv. gusto ko ako lang manonood the whole day. at pag nagalit na yang asawa mo dahil magsusumbong yang anak mo wala akong pakialam. pero pagdating ng gabi pinapagalitan mo ako. ano sinasagot ko? wala. tahimik lang ako. madalas mo akong pagalitan. nung mga time na iyon, marunong pa kong umiyak. pag papagalitan mo ko, umiiyak ako. tumutulo luha ko. at pag tinatanong mo ko kung sarili ko lang ba iniisip ko, iba ang sagot ng bibig ko sa sagot ng puso ko. Sabi ko hindi. iniisip ko din mga kapatid ko. pero sa totoo lang, ano bang pakialam ko sa knila, ni kayo ngang sarili kong ama walang pakialam sa akin. nung college na ko natutong manggulang sa inyo. kahit wala akong project sasabihin ko meron para bigyan nyo ko ng pera. minsan binibigyan nyo ko, minsan naman hindi. so parang bahala na. and dun ko rin natry na dukutan kayo sa pantalon nyo. that was the first and the last time i did it. Dahil siguro napuno na ko. Pag hihingi ako ng pera, wala kayong mabigay. Pero kapag sa sugal meron kayo kahit magdamagan, sa pang inom meron kayo hanggang kinabukasan. Iyon ung time na nagrerebelde na ko. late na ko umuuwi ng bahay, 10 pm. iniiwan nyo na lang na bukas ung pinto para pagdating ko diretso na ko sa kwarto ko. aalis ako ng bahay ng 7 am. so madalang na tayong magkita. pero iyong gap at yelo sa pagitan natin nandun pa rin. dahil sinubukan ko ng lahat ng dapat kong gawin para mapalapit sa inyo pero wala akong napala. tinuruan nyo akong maging ganito. nakaalis ako ng olongapo at nakalipat sa maynila. i told myself na pag iigihan kong mag aral para magkaroon ako ng matinong trabaho.

i graduated with honors nung college. nalaman mo. at sabi pa nila, baka daw pumunta ka sa graduation day ko at ikaw ang magsabit ng medal ko. ano ang sagot ko? "Kung pupunta cya, di na ko papasok ng PICC. Di ako aattend ng graduation. Cya na lang kumuha ng medal ko sa stage ng mag isa". hindi ko nga alam kung nalaman mo iyon.

eto na ko ngayon. hindi na umaasa kahit kanino. im paying for my space, bills and food. malayo sa lahat ng kamag anak. tinulungan nga nila ko pero ginawan nila ko ng masama. cguro it is gods way na rin iyon para mangyari ang lahat ng ito. sa lahat ng pinagdaanan ko, si God lang ang naging strength ko. Si lola na umintindi sa akin. And do you even know na nung high school ako i tried to kill myself using a cutter? Oo. I already placed the cutter on top of my wrist. bago pa nga blade nun so for sure ill be dead and the blood will be scattered all over my room. pero hindi ko ginawa iyon. sabi ko, when i did that stupid thing, ako ung nagpatalo sa inyo. kasi mahina ako. kaya naging turning point ko iyon para pag igihan ko iyong ginagawa ko especially ung pag aaral ko.

and now eto ako, programmer sa madaling salita. at dahil sa trabaho kong ito, twice na kong nakarating ng amerika. wala sa pangarap ko pero binigay sa kin ni god. at dahil rin sa trabahong meron ako, unti unti kong nahubog kung ano man ako ngaun. marami akong natutunan dahil sa sarili kong pagsisikap.

hindi ko alam kung anong magandang epekto ng ginawa nyong pagpapalaki sa kin nung bata ako. lumaki akong independent. pero ung relasyon natin bilang mag ama ay nawala.Aaminin ko, HINDI KO ALAM ano ang feeling ng my AMA. ang my NANAY. ang alam ko lang, kaya ko ng MAG ISA. eto ang tinuro nyo sa kin. at natutunan ko na rin ang hindi gumamit ng emosyon.

ang alam kong pamilya ko ay ang mga KAIBIGAN ko. na hindi ako iniwan sa lahat ng pinagdaanan ko. SILA ang nakinig at nagpayo at TUMAYO sa tabi ko sa mga panahong wala na kong masandalan.

Lumipas na ang ilang taon, nakapag usap na tayo last year. Umiyak kayo sa harap ko. That was the second time na nakita ko kayong umiyak, first was nung namatay si nanay. hindi ko alam kung bakit di ako naantig sa mga luhang nilalabas nyo sa mata nyo. cguro bato na nga ako. sabi nyo nga, nag iba na ang anak nyo. hindi na ko ang katulad dati na mahina. Sabi nyo bato na ako ni hindi ako nakakaramdam ng kahit ano nung nag uusap tau. Nagsorry kayo sa pag aasawa nyo ulit dahil sa tingin nyo hindi nyo nagawa ung papel nyo bilang ama sa amin. Ako? Cerebral. Hindi emosyon ang umaandar kundi utak. wala akong sinumbat.

Hindi ko alam kung pano magrereach out sa inyo dahil ang layo na ng pagitan natin. Hindi ko alam kung san magsisimula dahil wala naman tayong nasimulan. Hindi ko nga alam kung pano, saan at ano. kaya kong magpatawad. pero ako ung taong pag ginawan ng masama, my pader na sa pagitan natin. at iyong pader na meron tayo sobrang laki na. mahirap ng gibain. kayo ang nagtayo ng pader na iyon sa mura kong isipan. lumaki na lang ng lumaki.

Hindi na tayo magiging isang buong pamilya. Dahil wala naman akong pamilya sa katauhan nyo simula pagkabata ko.

Para kay Lola, "La, salamat sa lahat. Salamat sa lahat ng pangaral at pagmamahal. Salamat at pinaramdam nyo sa kin kung pano ang merong nagmamahal. Gusto ko kayong yakapin ngaun ng mahigpit habang umiiyak. Pero hindi ko na magagawa iyon. Sana masaya ka kahit nasan ka man. Dont think of me anymore, i know how to take care of myself na. Salamat at nagpaalam ka sa akin sa panaginip ko before mo ko iniwan 5 years ago."


Hindi ko alam pano tatapusin ito. Ang plano ko sa ngayon, umalis ng Pilipinas. Lumayo ng malayong malayo. Maging successful sa ibang bansa na malayo sa pilipinas at babalik paglipas ng lima o higit pang taon.


Updates:

Grade 2 ako noon. nagpalit kami ni Bebe ng lapis. pinagpalit ko for a while ung lapis sa classmate ko ng ballpen. pag uwi ko ng tanghali hinanap mo sa akin iyong lapis ni bebe, sabi ko nasa classmate ko at magpapalit ulit kami ng hapon. anong sabi mo? bumalik ako ng school at kunin ung lapis ni bebe. hindi pa ko kumakain nun at kakauwi ko lang. ni hindi ko nga alam anong mali dun.

Nung grumadwate ng high school si bebe, my nakuhang cyang isang award. Isang medal. Ano ginawa nyo? Pinangalandakan nyo na merong isang medal ang paborito nyong anak!. Sa lahat ng tao, kaibigan, kapitbahay. Alam nila na very proud kayo sa nag iisang medalya nya. Nagawa nyo ba iyon sa mga medalyang inabot ko sa inyo? Or nagpakita ba kayo kahit maliit na appreciation sa mga nagawa ko? Sa bawat pag akyat ng stage, napakita nyo bang proud kayo sa mga medalya ko? HINDI ko naramdaman.

Dumating iyong pinaka magulong parte ng buhay ko 2007. iyon ung time na umalis na ko sa bahay ni ate. pagbalik ko ng US, umalis na ko ng bahay at namuhay ng solo, or kasama ng mga kaibigan ko. marami akong narinig sa pag alis kong iyon sa bahay na iyon. halos bumuhos ang pagsumpa sa akin sa text messages sa phone ko. my narinig ba sila kahit isang salita mula sa akin? wala. dahil hindi ko inexplain ung side ko. what for? papakinggan ba nila ako? will it still matter if i air my side? definitely not. iyon ung time na ultimo buhay ko pinagbabantaan na. and for sure, alam nyo iyong issue na iyon. sa time na iyon, tumayo ako sa sarili kong mga paa ulit. natuto akong magpaka ingat pagpasok at pag uwi mula sa opisina. natatakot na my makasalubong na tao na puedeng my gumawa ng masama sa akin. na hindi ko alam if ever mangyari iyon kung aabot pa ba ko sa hospital or worst hindi na. sino naging sandalan ko? PAMILYA ba? HINDI! mga kaibigan ko ang dumamay sa akin. mga kateam ko ang nagprotekta sa akin sa opisina. sinabi ko sa buong team na wag maglalabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa akin lalong lalo na ng mga lugar na pinupuntahan ko once na my magtanong sa knila na ibang tao. iyon ung time na parang nasa bingit ako ng kamatayan. hindi ko alam ano mangyayari sa akin bukas or sa susunod pa. Alam ng mga kaibigan ko kung sino ang mga taong involved sa kwento na iyon. Alam nila na kapag my nangyari sa aking hindi maganda, kung sino ang ituturo at paano ilalabas ang mga ebidensya laban sa mga taong iyon. Alam kung saan ituturo at alam kung ano ang mga ebidensya.

Nung mga panahon na iyon ko din nalaman through text na "TINAKWIL" nyo na daw ako bilang anak nyo. Gusto nyong malaman ano naramdaman ko? WALA. HINDI AKO APEKTADO. Dahil sa tanang buhay ko, parang wala naman akong ama. So whats new? Whats the difference? Ginagawa nyo lang ba yan para sa ibang tao? Masabi lang at mapatunayan na sobrang sama kong anak? Na ultimo tatay nya itinatakwil cya?. I dont care kung nagsama sama man kayo nung time na iyon. Dahil as far as i know, wala akong ginagawang masama. At wala akong tinatapakang tao. Tinakwil nyo man ako sa salita, para naman akong walang ama simula pagkabata. My pagkakaiba ba? Wala di ba? Its just a matter of using the word. Parang to make it official. Fine with me.

Nung nag usap tayo last year, klinaro ko mismo sa inyo kung totoo ngang ginawa nyo iyon? Ano una nyong sagot sa akin, IYAK! humingi kayo ng patawad dahil sa nagawa nyo. Sinabi nyo na hindi nyo sinasadya, na nadala lamang kayo ng emosyon nyo at galit dahil sa mga naririnig nyong kuwento. Ano sinagot ko sa inyo? Ok lang, hindi naman ako apektado nun. gusto ko lang marinig kung talagang sinabi nyo nga. Confirmed. Wala akong naramdaman na pagkakaiba simula nung anak nyo ko hanggang sa tinakwil nyo ko. Ganun pa din naman. Lumaki na parang walang tatay, so whats the use kung itakwil nyo man ako? wala namang pinagkaiba. Ah meron, opisyal ng hindi nyo ako anak.

Sabi nyo sa akin nung nag usap tayo, bakit ganun na ko? Bakit? Dahil hindi ako marunong umiyak? Dahil hindi ako apektado ng mga pinagsasabi nyo? Or parang wala na kong emosyon nung kaharap nyo ako? Ako na iyon, matibay matatag. Alam ko kung kelan ako magseseryoso. At kaya kong ikubli ang lahat ng lungkot na meron ako sa mga ngiting meron ako.

Malayo na ang pagitan natin bilang ama at anak. Dahil sa simula pa lang, mula pagkabata hindi ko naramdaman na meron akong isang ama. galit ba kayo sa akin? Dahil ako iyong panganay at nawala si nanay? Or dahil naman kamukha ko si nanay at iyon ang reason bakit kayo nagagalit sa akin?

Sabi nyo sa akin, sabihin ko bakit ako nagagalit sa inyo. Sabi ko no need kasi nangyari na. Kala ko as time goes by, mabubura cya ng isa isa. At dahil magkalayo tayo, maghihilom din ang sugat na meron ako. Pero hindi pa rin pala. Masyadong malalim. Ang hirap gamutin. Kaya ngayon eto, nilalabas ko. para sana makalimutan ko din ang lahat ng ito ng malayo sa inyo.

Balak kong magpakalayo layo ng Pilipinas. Kalimutan at magsimulang muli. Sa ngayon yan ang plano ko. Buti na lang si AJ, matatapos na sa course nya. Sarili ko na lang ang iintindihin ko at hindi na cya kasama. Wala na rin akong kailangang bayarang tuition fee dahil hindi kayang tustusan ng ama ang pag aaral ng kanyang anak. Buti na lang pala meron akong scholarship no? Dahil sabi nyo nga, kung wala iyon hindi nyo kami mapag aaral sa kolehiyo. Napaka huwarang ama.


badminton

i played badminton again last night together with the other players here in the office. that was the second time i played the game on this year. wala lang, pampatanggal lang ng taba(?) sa katawan. hehehe.. need ko kasi itrim ulit ung katawan ko, lumolobo na kasi si edward. hayz. but im not that fat, i only have baby fats. bwahahha

the good thing is, lahat ng set na nilaro ko last night panalo. hahahha.. well, thanks thanks sa mga nakalaban ko kasi baka pinagbigyan ako.. hehehe..

im not saying na magaling ako okay? dahil lang sa napanalo namin ung lahat ng set na nalaro namin ng mga naging partner ko.

moral of the story: magaling ang mga naging partner ko at nadala nila ko. bwahahha.. humble ko daw. hahaha

massage

had a whole body massage last night after office hours, and finally i can say that i feel lighter now compared before the massage. well, we still managed to find another branch of relaksasi in MOA.

for Balinese massage, i paid 850. :D [tama ba spelling ko? i dont know, i dont pay much attention to what is written on the pamplet hehehe]

weekend

went to my titas house in batangas because i need to reformat their laptop. i went there late Saturday morning since the original plan was to left Manila at around 6 am but unfortunately since im having a back problem (i think because of the stress) i woke up around past 7. and im at the bus terminal at 8.

i brought with me my own laptop, my clothes for two days and my laundry (which i placed in my big luggage - the one i used when i travelled to US), yeah the 32 lbs luggage. but since its a one month laundry clothes, it was full inside the bag. and it was like a 70 lbs luggage lol! so heavy!

i told my tita that i need to wash those clothes and she volunteered to do it. :D im happy! hahahaha.. i reformat their laptop and i also went to the market to buy some fruits which some of it i gave to my lola there.

on night, we went to a funeral to gamble! hahaha.. it was called "saklay" in tagalog. okay. let me clear this - i dont know how to play that game. i just put my bet on a card which i like and just wait for the marker to be placed on my bet card. if that happens, i know i won. and sometimes i lost. :D thats part of the game. but at the end of it, when i computed my money, i won around 240 pesos. see! i dont know how to play but i won. lol!

the following day i told myself that i will be leaving early since i have a plan when i get back in Manila, but due to stress(?) again, i woke up past 8 early 9 am. see! tsktsk. and left Batangas around 12:30. around 4 pm when i reached Pasay and i took a cab to bring me home and i told the cab to wait for me and if its okay to bring me to Megamall and he agreed. i went to st francis to buy some stuff and then took a cab again going back to Columns in Buendia.

my next agenda was to have a massage since im really complaining about it and i think i need to release all these stress inside my body. but sad to say, i did not know that Relaksasi in Columns is already closed. bad!

went to Tokyo Tokyo to buy my dinner and then went home. i had my dinner at home and just slept around 10 pm.

and i know that i am really tired for that weekend. im stressed. i know.

new haircut

i went to Mendez last night to have my hair done. it was back to short styled hair. and I'm okay with it.

cut the hair to remove all the bad things that you have in your body but then i still want a massage. to release all those tensions and stress inside my body.

i want a vacation. free from all. hahaha

Quotes 101

guy1: san ka bumibili ng pants mo?
guy2: dun sa minomodel ni Aljur.
guy1: ah, RRJ!

aun naman pala! hahaha.. kilala mo na kung sino ka.. hahaha

contacts

i have another contacts! bwahahha.. color green and hazel. :D

current status: praying and hoping. the sooner the better..

nasa office

5:27 am laptop time nasa office ako. bakit? kasi nagkaproblema daw ung ginawa ko sa production nung huwebes, kaya tinawagan ako ng 2:30 ng madaling araw para sabihing irevert ko daw ung ginawa ko at wala daw ibang gagawa.

my choice ba ko? sa totoo lang feeling ko wala.

i know how to take care of my responsibilities naman pero ewan, and sa totoo lang ulit, ayokong mag entertain ng kung ano anong idea sa utak ko, lalo na pag my kinalaman sa ibang tao.

as i always say, nagiging masama ako dahil sa mga tao sa paligid ko na gumagawa ng masama sa akin. pero ewan ko talaga. sana matuloy ung other plans ko. the sooner the better.

done

okay, the day is finally over and im back at the office. actually even though im on leave yesterday, i still managed to be here by 5 pm and attended the meeting and did some paperworks needed yesterday for my todays work.

what happened? the first part of exam was okay, im sure that i did it 90%. the second one was like - WHAT IS THIS!!!! hahhaha.. i dont have enough knowledge on the questions being asked. out of 38 items, i think im only sure about 13 to 15 of my answers.

now, in the afternoon, was the interview proper. each applicant was given 30-45 minutes during interview portion to answer the questions being thrown to them and also give some details.

when its my turn on the table, and only the three of us - me and the two interviewer, i told them that im nervous, and my hands are getting colder and colder. and they told me that we will be doing an informal interview. okay as i said.

then the nearest interviewer told me at first that - "you can do some modelling". bwahahhaa.. okay, i laugh inside. and i also told them that my plan before was to become a steward. but that plan was changed. so after that the interviewer conducted the interview and after that interview i was like im groggy with all the stuff that happened. hahaha.. it was like i dont know what i said blah blah.

after that interview, i went to the office. :D

and im taking another step

yes. in my career life. ive submitted my resume to this company in malaysia and tomorrow i will have an interview, exam and whatsoever they will perform. actually, im really nervous on what will happen, because the last time i had an interview (applying for a job) was last year, week ago before todays date.

im not sure also on my knowledge bank if i can still depend on it. lets face the reality. its been already a year since i turned my back on AI. and now im coming back to it. im not sure if i still recall all the models, functions, codes and the things that it have. i am really nervous.

one more thing that im thinking is the people that i will be seeing there for tomorrow's exam slash interview.

im praying hard for this to happen and i hope that im going to have an easy way for this one.

pray with me. ^_^

weekend

i went to batangas last weekend to my tita's house. my main reason is to visit the dentist because im having some problem with my jacket on my mouth's left side. so i woke up so early around 6 am, which is usually i do not do. by 11 am im at my titas house na. after lunch time i went to the dentist together with my cousin.

at the clinic, i let the dentist to do her job on my mouth. i also had a filling. and lastly, i need an xray for my lower tooth also on the left side. and she told me to have a brace on my lower teeth just to fix some of the teeth i have.

well, with all the things that i had done on my mouth, i think its not practical to have braces now. why? first, it will cost me a lot. and i just spent a 40k on my first session with the dentist.
second reason, im looking for a job abroad, so it is not practical to have a brace here and i cant make any follow up every month once the braces are placed in my mouth.

thats what i did last weekend. and im back yesterday afternoon.

where am i heading from this point in time?

i dont know. hahahaha.. well, i wanna start my life again far from this country. when i said far, i really mean it. US will do. but of course i need to go back to reality if i can do that. a visa is not enough just to get to the US, but most importantly a place wherein i can stay. and with the economic crisis the world is facing im not really sure if i can get a job so easily, if ever happen that i will stay there.

a lot of things and ideas are popping out in my head. do i need a new job? maybe. do i need a new place? maybe. do i need a new set of friends? maybe.

i have my resolution to do this year, for me to go back to the old me and i really hope that i can do that one by one. and im praying to my Lord God to bring me to a place where i can be happy and a place where i can start my life from the start. what about another career? hehehe

david.edward signing off.

busy

that is my current status. busy.. my deadlines na kailangang imeet. meron pa till jan 19. so how many days na lang ang natitira. work work and work..

the only problem is ung network. since we are accessing networks in US, sobrang bagal. unstable ung network connection, minsan medyo mabilis but like now gumagapang kami sa network and nakakatamad magwork pag ganun, lets admit the fact. tutunganga ka just to wait for the application to open, then when you wait for it and once na nagopen, naghahang naman. badtrip ba? hehehe

im busy.

meeting friends again

ayan oh! after ng grande island ngaun lang daw ulit nagkita. hehehe.. sino sino? apat lang kami kasi di daw available ung iba. so si ako, si ate russ, si jo o and si isa pang jo! hahaha.. and si bf ni jo o.

lunch muna sa gerrys then naglakad sa bay area ng MOA to check the place, then nag sb tapos nun san na? cyempre my concert kami sa araneta so practice practice muna. hhahaha.. 3 oras kaming nagpractice kumanta and so far okay naman.. solved!

hay.. till next time! ingat sa pagbyahe ulit ate russ pabalik ng MY. ung earphone gamit ko na, as in now na. hahaha.. thanks thanks..

year 2

year 2 na.. and im still counting. pero ano ba itong year 2 na ito? ganito kasi yan.

it started last year, holiday season din. ayokong pumunta sa mga kamag-anak ko sa father side dahil sa mga issue na ginawa nila. sa mother side naman, sabi ko ayoko din. kahit pinipilit nila ko na celebrate the holidays with them.

and because sa pagiging adventurous ko, i challenged myself if i can celebrate the holidays ng ako lang mag-isa. im gonna check kung kakayanin ko ba talaga and make sure na okay naman. so far naging okay naman. hehehe. one thing na napatunayan ko na naman. kaya kong ako lang mag isa magcelebrate ng holidays. walang lungkot. ( or di ko na iniisip un hahaha).

and this year is the same, christmas time nasa office ako. pumasok kami dahil my mga ginawa pa kami. then came naman ung reunion with the four diamonds. and after nun, what did i do sa house? natulog, natulog, nag watch ng tv and nag game sa laptop.

sobra na sa tulog ito. hahaha.. new year, just the same inaaya ako ng tita ko to celebrate it with them pero sabi ko tinatamad ako.. so dito na lang ako sa house mag isa. hehehe..

kung last year, nakita ko ang mga fireworks sa metro dahil sa taas ng condo, this year kita ko naman ang usok sa paligid ng apartment dahil sa paputok. sobrang usok! hehehe

so i hope this new year brings a lot to me. meron na kong nilista na dapat kong gawin this year and sana magawa ko. hehehe

Happy New Year everyone! ^_^