headache..

6:30 am pa lang gising na ko, ano ba ito... sobrang sakit ng ulo ko. nakakainis. ang bigat. natulog naman ako ng maayos - sa tingin ko ah - kagabi dahil mga 7 pm pa lang ata or wala pa bagsak na katawan ko sa sobrang pagod sa byahe. then nagising ako kasi ginising ako ng kasama ko dito sa 2 bedroom suite. pagbalik ko medyo hirap na kong makatulog ulit. pero nakatulog na ko ng around 2 am pagkatapos tumunganga. hahaha

ngaun, tinatamad pa kong maligo dahil nga sa sakit ng ulo ko. maya maya na cguro. musta na lang sa magiging training mamaya. goodluck! pag ako inantok. hehehe

turbulence..pagod..

potek! kakapagod na byahe! kamusta naman un?! two long flights na ung natapos, one more to go na maiksi na lang. grabe ung byahe sa PAL. sobrang alog. im telling you, kaka take-off pa lang namin sa NAIA hilo na ako. bkit? hindi ko gusto ung paglipad ng plane, tapos pag akyat pa namin sa taas, sinalubong na kami agad ng turbulence. kamusta kamusta naman iyon?! at hindi basta alog lang ah, todo alog talaga. hay. ilang beses din umalog ung eroplano. talagang gising ka. tsk tsk. bkit kaya? comparing sa Cathay na sakay ko last year, sobrang smooth ng byahe namin dun, as in pag my turbulence, sasabihin mo lang - ok. ganun cya!. so mga first few hours ng byahe ko talgang seryoso daw ang mukha ko, dahil nga nahihilo ako at parang sabi ko sa sarili ko - "this will not be a long good flight". sinimulan ako. my reservation kami ng seat sa my bandang wing. we emailed PAL for the seat reservation and ok. but nung nandun na kmi sa counter, potek, nasa hulihan na kami. nice reservation no? sana pala wala na lang ganun. wala kasi silang online check-in kaya effort sa pagpila at mano-manong proseso, talgang it takes time checking your baggage in their counter. mahabang proseso.

pero on the lighter side, cyempre modelo na naman ang hitsura ko. bwahahha.. naghagilap talaga ako ng isusuot ko sa byahe na ito. my nagparamdam kasi sa akin na mga damit. so sinuot ko na. kahit my kamahalan ang bawat isa at wala sa planong bilhin. ubos na ang aking salapi sa totoo lang. pero go pa din. kailangan sobrang presentable ang aking hitsura.

ung hand carry ko, nasecondary screening sa PAL. di ko alam bakit. nung inopen na, tinanong anong work ko, where i work, etc. sabi ko IT, sabi nung katabi nya hitsura naman nya eh. sabi sa inyo eh.. looks can be deceiving talga. and samahan mo pa ng mukhang mala-anghel at pag nakipag usap parang close tayo, ahahha.. so walang problema. kahit sa LAX. wala rin. sabi nga nung inspection girl sa akin, "how are you sweetie?, where are you going? have a safe trip and enjoy!", feeling close cyempre sumagot ako, "im fine, how about you? im going to FL". tapos ang screening. hahaha.. ang babaet nila. sabi sa inyo eh, hitsura lang iyan.. bwahahah.. joke!

sa PAL naman, i asked ung stewardess "ganito na po ba talga iyong temperature sa loob?", sagot nya, "i'll ask later ah", sagot ulit ako "medyo mainit po kasi". bwahahha.. mahaderong lalaki. well, ayun, after mga 30 mins sa taas *take note sa taas* dun lang lumamig.

musta naman un no? hehehe

friendster at picture...

after one day here i am again. nagsusulat sa aking blog. bakit nga ba ako araw araw nagbablog? dahil wala pa kong magawa! wahahaha.. after two years ng work, medyo petiks mode na naman. hehehe

kahapon pag uwi ko, nagpagupit na rin ako ng buhok dahil mukha na naman akong tambay - for me mahaba na buhok ko - hindi nababagay sa hitsura at sa trabaho ko. hehhe. after ng gupit nagpalinis na rin ako ng kuko. :) arte! hahaha.. at least balik sa pagiging vain.

okay, what im doing lately is to browse my friendster account. i saw my college crush na my anak na and im not sure if shes married na. wala lang, parang dati fresh looking cya, ngaun is matured na ung look nya.

naiinggit ako sa ibang account dahil ang daming pictures. gusto ko man magpost sa mga panahong ito eh nasa external HDD ko ung mga pictures, at effort masyado kasi my power supply pa. basta one of these days magpopost din ako ng mga pictures ko.. kala nyo kayo lang ang naggagala ah! hahaha... wait nyo lang. all around the world ito!

later, i will be going sa SM, cause magpapatahi ako ng slacks. my nabili kasi ako papaayos ko lang ung cut. tatlo din un na i will be using to my business trip. nakakamiss lang ung mga taong kasama ko dati. :)

anyways, sooner i will be more productive compared to what im doing right now. God knows the right timing. So enjoy the moment! ;)

patingin naman ng friendster mo!

david.edward signing off..

bagahe at buhay..

kmusta kamusta? and im back! hahaha..

ayan. medyo in a hyper mode ako kasi kakakain ko lang and inaantok ako tapos malamig pa dito sa loob ng opisina, when i say na malamig, naka jacket ako na my hood, my cap tapos ung hood ng jacket nasa ulo ko rin. :D

so iyon. ano na ba bago? hmm.. okay. ikuwento ang mga naganap.

kahapon: maghapon sa loob ng opisina, gumawa ng mga "assignment" at nag surf sa net the whole day. :)
nung gabi, nagpunta kami ng Glorietta complex, namili ng dapat bilhin. para saan? sa nalalapit na byahe. nakabili na ko ng moisturizer ng mukha ko - courtesy of the face shop - nakabili na rin ako ng 2 slacks - SM Makati - ng mga toiletries - SM Grocery -, so un.
After namin mabili ang mga dapat bilin, umuwi muna kami sa unit before umalis ulit para kumain. ang mahiwagang kainan? sa KFC! naman! hahhaah.. Finger Lickin Goods talaga.. mga housemates nagsama sama muli! Riot ito! bwhahaha.. kwentuhan to the max, parang walang trabaho.. hehehe..

pagkauwi, antok na naman ako dahil busog - patabaing baboy na ko, tsktsk - pero i need to pack my things na din naman kahit papano. dahil nga sa my memory gap ako, kailangan magpack ng maaga para if ever i forgot something maayos ko pa agad. so un nga, naayos ko na ung mga pajama ko, ung mga damit na pambahay, panggala and pamasok sa office, socks and undies, and ung toiletries. check ko pa kung complete na. gagawa pa ko ng checklist eh. hehehe.. so un nga.

di naman ako masyadong excited. unti lang.. bwahhaha.. di gano kasi sa PAL ako sasakay. :)
pero malay din natin dahil baka my kakaibang experience akong maranasan sa PAL di ba? only God knows what will happen to my trip. ;)

so sa ngaun, un pa lang naman aside from the fact na naghihirap na ko. puro lumabas na ang aking mga salapi at walang pumapasok dahil wala pang sweldo isang buwan na. ngayon ko napagtanto na mahirap palang magresign.. hahhaa.. hirap ng walang sweldo,. grabe! nangutang ako.. thanks nga pala sa nautangan ko.. hehehe.. bawi ako next time, sensya na talga. wala kasi akong pamilya. PRIDE. hahhaha

so iyon, maya di ko pa alam anong gagawin ko, pero need kong ipaputol ung slacks na nabili ko.. hehehe.. medyo mahaba kasi and hindi maayos ung tahi sa ilalim (arte!).. hhehehe

so pano? till next time!


David.Edward signing off...

new work.. new laptop..

this is my second week at work. and today i received my laptop unit to be use in my new job. wala lang, parang biglang lumiit lang ung screen ng laptop ko.. bwahahha.. naging 14 inches.. ang kulit nga eh. para akong my kahon compared to my laptop na its a wide screen.. tsktsk..

well, so iyon. my another worry is my passport. hindi ko pa narereceived simula last week. iyong mga kasama ko meron na, kasi sila dito sa office pinadeliver samantalang ako sa unit. and wala akong iniwan na authorization letter sa guard. but this morning i did that thing just to make sure na makukuha na ung passport ko. and when i checked the site (delbros.com) and track my passport, nasend na pala iyon last week, re attempt na lang daw today... tsktsk.. what happened?!! waa.. i dont know.

so iyon.. next thing is to pack my things muna for the trip. :)

tears and tears...

luha kung tawagin sa tagalog, tears naman sa salitang ingles. ito ang ginawa ko sa araw na ito. ang maglabas ng luha mula sa aking dalawang mata.

finally, its over. tapos na ang aking pamamalagi sa kompanyang ito ng mahigit dalawang taon. hindi ko mapigilan ang maging emosyonal sa aking pag alis. lumuha ako sa umaga. luhang totoo at iyak na totoo. my kasamang hikbi sa bawat pag iyak.

naiiyak ako sa ideya na hindi ko na makakasama sa araw araw ang mga nakasama ko dito sa loob ng team ng mahigit dalawang taon.

sobra na ang nailuha ko. kahit ayaw kong umiyak, pilit na tumutulo ang aking mga luha.. sobrang sakit na ng ilong ko kapupunas sa bawat hikbi.

PAALAM aking mga kaibigan.

RESIGNED...

new job will start next week. After 2 years five months 10 days of serving this company, i will finally say goodbye to my second family - my team mates. I know its so hard for each one of us to say goodbye especially those who will be leaving the company, but this is the time to move on. I asked God for it and He gave it to me.

I just wish goodluck and Godbless to me.. :)